AN : FOCUS MUNA TAYO SA MGA PANGYAYARI KINA HADES AT HEAVEN. ISANTABI MUNA NATIN ANG MGA MONDRAGON.
========================================
Nang sumapit ang gabi, nanatili si Heaven sa loob ng kanyang silid. Binabasa na lamang nya ang magazine at mga dyaryo. Nabasa nya sa isang dyaryo ang tungkol sa kanyang pagkawala. Malimit paring naiiyak sya dahil nababasa nya ang mga panayam sa kanyang ama't ina. Maging ang kanyang mga kapatid ay meron ding mga pahayag. Lahat sila ay umaasa sa kanyang pagbabalik.
"H'wag kayong mag-alala babalik ako sa inyo. Manalig lamang kayo sa Dios. Mahal na mahal ko kayo." Nasabi ni Heaven.
Ilang sandali muling bumukas ang pinto ng kanyang silid. Dumating ang isang katulong kasama ang dalawang lalaki.
"Ma'am lumabas po daw kayo sa inyong silid. Nais kayong makasabay ni Sir na kumain ng hapunan."
Nagdadalawang isip si Heaven na humarap kay Hades. Gayun paman nararamdaman n'ya narin ang pagkagutom. Kaya sumabay sya sa 3 na lumabas. Napapakuyom ang mga kamay ni Heaven na bumaba ng hagdanan. Sari -saring plano ang pumapasok sa kanyang isipan. Lalo na ay kung paano s'ya makakatakas sa kamay ni Hades. Dinala si Heaven sa hapag kainan, kung saan naghihintay ang isang mahabang mesa at nakahanda ang kani-kanilang pagkain ni Hades. Mistula silang nasa NORTH AT SOUTH pole sa layo ng pagitan nilang dalawa. Bawat isa ay nakaupo sa bandang dulo ng mesa. Nakita ni Heaven si Hades. Tila hindi pa ito nagsimulang kumain.
"Have a seat." Sabi ni Hades.
Pinagmasdan ni Heaven ang pagkain. Ni hindi nya magawang tikman. Pinagmasdan nya ang pagkain ni Hades. Magkatulad din naman sila ng pagkain.
"What are you waiting for?" Tanong ni Hades.
Nanatiling tahimik si Heaven.
"Hindi ka ba magsasalita Heaven? Bumaluktot na ba ang dila mo? O ayaw mo ng pagkain? Alam kong nagugutom kana. H'wag kanang mahiya." Pag-aalok ni Hades.
Naupo si Heaven ngunit di parin tinikman ang pagkain. Pinagmasdan nya ang kutsara at tinidor. Inangat nya ang tinidor at tinusok sa pagkain. Batid nyang yari sa pilak ang tinidor. Tamang tama may lumapit na isang katulong.
"Paki tikman nga ang mga pagkain ko." Sabi ni Heaven sa katulong habang naglalagay ng juice sa kanyang baso.
"Po?"
"Tikman mo." Utos ni Heaven. Narinig naman ni Hades at pinagmasdan si Heaven. Ibinigay ni Heaven ang kanyang kutsara sa katulong. Kaya naman isa-isa tinikman ng katulong ang pagkain. Hinintay ni Heaven ng ilang sandali. Habang si Hades ay nakatingin kay Heaven habang kumakain.
"Ano bang kinakatakutan mo Heaven?" Tanong ni Hades.
"Pinapatikman ko lang naman ang pagkain dahil baka pinalagyan mo ng ARSENIC ang pagkain ko." Sabi ni Heaven.
"Ha ha ha ha you're so pathetic. Bakit ko naman gagawin 'yon gayung mapapakinabangan kita?"Sagot ni Hades sa dalaga.
"Talagang demonyo ka Hades!" Asik ni Heaven.
"Shut up! Pwede ba, saka kana maglitanya sa akin. Kung ako sa 'yo kumain kana bago ko pa maisipang bigyan ka ng pagkain ng aso o sa pusa." Sabi ni Hades.
"Nasusuka ako pag nakikita kita." Sagot ni Heaven.
"Deal with it. You can't do anything. Kung ako sa 'yo kumain ka para meron kang lakas na kalabanin ako. You want to hurt me, right? Then show me your guts." hamon ni Hades.
Napatiim bagang ang dalaga. Pinalitan ng katulong ang tinidor ni Heaven. Saka nagsimulang kumain ang dalaga. Parang lalamunin ni Heaven si Hades habang nakatitig ito sa binata. Samantalang pangiti ngiti si Hades na para bang lalong inaasar si Heaven.