Pinaliguan ang dalaga sa loob ng kanyang silid. Walang nagawa si Heaven kundi linisan ang sarili. Panaka nakang naiiyak ang dalaga dahil alam n'yang matatagalan syang makakauwi sa piling ng kanyang pamilya. Lalo s'yang napapaluha tuwing naiisip nya na nakapagbenta si Hades. Hindi nya lubos maisip kung saan nya hahanapin ang kanyang magiging mga anak.
"Ang sama sama nya..ang sama sama nya.." Pabulong na nasasabi ni Heaven.
Habang sa labas naman ay inalis ng mga tauhan ni Hades ang nasunog na mga kurtina.
"H'wag hayaang makalapit sa laboratoryo si Heaven. Marami s'yang pwedeng gawin. 'Yong mga speed boat na malapit sa dalampasigan siguraduhing hindi nya makikita. Kundi makakahingi sya ng tulong sa malalapit na isla. Tandaan ninyo maiipit tayong lahat dito." Sinabi ni Hades.
Kaya lalong naging alerto ang mga tauhan ni Hades. Muling kinulong si Heaven. Hindi na naman s'ya makakalabas ng silid. Hanggang sa pagtanaw lamang sa bintana ang kanyang nagagawa.
"Dios ko, tulungan n'yo ako. Kailangan kong mapigilan ang mga kalokohang gagawin sa akin ni Hades. Ayaw kong di mahanap ang mga magiging mga anak ko. Gusto ko silang mahanap. Kahit kanino man sila mabubuhay kailangan ko silang makita."- si Heaven.
Sumunod na araw, pagkatapos nakumain ni Heaven, muli na namang pumasok ang ilang kalalakihan at minsan pang pinilit nilang pinainum si Heaven ng gamot. Tinatali ang mga kamay ng dalaga ng ilang minuto dahil baka maisipan nitong dukutin ang lalamunan upang maisuka ang gamot na nainum nito.
"Lintek! Anong gamot itong pinapainum sa akin ni Hades?" Isip ng isip si Heaven ng mga posibleng gamot na makakapabago ng kanyang hormones..nang may sumagi sa kanyang isipan.
"Dios ko..pinapainum nya ako ng ****** DRUGS." Napatakip ng kanyang bibig si Heaven.
-------------------------------------------------------------------------
Sa kabilang dako, wala paring nakukuha na impormasyon ang mga Mondragon. Lalong nababahala ang lahat sa kalagayan ni Heaven.
"Papa, hindi pwedeng hindi natin matagpuan si Ate. Kailangan meron na tayong mahanap na clue kung nasaan na s'ya." Nasabi ni Eagan.
"Ang problema nga ay di nakikipag negosasyon sa atin ang kidnapper ng kapatid mo." Uminit ang ulo ni Popoy.
"24 hours nang minamanmanan ang paligid ng restaurant, dito sa kompanya, sa mga lugar na madalas tambayan ni Ate. Pero wala tayong nakikita."Sabi naman ni Cassini.
"Ang mahirap sa Ate ninyo mahilig maglihim. Iniisip ko nga kung baka nasaktan ng Ate ninyo 'yong stalker n'ya kaya binawian s'ya nito. " Sabi ng kanilang ama.
"Hanggang kelan tayo maghihintay nito? Nagkakaroon na ng depresyon si Mama sa kakaisip kay Ate." Nabanggit din ni Eagan.
"Yan narin ang nakakadagdag ng alalahanin ko. Nahahati ang isipan ko sa ina nyo at kay Heaven." Nasabi ni Popoy.
Nang...
KRINGGGG
Tumunog ang intercom.
" A call from Tommy Olimpia."
Si Eagan ang agad na tumanggap ng tawag.
"Hello."
( Eagan, si Tommy ito. Nabalitaan kong nawawala si Heaven. )
"Yes, Tom. Nawawala si Ate may dumukot sa kanya."
( Meron na ba kayong naisip kung sino ang dumukot kay Heaven? )
"Wala nga eh."
( Jesus, I hope she's fine. Nag-aalala ako sa kanya. )
"Don't worry Tom. Hindi kami tumitigil na di sya matatagpuan. Alam naming sisikapin ni Ate na makakatakas sya sa kamay ng kanyang abductor."