Chap. 18 HADES

1.9K 316 51
                                    


Titig na titig si Heaven sa kanyang kaibigan. Hindi s'ya makapaniwalang naglalakad ng maayos si Tommy. Lumakad ito papuntang bintana at tumingin sa labas. Hindi magawang magsalita ni Heaven. Tila pansamantala s'yang nanigas na parang yelo habang nakatingin kay Tommy. Napatakip pa sya ng bibig.

"I'm glad that you're here. Natapos narin ang matagal kong paghihintay." Sabi ni Tommy.

"Tommy anong pinagsasabi mo?" Kinabahan ng husto si Heaven. Dahan dahang humarap ang binata at ngumiti. Lumapit ito kay Heaven at hinarap ng maigi ang dalaga.

"Akala ko hindi na darating ang sandaling ito. Akala ko, mawawalang saysay ang lahat ng plano ko. Hindi pala.."

Kumalabog ang dibdib ni Heaven habang nakatitig sa mukha ng kaibigan.

"Tom..paki linaw ng mga sinasabi mo." Sabi ni Heaven.

Biglang hinawakan ni Tommy ang mukha ng dalaga. Nilapit nya ng husto ang kanyang mukha. Halos dadampi na ang labi ni Tommy sa labi ni Heaven.

"Baby, Let me introduce to you myself..I AM THOMAS ----OLIMPIA. Also known as SPARROW."Pakilala ni Tommy kay Heaven ang sarili nito.

Sa di malamang dahilan, umakyat ang dugo ni Heaven nang marinig ang pangalan ng kanyang Stalker.

PAK

Mabilis ang kamay ni Heaven na masampal ang mukha ni Tommy. Sasampalin pa sana ulit ni Heaven ngunit napigilan ni Tommy.

"Tommy how dare you to trick me like this?" Tanong ni Heaven habang nagpupumiglas sa pagkahawak ni Tommy.

"Ginawa ko ito para maningil sa kasalanang ginawa mo sa akin!!!" Bulyaw ni Tommy.

"Wala akong kasalanan sa 'yo. Tinuring kitang kaibigan. Mahal kita. Pero bakit? Bakit mo ako niloloko?!!" Bulyaw ni Heaven.

"Oo! Gagawin ko ang lahat upang mahulog ka sa mga kamay ko!! Sinira mo ang buhay ko..DAHIL SA 'YO NAMATAY ANG MGA MAGULANG KO!!!" Lakas ng bulyaw ni Tommy kay Heaven.

Bahagyang natigilan si Heaven matapos marinig ang paratang ni Tommy sa kanya.

"Anong pinagsasabi mong namatay ang mga magulang mo ng dahil sa akin?"  Napapakunot ang noo ni Heaven.

"You burned our house. You killed my mother. You ruined our community. Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagkasira ng buhay namin. Kaya nagkaisa kaming lahat na gumawa ng paraan upang makabawi sa 'yo!!"

Hindi makapaniwala si Heaven na masabi ni Tommy sa kanya ang isang pangyayaring pinagdaanan nya noon. Biglang nasambit ni Heaven sa harap ni Tommy..

"Ikaw...SI HADES."


FLASHBACK


Kitang kita ni Hades na nakahiga sa lupa ang kanyang ina't ama maging ang dayuhan. Kitang kita ni Hades na hawak ni Heaven ang baril. Nakataas parin ito sa ere at nakatutok. Agad naisip ni Hades na si Heaven ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nakasentro ang isip niya sa kanyang ina na nakahandusay sa harap ni Heaven.

"Inay!!!"

Agad napatakbo si Hades at  pilit na binuhat ang walang buhay na ina.

"Inayyyyyyy!!!!"

Napakainit sa paligid ngunit hindi dama ni Hades. Yakap yakap lamang ang kanyang ina.

"Inay!! Inay koooo!!

Biglang may narinig si Hades.

"Nak....A---nak..." Mahinang boses ang narinig ni Hades. Napalingon sya.

CHASING MY HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon