Chap. 9

2.5K 330 15
                                    

Kinabukasan, muling nakisalamuha si Heaven sa ibang bata. Nakikipaglaro si Heaven kay Hades. Ni hindi nya sinabi kay Hades ang tungkol sa kanyang narinig. Sinusundan ng tingin ni Heaven ang paglabas pasok ng mga tao sa loob ng bahay nina Hades.

"Hades, maglaro tayo ng taguan." Niyaya ni Heaven si Hades.

"Sige, tatawagin ko ang ibang bata para sumali sa atin."

Napangiti lang si Heaven. Agad na umalis si Hades upang tumawag ng mga bata. Dali dali naman si Heaven umikot sa likod bahay nina Hades.

"Kailangan kong makauwi sa bahay. Baka ilalayo ako ng ama ni Hades kina Mamoo at Papa.  Ayaw ko." Natataranta naghanap ng paraan si Heaven. Napaptingin sa paligid kung saan s'ya dadaan kung sakaling tatakas.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?"

Biglang nagitla si Heaven nang makita ang isang lalaki kumukuha ng tubig sa isang malaking drum.

"Ahhh,nasaan po ba dito ang banyo? Naiihi po ako eh." Sagot ni Heaven

Itinuro ng lalaki ang banyo, kaya agad pumasok si Heaven. Hindi naman umihi ang bata, sinilip lamang ang lalaki na nagsasalok ng tubig. Ilang sandali umalis ang lalaki. Lumabas si Heaven sa banyo at tinungo ang drum na may gas. Palingon lingon pa si Heaven sa paligid. Sinisiguradong walang tao na umaali aligid. Nang masigurado nyang walang mga tao, dali-dali n'yang binuksan ang isang maliit na galon na may gas. Inalis nya ang ulo ng kanyang manyikang dala. Pinasandig nya sa isang poste ng bahay ang kanyang manyika. Binuhusan nya ng gas ang loob ng kanyang manyika. Muli nyang binalik ang ulo ng manyika. Dahil nangangamoy gas ang manyika, naisipan ni Heaven na itago ang manyika sa mga halamang nakapalibot sa paligid ng bahay. Maging ang kanyang bag.

Sa tabi ng bahay ay merong bodega tatlong hakbang lang mula sa drum at mga galon ng gas. Sinilip pa ni Heaven, nakita nyang maraming nakapatong na mga gamit at may maliit na bintana sa itaas na bahagi nito.

Di tumagal dumating si Hades kasama ang ilang bata, nagsimula silang maglaro.

Bandang katanghalian, isinama si Heaven ni Hades sa gubat. Kukuha sila ng mga gulay. Kasama nila ang ibang bata.

"Heaven, bakit ka namumulot ng mga sanga?" tanong ng isang bata.

"Ahhh, may gagawin lang ako." Sagot ni Heaven. Dala-dala ni Heaven ang malilit na sanga.

"Kumakain ka ba ng gulay?" Tanong ni Hades.

"Oo. Gusto ko nga ng okra, kalabasa, sitaw at ampalaya"Sagot Heaven.

"Mabuti naman. Kasi maganda ang gulay sa katawan natin." Sabi ni Hades.

"Alam ko naman eh. Napag-aralan ko sa skul namin." Sabi rin ni Heaven.

"Namimiss mo ba mga kapatid mo?" Tanong ni Hades.

Tumango tango agad si Heaven. Ngunit umiba ang reaksyon ng mukha ni Hades.

"Hindi kana babalik dito kapag umuwi kana sa inyo." Nasabi ni Hades.

"Malamang. Hindi na ako papayagan ng Papa ko na gumala." Sagot ni Heaven.

Hinawakan ni Hades ang kamay ni Heaven habang naglalakad sila.

"Marami ka bang mga kaibigan?"

"Oo. Namimiss ko rin sila."

"Madalas ba kayong maglaro?"

"Pag nasa skul kami, naglalaro kami pagkatapos ng klase. Minsan nagkikita kami sa park." -si Heaven.

"Dito maraming bata, araw-araw kaming naglalaro. Minsan inaabot kami ng dilim sa labas." Paglalarawan ni Hades.

"Ahhh..hindi ko pa nagawang maglaro hanggang gabi. Takot ako sa momo." Pangiti ngiti pa si Heaven.

CHASING MY HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon