Chap. 24

1.8K 322 33
                                    

Lumipas ang ilang araw, wala paring nakikitang pag-asa si Heaven na makakatakas sa kamay ni Hades. BAGAMAT BINABANTAYAN SYA NG MGA KATULONG. MAY NURSE NA PAPASOK SA KANYANG SILID AT TINIGNAN SI HEAVEN. Sa mga sandaling 'yon hindi nya nakikita si Hades. Ayaw n'yang alamin kung nasaan ito. Sinisiguro ng nurse na masustansya ang pagkain na binibigay sa dalaga.

"Ma'am aalis po tayo." Sabi ng nurse kay Heaven. Hindi na magawang magtanong ng dalaga. Sumunod na lamang s'ya. Sumakay sila ng helicopter. Hindi malaman ni Heaven kung saan sya dinadala, dahil nakapiring ang kanyang mga mata.

Pagkalipas ng ilang minuto..

"Nandito na po tayo Ma'am.." Narinig nyang sinabi ng isang nurse. Nang tinanggal ang kanyang piring sa mata; natagpuan nyang nasa silid sya ng hospital. Meron nang ultra sound na makikita. At nandoon ang doktor na minsan nang tumingin sa kanya.

"Mahiga ka." utos ng doktor. Tumalima naman si Heaven. At sinuri ang kanyang tiyan.

Wala namang sinabi ang doktor kung anong nakikita sa kanyang obaryo. Ayaw ipaalam ng doktor sa kanya.

"Isa kang doktor, bakit ka pumapayag na masangkot sa kalokohan ni Hades?" Tanong ni Heaven.

"Bakit ko kakalabanin ang taong tumulong sa akin na maabot ko ang propesyon na ito? Ms. Mondragon, ako at ang kapatid ko ay iilan din sa mga batang nasali kaguluhan noon. Oo, magkasama kami ng minalas nina Hades. Pero hindi kita sinisisi sa nangyari sa buhay namin ng kapatid ko. Si Hades lang naman ang may galit sa 'yo. Pero hindi ako pwedeng maging traidor sa kanya. Hindi ko ito kagustohan. Pero dahil malaki ang utang na loob ko, gagawin ko ito upang sa ikatatahimik ng kalooban nya. Kay tagal n'yang inasam na mangyari ito sa 'yo. Lahat kami ay nilipol nya upang magkaisa at magtulungan na makabawi sa 'yo..kahit sa anong paraan."

Napapikit ng mga mata si Heaven. Dahan dahang nawawala ang pag-asa nya. 

Pakiramdam ng dalaga maghihintay na lamang s'ya kung kelan mapagdesisyonan ni Hades na patayin sya. Hindi mawari ni Heaven na ganun ang gagawin sa kanya ni Hades. Pero kahit anong galit na namumuo sa kanyang dibdib, alam n'yang nangingimbabaw parin ang pagmamahal nya sa binata. At pilit nyang nilalabanan.

"Mahal ko s'ya. Nandito parin sa aking dibdib. Pero kung susundin ko ang puso ko, ito rin ang maghahatid sa akin sa kapahamakan. Hindi pupwedeng ganito ang takbo ng aking sitwasyon. Kailangan ako ng aking pamilya. Pero paano naman ang nakuha sa akin ni Hades? Kailangang mawala 'yon."

Napaisip na naman ang dalaga kung paano makakapasok  ng laboratoryo.

-----------------------------------------------------------------

Nakakaramdam na si Heaven ng kakaiba sa kanyang tiyan. Pakiramdam nya bumibigat ang kanyang ibabang bahagi ng katawan. Gustohin man nyang mawala ang lahat ngunit natatakot sya na baka magkaroon ng di magandang resulta sa kanya.

Hanggang isang gabi..

Nagsimula nang kinabahan si Heaven. Hindi parin nya nakikita ang anino ni Hades. Bumibigat ng husto ang kanyang puson.

"Ahmmm..nasaan ba si Hades?" Napatanong sya sa katulong na tumutulong sa kanya.

"Nasa isang business trip po."

"Ibibenta na naman ba nya ang mga nakuha nya sa akin?"

"Hindi ko po alam."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Ma'am dadalhin po namin kayo sa doktor nyo. Doon kayo sa hospital ngayong gabi matutulog. Tapos bukas po gagawin ang procedure sa inyo."

"What?"

CHASING MY HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon