Chap. 15 STALKER

2K 330 13
                                    

Halos kinakapos sa paghinga si Heaven habang inaalala ang nakaraan nila ni Tommy. Lalo s'yang napapaisip sa binata.

"Wala sa isip ko noon na ganito ang mangyayari sa amin ni Tommy. Magkaibigan lang naman talaga kami. God, alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. At alam 'yon ni Tommy. Ewan ko ba at bakit kay bilis namang umiba itong reaksyon ko magmula nang malaman kong may kaulayaw si Tommy. Nadagdagan pa nang makita ko sila mismo ni Kitty. Pakiramdam ko parang magkahalo ang kaba, ang inis at...sakit. Alam naming pareho na natukso lang kami noong gabing nagsama kami sa iisang kama. Sobrang katangahan na talaga 'yon. Alam kong ako ang dehado sa nangyari sa amin ni Tommy. At isa pa, pareho kaming lasing kaya malakas ang loob namin na gawin ang bagay na 'yon. Kahit paman alam naming mali, o kahit paman tama ; hindi namin dapat tinuloy 'yon...dahil WALA NAMANG ESPESYAL NA PAKIKITUNGO ANG NAGAWA NAMIN SA ISA'T ISA na higit pa sa aming pagiging magkaibigan."

Napabuntong hininga si Heaven habang naiisip ang nakaraan nila ni Tommy.

FAST FORWARD

Sumunod na ilang araw naghihintay si Heaven ng tawag mula kay Tommy ngunit walang dumating. Naisipan n'yang puntahan ang Subdivision upang madalaw ang bahay ni Tommy.

"Tsk, makapunta na nga sa bahay nina Tommy. Magtatanong ako sa mga kasambahay ng cellphone number ni Tommy. Mabuti nang matawagan sya. "

Mabilis na tinungo ni Heaven ang Subdivision. Muli s'yang hinarang ng guard.

"Ma'am ano pong sadya n'yo dito?"

"Ahmm..pupunta ako sa bahay ni Mr. Olimpia."

"Ay, Ma'am wala na po si Mr. Olimpia doon."

"Alam ko. May sadya lang ako sa bahay nila. May itatanong ako sa mga kasambahay."

"Sorry po Ma'am. Pinagbilinan kami ni Mr. Olimpia na bawal pong magpapasok ng ibang tao sa bahay."

"Katulong nga lang ang sadya ko."

"Wala naman po kayong maabutan doon. Caretaker lamang po ang bantay doon."

"Okay. Salamat nalang po." Naisipan ni Heaven na pumunta na lamang sa Real Estate Office upang makahingi ng numero na pwedeng matawagan si Tommy.

"Hi. I'm Heaven Mondragon."

"Yes Ma'am, how can I help you?"

"AHmm..Actually, I'm here to ask about Mr. Olimpia's House."

"Mr. Olimpia?" Napatanong ang babae kay Heaven.

"Yes..."

Hinanap agad sa computer ng babae.

"Ano pong sadya n'yo sa kanya?"

Panandaliang nag-isip si Heaven.

"Gusto ko kasing bilihin 'yong bahay n'ya sa subdivision..minsan naming napag-usapan eh. Pero biglaan syang umalis at hindi nya naibigay sa akin 'yong bagong cellphone number nya. Nagbabaka sakali ako kung pwede n'yong ibigay sa akin 'yong number na pwede s'yang matawagan."

Biglang napatigil ang babae sa paghahanap.

"Ma'am sigurado po ba kayo na MR. OLIMPIA NAKAPANGALAN ANG BAHAY?"

"Of course.."

"Sorry po. Wala pong Mr. Olimpia na kliyente sa file namin. Baka ibang pangalan ang nagmamay-ari ng bahay."

Napaisip si Heaven sa Tiyuhin ni Tommy. Maaring hindi Olimpia ang apelyido ng tiyuhin ni Tommy.

"Miss, kasi 'yong mga guard sa Subdivision kilala nila na Mr. Olimpia ang may-ari ng bahay."

CHASING MY HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon