Naging palaisipan kay Hades ang sinabi sa kanya ni Annie. Agad n'yang naisipang pumunta ng Assuncion. Hindi n'ya maiwasan na di mapaisip sa dalagang Mondragon. Nagmadali s'yang hinanap si Heaven. Papanhik na sana si Hades sa hagdanan nang naamoy n'yang may masarap na niluluto ang kanyang katulong.
"Ma'am kami na po ang bahala dito. Baka po mapapagalitan kami ni Sir na hinayaan namin kayong makapasok dito."
Narinig ni Hades ang sinabi ng katulong. Dali daling tinungo ni Hades ang hapagkainan. Nakita n'yang tinutulungan ni Heaven ang mga katulong na maglagay ng mga pagkain sa hapag kainan. Napakubli sya sa likod ng pinto. Pinakingan nya ang pag-uusap.
"Pwede bang ilagay n'yo 'yong pagkain ko malapit pwesto ni Hades?"
"Eh Ma'am ang sabi po n'ya sa amin, dapat may distansya 'yong pwesto n'yo sa kanya."
"Bakit naman?"
"Eh siguro ayaw n'ya kayong makalapit sa kanya ng husto. Napapaso siguro."
"Ha ha ha ha ha ako ang napapaso kay Hades." Tawa ni Heaven.
"Parati po kasi kayong nag-aaway. Siguro iniiwasan n'yang masaktan kayo ng pisikal."Untag ng katulong dahilan napahinto si Heaven.
"Kaya kong pangalagaan ang sarili ko na di nya masaktan ng pisikal..pero..dito.." Sabay turo ni Heaven sa kanyang ulo at dibdib.
Hinagod ng katulong ang balikat ng dalaga.
"Nauunawaan kita Ma'am. Lahat po kami dito alam ang ginawa ni sir sa inyo. Hindi n'yo basta bastang makalimutan si Sir bilang Tommy . Eh, parte 'yon ng plano n'ya noon. Kahit pa man pinakita n'ya na sa inyo ang totoong s'ya ayaw nang makinig 'yong damdamin ninyo kasi 'yong imahe ni Tommy parin ang nakikita n'yo sa kanya. 'Yong galit ninyo nawawala. "
"My heart betrayed me so much." Nasabi ni Heaven.
Biglang lumabas si Hades at pumasok sa loob ng hapagkainan.
"Nandito kalang pala. What's up?" Tanong nya kay Heaven. Sabay tingin sa mesa.
"Ahhhhmm..nagluto sila ng Beef Steak Chinese Style, at..."
"Kumain kang mag-isa. Aalis ako. Sa restaurant nalang ako kakain mamaya." Sabi ni Hades.
Biglang naalarma si Heaven.
"Magkape ka muna. Maaga pa naman eh." Agad hinawakan ni Heaven ang kamay ni Hades. Inalis ni Hades ang kamay ng dalaga.
"Will you please stop acting like that Heaven? If you think you can change my mind now, my answer is NO. Again, Tommy is not me anymore."
"Si Tommy o ikaw mismo..iisa parin kayo."
"Heaven hindi kasali sa plano ko ang mahalin ka. Naiintindihan mo ba? Kasuklaman mo man ako, 'yon ang totoo. H'wag mong sabihin na nagbago na ang isipan mo matapos may nangyari sa atin kagabi? Well, maganda 'yon. Tuloy ang ligaya ko. Tuloy ang pagdurusa mo. Have a nice day."
Agad lumayo si Hades. Pero bago paman lumabas ng pinto..
"Balak ko ngang ilipat ka sa kabilang bahay. I'm sick of fighting with you. Nakakasira ng araw eh."
At umalis si Hades.
------------------------------------------------------------------
Habang nag-iisa si Heaven, tanging sa dalampasigan na lamang n'ya inuubos ang kanyang oras. Doon natutuwa na lamang s'yang tignan ang bughaw na dagat.
Samantala, sa kabilang parte ng isla dumating ang isang yate. Lulan si Stanley.
"Nasaan si Hades?"