chapter 1

37 2 0
                                    

Kanina pa nakatunghay si Kennerly sa bahay na nasa harap niya, ngunit hindi niya magawang lumapit at pindutin ang door bell na nasa tabi ng gate. Kanina pa niya tinitis ang matinding init ng araw.

Malaki at maganda ang kulay kremang bahay na nasa harap niya. Dalawang palapag ito at napapaligiran ng naggagandahang bulaklak. Well-trimmed din ang Bermuda grass na nasa lawn nito.

Diyos ko, mayaman nga talaga siya, bulong niya sa sarili habang hawak pa rin ang papel kung saan nakasulat ang address ng naturang bahay. Pano kung hindi na niya ako maalala?

Napakislot pa siya ng may lumabas na babae sa gate. Sa tingin niya ay nasa mid-forties na ito. Matangkad ito kahit medyo may katabaan. Maputi din ito at mamula-mula ang pisngi dahil sa matinding sikat ng araw.Siya kaya si Tita Luz?

Wala sa loob na lumapit siya ngunit nanatiling nakatitig lang sa naturang babae. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito.

May kailangan ka iha?"

"Ha?" nagulat pa siya sa tanong nito. "Ahh... ehhh... ano po kasi..." napakamot siya sa batok.

"Okey ka lang ba iha?" muling tanong nito, "namumutla ka."

"Puwede po bang makiinom ng tubig?"

"Ha? Ah o sige saglit lang at ikukuha kita," muli itong pumasok sa gate at nagtuloy sa loob ng bahay.

Ano ba 'yon Ken, bakit ka nanghingi ng tubig, kastigo niya sa sarili. Dapat itinanong mo na kung andiyan ba si Keach.

Eh pa'no kung hindi pala ito ang bahay niya? Pano kung nagsinungaling siya sa akin at hindi pala ito ang totoong address niya? Sagot naman ng kabilang panig ng isip niya.

Pagbalik ng babae ay may hawak na itong mataas na baso na may lamang malamig na tubig at ibinigay sa kanya

Agad naman niyang inabot ito at ininom. Bahala na tanging naisip niya.

"Saan ka ba galing 'ne at mukang pagod na pagod ka?" tanong nito ng ibalik niya ang baso.

"Sa Baguio pa po," tipid na sagot niya.

"Naku eh napakalayo naman no'n. Ano't napadpad ka dito sa Batangas?

"Namamasyal lang po," pagsisinungaling niya. May nabuo siyang balak upang malaman niya kung dito nga nakatira si Keach at kung nagkataon ay magkakaroon siya ng chance makasama ito.

"Kaya lang ay naiwala ko po 'yong wallet ko. Tingin ko rin po ay nawawala ako kaya naglakad-lakad ako pero mas lalo po yata akong nawala," pinalungkot niya ang kanyang boses upang maawa ito sa kanya.

Lord sorry po kailangan ko 'tong gawin. Sana po mapaniwala ko siya.

"Naku iha mahirap iyang kalagayan mo."

"Ma'am, baka naman po puwede niyo akong tulungan. Kung puwede pong makituloy muna ako sa inyo kahit ngayong gabi lang, bukas na bukas po ay aalis na din po ako." Pagsusumamo niya.

Napakunot-noo ito at mataman siyang tinitigan.

"Wag po kayong mag-alala hindi po ako masamang tao," pangungumbinsi niya. "Heto po ang ID ko," inilabas niya ang ID niya mula sa bulsa ng kanyang back pack at ibinigay dito.

Nang abutin nito ang ID ay agad nitong binasa at nagpakawala ng buntong hininga.

"Halika iha pasok tayo sa loob at masyado ng mainit dito sa labas."

"Thank God," naibulong niya habang sinisundan niya ito papasok ng bahay.

Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay ganon naman karangya ang sa loob. Moderno ang mga kagamitan at maganda ang interior design. Maayos at halatang naaalagaan ng linis ang buong kabahayan dahil sa nagkikintabang sahig.

My Love, My Love TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon