Chapter 6: Clash

8K 221 41
                                    

Nakakailang katok na ako sa pinto ng apartment nila Zed ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Tita's at Wilcox, I know, pero nasaan na naman ba si Zed?

Muli, ay kumatok na naman ako ng mas malakas. Still nothing. Screw this. Bulong ko sa aking sarili at sumuko na lang. Balak ko sanang yayain si Zed sa park para makapaglaro ng basketball. Kaso mukhang wala na naman siya. Nilisan ko na lang ang gusali ng apartment namin at nagliwaliw na lang.

It's been days since Zed did the enrollment thing at Wilcox. Hindi pa man lumalabas ang resulta ng entrance exams niya ay pinilit na siya ni tita na mag-aral sa public library, at sigurado akong nandoon na naman siya ngayon. Walang araw na atang pinalagpas si tita, araw-araw ay pinipiga niya si Zed. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o kaaawaan. Buti na lang talaga ay hindi ko naging nanay si tita. She's too strict and persistent. Wala nang nagagawa si Zed kung hindi ang sumunod na lang. Matagal ko na ring hindi nakakasama ang lalakeng 'yon, lalo tuloy akong nababagot.

Buti na lang ay nagkasundo kami ni Mei matapos ang araw na iyon. Sa mga oras na wala akong magawa noong mga nakaraang araw ay siya na ang pinupuntahan ko. Except yesterday since she had to go check her father. Dahil rin siguro doo'y naging mas malapit kami sa isa't isa. Marami na rin kaming napag-usapan, random stuffs. Most of the time na magkasama kami ay inaasar ko siya. I don't know, but her reactions were just that hilarious to keep me entertained, but of course, sa bawat pang-aasar ko sa kanya ay hindi ko naman sinosobrahan. Alam ko kasing kapag nagalit siya ay aatakihin niya ako. Lagi niya akong binabantaan na she will use her skills in martial arts against me kapag naasar na siya. Tinatawanan ko na lang siya.

Zed's not around again so I guess sa kanya na naman ako pupunta. Pagkalabas ko sa apartment ay nagtungo na ako kung saan nakatigil ang motor ko. Sinalubong man ako ng tirik na tirik na araw at init ay umangkas na lang ako doon at pinaandar na ito upang makarating na sa bahay ni Mei. Habang minamaneho ko ang sakay kong motor ay bigla na lang pumasok sa utak ko ang kondisyon ko.

Up until now, I'm still being haunted by the weird lightning that came out of my hand. Wala pa ring nakakaalam nito. May mga pagkakataon na naman kasi na may nangyayaring kakaiba sa paligid ko everytime I make contact. It's mind-boggling.

Sa kakaisip ko ay hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay niya. Pinarada ko na lang ang motor ko sa tapat ng gate nila and immediately pressed the button of their doorbell. Nakakaisang pindot pa lang ako'y narinig ko agad ang mga yabag niya. Pagkabukas niya ng pinto ay binigyan ko lang siya ng isang ngiti. "Missed me?"

"Miss me ka diyan," pagtataray niya na tinawanan ko lang ng marahan. "Naghahanap ka lang ng magagawa eh. Pasok na."

And so I did. Pinauna ko na lang siya ng pasok sa bahay nila. We both sat on a different couch para mag-usap lang. Ganito naman din ang malimit naming gawin noong mga araw na sinimulan kong pumunta dito. "So, how's your dad?"

Humugot siya ng malalim na hininga at tumingin sa sahig. Doon pa lang ay alam kong wala pa ring magandang nangyayari. "Hindi pa rin nagigising papa."

"But is there any progress?" tanong ko ulit.

"Sabi naman daw ng doktor, stable naman si papa. Pero iyon nga, hindi pa rin bumabalik ang malay niya," pahayag niya na hindi maitatangging nalulungkot na naman siya. If only I could do something.

An utter silence enveloped us. Marahil ay pareho kaming nag-aalala sa tatay niya. Sinabi niya naman sa akin noong isang araw na ang Heneral na ang bahala sa mga expenses sa ospital. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nag-aalala rin ako ng ganito. Well, siguro nga ay dahil ayaw ko mangyari kay Mei ang pinagdadaanan ko ngayon. Walang kasama, ni isang kamag-anak. Nawalan na ng direksyon sa buhay. I don't want her to lose someone so important to her. Because that's what made me lose my hope and life. Ang saklap lang ay musmos pa lang ako nang mawala ito.

Tonitrus 34NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon