> KILIG o SAKIT Twelve <

2K 28 4
                                    

Kinabukasan pag dating ni Ma Rin sa office ng Daddy nya ay nasalubong nya si Joo Hyun sa tapat ng elevator at katabi si Ji Hyun agad naman na nag earphone si Ma Rin saktong dati nya ay nagbukas na ang pinto ng elevator sinubukan na kausapin ni Joo Hyun si Ma Rin ngunit di ni Ma Rin sya pinansin. Hindi naman bumaba si Ma Rin sa floor kung saan matatagpuan ang office nila at umakyat na ang elevator nagtataka naman si Joo Hyun kung bakit hindi sya bumaba.

Pumunta si Ma Rin sa Daddy nya upang huminggi ng Sorry at hindi nya kayang gawin yung mga paper works at kung pwede ay ilipat sya sa ibang department. Nagtataka naman ang Daddy nya pero hindi na sya tinanong at agad pumayag ang Daddy nya na ilipat sya.

Kinausap ng Daddy ni Ma Rin si Secretary Hwang at agad namang pumunta si Secretary Hwang sa Department nila Joo Hyun. Kinuha nya ang mga gamit na naiwan ni Ma Rin doon napansin naman ni Joo Hyun at agad tinanong kung bakit at anong meron

Sec. Hwang : Ah lilipat na kasi sa iba si Ms. Ma Rin

Joo Hyun : Lilipat??  Pero kakadating nya lang dito di ba

Sec. Hwang : hmm may order kasi galing taas kaya wala tayong magagawa

Joo Hyun : Pero... 😪 okay

Ji Hyun : Aalis na si Ma Rin ??? 😏

Sec. Hwang : Hmmm hindi sya aalis lilipat lang

Ji Hyun : Ganun na din yun mawawala na sya 😏😏

Sec. Hwang : Sige maiwan ko na kayo

Joo Hyun : Sige po

Pag balik ni Joo Hyun ay tila ang lalim ng iniisip nya dahil inaalala nya na kapag nawala si Ma Rin sa Department nila mas liliit ang chance na magkita sila palagi at makasama sya. Agad naman lumapit si Ji Hyun sa kanya

Ji Hyun : May problema ka ba Joo Hyun???

Joo Hyun : Ah wala

Ji Hyun : Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa

Joo Hyun : Ganun ba. Wala ka bang ginagawa??  Hindi ka ba busy??

Ji Hyun : (Kinilig) hmmm wala naman akong gaano ginagawa ngayon bakit gusto mo bang lumabas tayo at uminom??

Joo Hyun : Pwede ikaw muna tumapos ng report na ginagawa ko eto ohh Maraming salamat ahh babawi ako sa susunod /sabay takbo/

Ji Hyun : Huh???  Wow hindi porket gusto kita gaganitohin mo na ako hayaan mo darating tayo sa araw na lalapit ka sakin hindi dahil sa may ipapasuyo ka Magiging akin ka din hintayin mo lang 😏

Agad naman pumunta si Joo Hyun sa lugar kung saan nya madalas makita si Ma Rin simula sa Coffee shop sa baba ng office nila sa cafeteria at sa lugar kung saan madalas tumambay si Ma Rin. Habang tumatakbo sya ay may nakita syang babae na nakatalikod na tila mo ay nag sa sightseeing naka hingga ng maluwag si Joo Hyun agad naman nyang nilapitan

Joo Hyun : Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala /sabay hawak sa braso/ Hindi mo ba ako papansin

Girl : /tinangal ang earphone/ Sino ka???

Joo Hyun : Im sorry Miss kala ko ikaw yung hinahanap ko

Girl : Okay lang

Hindi naman napansin ni Joo Hyun na dumaan si Ma Rin sa likod nya at hindi rin naman sya napansin ni Ma Rin. Derederetso si Ma Rin at sumakay sa elevator. Isa sa mga laging pinagtatambayan ni Ma Rin ay ang roof top hindi nya alam kung bakit pero kapag andun sya pakiramdam nya ay tila malaya sya at may kapayapaan. Bumalik na sa department nila si Joo Hyun nang bubuksan na nya ang pinto ay may nagbukas na babae at nagkabanggaan sila kaya naman nahulog ang mga papel na hawak ng babae agad naman pinulot ni Joo Hyun ang mga papel at nag sorry pag abot nya nung mga papel ay naalala nya bigla ang nangyari dati.

I Love You : Kilig o SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon