KILIG o SAKIT 24

1.2K 19 0
                                    

Hapon na nang dumating ang Daddy ni Ma Rin at nagmamadali itong umuwi pag dating nya sa bahay nila ay inabutan nya ang Mommy ni Ma Rin na umiiyak agad nya itong niyakap at tinanong kung ano ang nangyari at dahan dahan naman na ipinaliwanag ng Mommy ni Ma Rin ang nangyari. Pareho silang hindi makapaniwala at pag katapos ay pumunta sila sa Police Office upang ireport pag dating nila ay ipinaliwanag sa kanila ng mga police ang mga gagawin nila.

Wala silang ibang choice kung hindi mag hintay hanggang sa natanong ng mga police kung nawawala lang ba sa o baka na kidnapped na sya. Napaupo naman sa sahig ang Mommy ni Ma Rin nang marinig ang salitang na kidnapped.

Ma Rin's Mom : Hindi pwede..... Hindi pwedeng maulit uli

Napatayo naman ang Police officer at lumapit kay Ms. Han

Police : Ano pong ibig nyong sabihin na hindi pwedeng maulit

Ma Rin's Dad : Nung bata kasi si Ma Rin dun sa play ground na malapit sa bahay namin ay na kidnapped na sya

Police : Eh ano pong nangyari?? Bakit sya na kidnapped??

Ma Rin's Dad : Akala kasi sya ang anak nung katrabaho ng asawa ko dahil nakita nya na kasama nun si Ma Rin kaya sinundan nya kung saan dadalhin si Ma Rin napagkamalan nya na ang Mommy ni Ma Rin ang nagtatago kay Ma Rin at nag aalaga dahil ang anak nung katrabaho nya ay itinatago nila

Police : Kung ganon nagkamali lang sila nang nakuha na bata... Sir tingin ko may chance na na kidnapped sya mag iimbistiga na din kami malapit sa inyo upang makahanap ng evidence na magpapatunay

Ma Rin's Dad : Okay sige po

Police : Tatawagan na lang po namin kayo kung may nahanap kami na information at kung may nalaman naman po kayo maari lang sana na sabihin nyo din samin. Mag tulungan po tayo upang mapadali ang kaso

Ma Rin's Dad : Okay sige po

Police : Okay Sir sige salamat po iaUpdate na lang namin kayo

Ma Rin's Dad : Sige salamat din po

Inalalayan ng Daddy ni Ma Rin ang Mommy nya palabas ng Police Station hanggang sa makauwi sila. Pag dating nila sa bahay nila ay pinag pahingga na muna ng Daddy ni Ma Rin ang Mommy nito pagkatapos ay naupo sya sa sofa sabay binuksan ang TV at nanood ng balita. Baka sa mukha ng Daddy nya ang pag aalala at tila hindi mawari.

Maya maya ay may kinuha syang papel at nagsimula na itong magsulat sabay kinuha ang telepono at may tinawagan maiksi lang ang paguusap nila sabay tumayo naman ito at lumabas sa bahay nila.

Madilim na ang paligid nang lumabas ang si Mr. Han kaya naman bumalik ito sa loob at kumuha ng flashlight derederetso naman ito sa pag labas sabay tigil nang malapit na ito sa playground na malapit sa kanya at nagsimula nang tila may hinahanap sa paligid nang marating nya ang playground ay nagulat sya dahil may dalawang lalaki ang nandito na tila may hinahanap din kinuha naman ni Mr. Han (Ma Rin's Dad) ang cellphone nya at lumapit sa isang lalaki na matangkad at mukhang korean ipinakita nya ang litrato ni Ma Rin sa cellphone nya at tinanong kung may nakita ba syang ganun ang itsura gulat na gulat naman ang lalaki at napasagot agad ito nang hindi sabay tumakbo papalapit sa kasama nya umalis naman na si Mr. Han at umuwi na sa bahay nila.

Nagmamadali naman na lumapit at hinila nung lalaki na mukhang korean ang kasama nya at naupo sila sa gilid sabay sabi ng "Brad feeling ko na kidnapped nga si Ma Rin may lalaking nag tanong sakin kanina kung may nakita ba akong babae na ganun pinakita nya sakin ang picture sa cellphone nya at si Ma Rin yun, sigurado ako" napatayo naman ang kasama nya at lumabas kung saan sya hinili nang kasama nya at nagmamadaling tumakbo kaya naman naiwan ang isa sa kinauupuan nila. Maya maya ay tumayo na ito at sumunod sabay sabi ng "Edward sandali lang hintayin mo ako" pag dating nya kay Edward ay hinggal na hinggal ito

I Love You : Kilig o SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon