KILIG o SAKIT 28

1.4K 19 0
                                    

Habang dahan dahan na nabubuo nila Lisa ang puzzle upang makita si Ma Rin unti unti namang nasisira ang puzzle na ginawa ni Jenny.

Jenny : Sorry.... Akala ko magiging success ang Plano ko.... Sorry Ma Rin pati ikaw nadamay... Sorry talaga..... Hindi ko alam pero papangatawan ko nang ikaw si Lisa natatakot ako na baka mamaya kapag umamin ako na hindi ikaw si Lisa ay baka may gawin silang masama sayo

Hindi mapakali si Jenny kung saan sya nakatali hanggang sa naiyak na ito ng tuluyan.

Pagkalabas naman ni Sergeant ay pinabantayan nya si Jenny dahil pupunta daw sya kay Lisa. Habang naglalakad ito ay iniisip nya kung kukuhain ba nila ang original na si Lisa o hahayaan na lang nya na si Ma Rin ang magpanggap na si Lisa. Pag dating nya sa kwarto kung saan nakatago si Ma Rin ay agad ito naupo sa harap ni Ma Rin gulat na gulat naman si Ma Rin at hindi makapag salita

Sergeant : Dadalhin na kita kung saan ka nakatali dati dadating na ang boss namin hindi ko alam kung anong napagusapan nila pero titignan ka daw nya

Ma Rin : Kilala mo ba kung sino yung kapatid ko??

Sergeant : /umiling/ pero alam ko lalaki sya

Ma Rin : Ahh okay

Sergeant : Tara na

Dahil naka tali ang kamay ni Ma Rin sa likod nya ay tinulungan ito ni Sergeant na tumayo sa kinauupuan nya. Pag tayo na pag tayo ni Ma Rin ay may nalaglag sa kanya nagkatinginan naman si Ma Rin at Sergeant maya maya ay pinulot ito ni Sergeant

Sergeant : Ano to????.... Hindi ba gamot to??

Ma Rin : Huh!!! Ano hmmm....

Sergeant : Anong ginagawa mo dito bakit may ganto ka?? Para saan ito... Hindi ba sinabi ko sayo tumahimik ka lang dito!!! Ano to bakit may mga gamot ka!!??

Ma Rin : Akin yan gamot ko yan

Sergeant : PARA SAAN NGA ITO!!!

Ma Rin : /takot na sumagot/ Ma.... Ma.... May sakit kasi ako sa puso kailangan kong inumin yan kung hindi may mangyayari sakin

Gulat na gulat naman si Sergeant sa sinabi ni Ma Rin at napahawak pa ito sa ulo nya

Sergeant : /phew/ Bakit hindi mo agad sinabi sakin

Ma Rin : Sinabi na??

Sergeant : Ano ang pangalan mo

Ma Rin : Ako??? Han Ma Rin... Hmmm Ma Rin Han... Bakit??

Sergeant : Sorry Ma Rin Han pero tara na sa warehouse

Napa isip naman si Ma Rin kung anong meron kay Sergeant dahan dahan naman na naglakad sila papunta sa Warehouse

Sergeant : Sige na pumasok ka na

Ma Rin : Ayoko

Sergeant : Pumasok ka na nga sabi ehh

Ma Rin : Ayoko kahit anong mangyari... Bakit ayaw mong sumama sa loob may kakaibang mangyayari dyan ano

Sergeant : Wala nga sige na pumasok ka na

Tinulak papasok ni Sergeant si Ma Rin sa loob sabay ni lock ang pinto nagwawala naman si Ma Rin na palabasin sya doon ngunit hindi ito tumalab kahit anong sigaw at pagsipa nya sa pinto ay hindi tumatalab hanggang sa tuluyan nang napagod si Ma Rin bigla naman itong napatingin sa kanan nya at nakita ang isang babae na nakaupo katulad nya nakatali din ang kamay dahan dahan na lumapit si Ma Rin sa babae na naka yuko at nang may tatlong hakbang na lang ang layo nito ay saktong tuminggala ang babae at nakita nya ang mukha gulat na gulat naman silang dalawa nang magkatinginan

I Love You : Kilig o SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon