Isang normal na araw lang para sa lahat ang araw na ito bago matanggap ni Derrick ang isang sulat na pinadala sa kanya. Agad agad naman na dumeretso si Derrick sa bahay nila Edward nang mabasa ang sulat na ito. Inabutan ni Derrick si Edward na papasok pa lang agad agad naman na hinila ni Derrick si Edward nang wala man lang binabanggit na dahilan
Edward : Uyy ano bang problema mo??
Derrick : Pumunta tayo kila Ma Rin dali
Edward : Bakit ba!!
Derrick : Mamaya na hindi ko kasi kayang ulitin to kapag sinabi ko
Edward : Umayos ka nga bat ka ba namumuti.... Mamamatay ka na ba?? Ano ba may humahabol ba sayo??
Hindi naman sumasagot si Derrick at patuloy sila sa paglakad hanggang sa makarating sa Gate nila Ma Rin. Pag dating nila ay saktong palabas naman ang Daddy ni Ma Rin, gulat na gulat naman ito dahil nagmamadali na pumasok sila Derrick at Edward
Ma Rin's Dad : Oh Edward... Anong problema may humahabol ba sa inyo??
Edward : Hindi ko din po alam tito eto kasing si Derrick ayaw mag salita
Ma Rin's Dad : O sige sige pumasok kayo sa loob
Isinarado naman ng Daddy ni Ma Rin ang gate at sumunod na din ito papasok sa loob
Ma Rin's Mom : Ano bang problema.... Bakit hinggal na hinggal kayo?? May humahabol ba sa inyo
Derrick : Ano po...... Ganito po kasi
Ma Rin's Dad : Ano ba ang problema Edward??
Edward : Uy ano daw problema??
Derrick : /kinuha ang papel at inabot sa daddy ni Ma Rin/ Kailangan na po natin makuha si Ma Rin kung hindi magiging delikado sya
Ma Rin's Dad : Sandali lang /kinuha ang phone/ /tumawag/ Hello Detective... Kailangan natin magkita ngayon na
Detective : Actually Sir papunta na po ako sa bahay nyo ngayon... May kailangan din kasi akong sabihin
Ma Rin's Dad : O sige
Habang hinihintay nila ang Detective ay pinapakalma naman ng daddy ni Ma Rin ang asawa nya. Kinakausap naman ni Edward si Derrick.
Nang dumating ang Detective na hinihintay nila ay pinag usapan na nila ang Sulat na natanggap ni Derrick
Detective : Within 2 days kapag hindi pa sila nakipag kasundo ay papatayin na nila si Ma Rin?? Kung ganun kailangan na natin kumilos kung hindi ay mapapahamak sya.
Ma Rin's Mom : Kailangan ko pang makasama ang anak ko!! Pera!! Kailangan nila ng pera ibibigay namin basta kailangan ko ang anak ko!! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko!!! Kailangan ko ang anak ko!!
Detective : kumalma po muna kayo Mam... Ililigtas po namin ang Anak ninyo
Ma Rin's Dad : Salamat... Sya nga pala ano nga pala yung sasabihin mo??
Detective : Ang gusto po kasi namin ay sugurin na ang address na nalaman natin
Ma Rin's Dad : Hindi ba mas delikado ang ganun
Edward : Pero maari din po na tama sila
Derrick : Biglaan nyo po na lulusubin?? Pwede ba kami pumunta doon??
Detective : Hindi kayo pwedeng pumunta doon maaring maging pabigat kayo saamin
Derrick : Pero ako ang kailangan hindi kaya pwede nyo akong isama.. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko makakatulong ako
Edward : Nababaliw ka na ba paano kung may mangyari na masama sayo??
Derrick : Wala akong paki alam basta makaligtas si Ma Rin samin naman nagsimula ang lahat ng ito kaya wala akong paki alam kung mamatay ako basta makaligtas si Ma Rin
BINABASA MO ANG
I Love You : Kilig o Sakit
RomanceI Love You kapag sinabihan ka ng salita na yan dalawa lang ang maari mong maramdaman ang KILIG o ang SAKIT. Masarap marinig ang I Love You lalo na kapag galing sa taong pinaka mamahal mo yung tipong hindi ka makatulog, inuulit ulit sa isip, kilig n...