KILIG o SAKIT 38 👐

1.2K 18 4
                                    

Naiwan namang naka silip sa bintana si Ma Rin

Ma Rin : Joseph sorry hindi ko din maintindihan kung bakit ganto ako

Bigla namang tumakbo pababa si Ma Rin at lumapit sa table kung saan nakalagay lahat ng picture nila

Ma Rin : Andito sya kanina so nakita na nya yung ga picture ko nung bata?? Pero bakit hindi nya ako nakilala??? Hindi ba sya yung nagbigay ng necklace sakin?? Alam ko sa kanya to... Mali ba yung naaalala ko?? Ewan

Pagkauwi ni Joseph ay agad agad naman itong nahiga sa kama nya

Joseph : Hayy Mariel??? Marinel?? Ma Rin?? Ma Rin Han??? Ma Rin ikaw ba yun?? Kung ikaw yun pano ko naman sasabihin?? Nakakahiya naman nasabi ko pa naman sa kanya na first love ko yun.

Kinabukasan ay tumawag ulit si Detective Cruz kay Ma Rin para kausapin ulit si Jenny. Agad agad namang pumunta si Ma Rin sa office nila Detective Cruz upang makausap si Jenny.

Nagmamadaling pumasok si Ma Rin kaya naman hindi nya napansin na may papalapit din at nagkabunguan sila

Ma Rin : /nakayuko/ Sorry I'm sorry hindi ko sinasadya

Hindi naman nagsasalita ang nabungo nya at tinulungan pa syang tumayo. Pag tingin naman ni Ma Rin nagulat sya dahil nakita nya si Edward

Ma Rin : Ed..... Edward bakit andito ka??

Edward : Syempre sabi ni Detective Cruz kakausapin na daw si Jenny

Ma Rin : I mean di ba nasa Taiwan ka??

Edward : /hinawakan ang dalawang pisngi/ ikaw talaga nakauwi na ako di ka tumitingin sa araw ano??

Ma Rin : Huh?? Kala ko bukas ka pa eh

Edward : Ewan ko sayo tara sabay na tayo

Ma Rin : Si..... Sige

Sabay na umakyat si Ma Rin at Edward habang naguusap tungkol sa Trip ni Edward. Pag dating nila sa taas ay nakita nila si Joseph na kausap si Detective Cruz kaya dali dali naman na tumakbo papalapit si Ma Rin kay Joseph sabay hinila ito

Ma Rin : Ano bang problema mo??

Nagulat naman si Joseph at hindi ito makasagot dahil iniiwasan nyang mag kita sila ni Ma Rin sa office ni Detective Cruz ngunit nag pang abot sila

Ma Rin : Sinabi ko naman sayo di ba ako nang bahala sa problema ko kung wala kang magawa bumalik ka na sa school mo at mag aral ka na pumasok ka na lang kesa problemahin mo ang problema ko

Detective : Ahh Ma Rin ano kasi

Joseph : Sorry... Sorry kasi nangingialam ako dito wag kang mag alala hindi na ito mauulit sige mauuna na ako

Paglakad ni Joseph ay nakita nya si Edward na nakatayo sa tabi ng hagdan ngunit hindi ito pinansin ni Joseph at dumeretso lang pababa. Hinabol naman ni Edward si Joseph pababa

Edward : Joseph sandali lang..... Joseph..... Joseph ano ba

Joseph : Bakit ba??!?! Sasabihin mo din ba na nangingialam ako??

Edward : Hindi

Joseph : Kung wala kang sasabihin mauuna na ako

Edward : Salamat.... Salamat kasi binantayan mo si Ma Rin

Joseph : Hindi ko sya binantayan kaya wag kang magpasalamat /tuluyan nang bumaba/

Edward : Ingat pre mamaya kumain tayo

Joseph : Bahala ka

Edward : Alam ko din bat ka andito tsk

Tuluyan nang bumaba si Joseph at bumalik naman sa taas si Edward

I Love You : Kilig o SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon