Lumipas ang dalawang linggo hindi pa din nakikita si Ma Rin alalang alala na ang mga magulang nya kung ano na ang nangyari sa kanya dahil na din sa may sakit si Ma Rin.
Ma Rin's Mom : Honey paano kung may nangyari na kay Ma Rin
Ma Rin's Dad : Wag kang mag isip ng ganyan okay lang sya
Ma Rin's Mom : Paano ka nakakasigurado??
Ma Rin's Dad : Malakas si Ma Rin at may tiwala ako sa kanya... Pero hindi ba dapat na natin ito sabihin sa school nya
Ma Rin's Mom : Para ano??... Pag Piestahan sya na nawawala.... Bakit ko ipag sisigawan na nawawala ang anak ko paano kung mas lalo syang mapahamak dahil dito
Ma Rin's Dad : Pero dapat lang na malaman ng school nya ang nangyari sa kanya kaya hindi sya nakakapasok
Ma Rin's Mom : Sa tamang panahon... Sa tamang panahon sasabihin natin pero hindi muna ngayon
Hindi na alam ng Mommy ni Ma Rin kung anong gagawin nya dahil naghahalo na ang takot at pag aalala nito. Hindi na kumakain ng maayos ang Mommy ni Ma Rin at bihira na din ito makatulog kaya naman mas lalong nag aalala ang Daddy ni Ma Rin para sa kalusugan ng Mommy nya.
M's Dad : Honey mag pahinga ka na lang muna
M's Mom : Ayoko
M's Dad : Matulog ka na lang muna. Hindi ka kumakain ng ayos wala ka pa din tulog baka mamaya mag collapse ka na nya
M's Mom : Bakit... Kapag ba natulog ako kapag gising ko andito na ang anak ko??.. Wala ayoko... Hindi ako matutulog... Hindi ko kayang matulog at magpakasarap lalo na at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa anak ko
M's Dad : Gusto mo ba na abutan ka nya na langtang gulay??... Hindi ba mas maganda na kapag uwi nya makikita ka nya ng Malakas at hindi hinang hina.... Ano na lang sasabihin ni Ma Rin kapag nakita ka nya ng ganyan
Matapos ng mahabang pag tatalo ng magulang ni Ma Rin ay nagpahingga na ang Mommy nya at patuloy naman na tumulong ang Daddy ni Ma Rin sa pag hahanap.
Alalang alala na din si Lisa dahil antaggal na simula nung huling pumasok si Ma Rin. Wala syang kaalam alam kung anong nangyari kay Ma Rin at hindi naman nya matanong si Jenny dahil natatakot sya na baka mamaya magalit to ulit.
Matapos ang klase nila sabay na umuwi si Jenny at Lisa naghiwalay sila sa terminal at tuluyan nang sumakay si Lisa.
Pag baba ni Lisa ay naramdaman nanaman nya na may sumusunod sa kanya kaya naman lumiko sya papunta sa ibang daan at tama nga ang hinala ni Lisa na sumusunod to sa kanya kaya naman nagmamadali sya na tumakbo at nagtago. Nakita naman sya nang sumusunod sa kanya kaya dali dali din ito tumakbo pag liko na pag liko nung sumusunod kay Lisa ay nakita sya ni Lisa at agad naman nya itong hinila.
Hindi gaano nahawakan ni Lisa ang sumusunod sa kanya ngunit nahila nya ang hoodie na suot suot neto sakto naman na umikot ito paharap at nagka tinginan sila ni Lisa.
Hindi naman makagalaw si Lisa at natulala lang ito kaya tuluyan na tumakbo palayo ang sumusunod sa kanya. Mga ilang minuto ay dahan dahan na si Lisa lumakad papauwi sa kanila baka sa muka nya na lutang pa din ito at hindi nya alam ang gagawin nya.
Kinabukasan maagang pumasok si Lisa hinihintay nya si Jenny dahil kakausapin nya ito ngunit hindi naman pumasok si Jenny nagtataka naman si Lisa kung bakit hindi pumasok si Jenny at anong nangyari sa kanya.
Pag katapoa ng klass nila ay nakita nya sa gate si Derrick kasama si Edward kaya agad agad syang tumakbo palabas
Derrick : Bat hindi mo kasama si Jenny??
![](https://img.wattpad.com/cover/110752392-288-k878416.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You : Kilig o Sakit
RomanceI Love You kapag sinabihan ka ng salita na yan dalawa lang ang maari mong maramdaman ang KILIG o ang SAKIT. Masarap marinig ang I Love You lalo na kapag galing sa taong pinaka mamahal mo yung tipong hindi ka makatulog, inuulit ulit sa isip, kilig n...