WARNING: I will only post the first book of this saga here on wattpad for the purpose of promoting the whole series. Thank you for understanding.###
Jemimah RemingtonNANATILING nakayuko lamang si Jemimah sa kinatatayuan habang pinakikinggan ang pag-ugong ng mga bulong-bulungan matapos mai-anunsiyo ni Director Morales ang bagong team na kanyang pamumunuan. Napatingin siya sa tabi at nakita doon ang paglapit ng Chief of SCIU na si Ricardo de Chavez.
"Hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo para magkaroon ka ng sariling team," bulong nito, sarkastiko ang tinig. "Hindi ko rin alam kung ano'ng relasyon mo kay Director Morales. Hindi ko na rin gustong malaman. Pero kung nakatingin ka sa posisyon ko, hindi ako basta-basta nagpapatalo."
Hindi makapaniwalang napatingin si Jemimah sa lalaki. "C-Chief, h-hindi naman po—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang lumakad palayo si Chief de Chavez, kasunod ang ilang mga Team Leaders.
Napatingin siya sa unahan nang lumapit sa kanya ni Director Morales. "Naayos mo na ba ang mga gamit mo, Inspector? I'll show you your team's office. Follow me."
Napabuntong-hininga na lamang si Jemimah bago sumunod sa direktor, pilit binabalewala ang mga mapang-usig na tingin ng mga katrabaho.
Pagkapasok nila sa loob ng isang silid ay hinarap siya ng direktor. "Don't mind them, Remington," wika nito. "Hindi naman nawawala ang usap-usapan sa isang working place."
"B-bakit po ako, Sir?" Hindi niya na napigilang itanong. "B-bakit po sa rami ng nagtatrabaho rito ay ako pa?"
Ilang sandaling nakatitig lamang sa kanya ang direktor. "Hindi naiiba ang lugar na ito sa ibang mga ahensya ng gobyerno. Halos lahat ng mga empleyado, walang ibang gusto kundi makakuha ng mas mataas na posisyon para sa kanilang mga sarili. This place was also filled with politics." Ngumiti ito. "At alam ko na gustong makuha ni Chief de Chavez ang posisyon ko."
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Unti-unti ay nakukuha niya na ang dahilan kung bakit nais bumuo ni Director Morales ng sariling team na mapapailalim mismo dito.
"Hindi ko alam kung may mapapagkatiwalaan pa ako sa mga Team Leaders dito," dagdag pa ng direktor. "Mas malapit sila kay de Chavez at wala naman akong magagawa dahil sa Chief sila nagre-report. Si de Chavez lang ang nagre-report sa akin."
"W-wala naman po siguro silang plano na... na agawin ang posisyon niyo, Sir," wika niya.
Mahinang tumawa si Director Morales. "Hindi nila ako maagawan ng posisyon ng ganoon kadali. Nakapailalim pa rin sa akin si Chief de Chavez. He'll still submit to me." Humugot ito ng malalim na hininga. "Gusto ko lang na magkaroon ng sariling team, Inspector. Nakausap ko na rin naman ang Chairman patungkol dito. Hindi naman ako magdedesisyon nang alam kong ikasisira lamang ng ahensya."
Tumango-tango na lamang si Jemimah. Naiintindihan niya na ngayon. "N-nabasa ko na nga po pala ang mga profiles ng magiging team members ko. At may ilan po akong katanungan."
"Go on."
"Kaanu-ano niyo po si Paul Morales?" tanong niya.
Lumuwang ang pagkakangiti ng direktor. "Panganay ko siyang anak."
Nagulat si Jemimah. Isa sa mga anak ng direktor ang makakasama niya sa team?
"Pero tratuhin mo lang siya na isang ordinaryong member," ani pa ng direktor. "Isa siya sa pinakamahusay na prosecutor sa buong bansa. He had prosecuted a lot of criminals since he started. Paul wants some adventures. Malamang na hindi siya gaanong makatulong dahil kulang ang kaalaman niya sa field na ito. Pero sana maturuan niyo siya, hija."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...