Chapter 39
Frank Rodriguez
NAPATIGIL sa paghahalungkat ng basurahan si Frank nang marinig ang pagbusina ng isang sasakyan. Sampung taong gulang pa lamang siya noong mga panahon na iyon at ilang buwan na mula nang maging ulila. Hindi niya kilala ang kanyang ama at napatay naman ang kanyang ina sa loob mismo ng kanilang pamamahay. Ngayon nga, nagpalaboy-laboy na lamang siya sa lansangan at naghahanap ng makakain sa mga basurahan. Hindi niya alam kung may kamag-anak pa siya.
Lumabas mula sa isang itim na sasakyan ang isang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit. "May pera po ba kayo?" tanong ni Frank nang makalapit ito.
Ngumiti ang lalaki. "Marami," tugon nito. "Wala ka bang pamilya?"
Umiling siya. Mukha namang mabait ang lalaking nasa harap. "Bigyan n'yo akong pera. Gutom na gutom na po talaga ako."
Pinakatitigan siya ng lalaki sa loob ng ilang sandali, sinusuri mula ulo hanggang paa. "Bakit wala ka sa ampunan?"
"Ayoko doon." Marahas pang ini-iling ni Frank ang ulo. "Maghihintay lang ako na lumaki at makaalis. Wala namang gugustuhing umampon sa tulad ko."
Bumuntong-hininga ang lalaking nasa harap. "Gusto mo bang sumama sa akin? Aampunin na lang kita. Wala akong anak na lalaki at naawa ako sa'yo nang makita kita kanina."
"Talaga po?" Lumiwanag ang mukha ni Frank. "Maraming pagkain ba sa bahay n'yo?"
"Maraming-marami," tugon nito. "Ipapakilala rin kita sa asawa ko at sa anak kong babae. Siguradong magkakasundo kayo."
Mabilis na tumango-tango si Frank. Gusto niya ng pamilya. Gusto niyang magkaroon ng maayos na tahanan, makapag-aral. Sumunod lamang siya sa lalaki hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.
"Ako nga pala si John Rodriguez... at ikaw si?"
"Frank. Frank po ang pangalan ko."
Muling ngumiti si John. "Frank. Ituring mo na lang akong parang isang tunay na ama, Frank. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako masamang tao..."
HINDI maitago ni Frank ang pagkamangha nang makapasok sila sa loob ng isang napakalaking bahay sa Bulacan. "Ang laki po pala ng bahay n'yo," buong paghangang wika niya. "Sa iskwater lang kami nakatira ni Inay noong nabubuhay pa siya."
Tumawa si John Rodriguez. "Ito na ang magiging bahay mo simula ngayon. Maligo ka muna bago kumain, padadalhan kita ng puwede mong isuot na damit sa magiging kuwarto mo."
Tumango-tango lang naman si Frank. Napatingin sila sa hagdan at nakita ang pagbaba ng isang babae, akay-akay nito ang isang bata.
"Daddy!" masayang tumakbo ang batang babae patungo kay John at agad naman itong kinarga ng lalaki.
"My little princess," masayang wika ni John.
Lumapit sa kanila ang babaeng asawa marahil ni John Rodriguez. "May kasama ka 'ata?"
"Oh, honey, siya nga pala si Frank. Frank, ito si Angelica, asawa ko. At ang magandang anak kong ito si Alexa." Ibinaba ni John ang batang babae. "Nakita ko siya sa isang kalye na pagala-gala. Balak ko sana siyang ampunin."
Bumahid ang pagkagulat sa mga mata ni Angelica. "A-ampunin? Why don't we discuss about this first, John? Alam kong hindi na kita mabibigyan ng isa pang anak. Pero hindi mo alam kung saan siya nanggaling at—"
"Angelica," putol ni John sa sinasabi ng babae. "We'll discuss this before going to bed, okay?" Iyon lang at lumakad na palayo ang lalaki.
Hindi naman na pinag-ukulan ng pansin ni Frank ang mga ito nang lumapit sa kanya ang batang babaeng nagngangalang Alexa. Ang malaki at magagandang mga mata nito ay nakatingin sa kanya. Mas matanda lang marahil siya sa bata ng ilang taon.
"Let's play," masayang wika ni Alexa bago siya hinila patungo sa hagdan.
Hindi napigilan ni Frank ang mapangiti. Ganito ang pamilyang gusto niya. Matagal niya nang nais magkaroon ng kapatid at masaya siya na mabibigyan na iyon ng katuparan...
SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ni Frank sa pagdaan ng mga araw. Mahigit isang taon na rin siyang parte ng pamilya Rodriguez. At ang pinakamagandang parte ng buhay niya ay ang makasama si Alexa. Halos buong araw, sila lamang ang magkasama, lalo na kapag walang pasok sa eskuwela. Palagi silang magkalaro, minsan ay sabay pang matulog. Naging napakahalaga na sa kanya ni Alexa at gagawin ang lahat para mapasaya ito, maprotektahan.
"Kuya Frank," pukaw sa kanya ni Alexa. "Hindi ka naman nakikinig sa kuwento ko." Lumabi pa ang babae.
Napangiti siya. "May iniisip kasi ako. At saka naikuwento mo na 'yan kanina, 'di ba?"
Tumawa si Alexa bago naupo sa kandungan niya. "I want you to sleep here, Kuya. Pleeeasssee."
Tinitigan niya ito. Wala na siyang magagawa tuwing naglalambing sa kanya ang kapatid. Bumuntong-hininga si Frank at hinaplos-haplos ang mahabang buhok ni Alexa. "Natatakot ka pa rin sa monsters?" mahinahong tanong niya.
Tumango-tango ito. "Mommy said monsters aren't real. But I'm still scared. Sa tingin mo ba totoo ang monsters, Kuya?"
Napaisip si Frank. "Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakakakita kaya hindi ako naniniwala."
"I don't want to see monsters."
"Hindi ko hahayaang makakita ka no'n," bulong ni Frank.
Napatingin sila sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang kanilang Mommy Angelica. "Nandito ka lang pala, Frank. Kanina pa kita hinahanap."
"Kuya's going to sleep here, Mommy," sabi ni Alexa. "Are you going to sleep here, too?"
"Hindi muna, sweetie," sagot ng ina. "Marami pa akong kailangang tapusin sa trabaho."
"Si Daddy po ba?" tanong naman ni Frank.
Naiinis na napabuntong-hininga ang ina. "Nandoon na naman sa library at nakikipag-gambling sa mga kaibigan niya. Simula nang makilala niya ang mga kaibigang iyon, halos nawala na ang interes sa atin ng ama n'yo. Lumala na rin ang pagsusugal niya."
Iyon nga ang napansin ni Frank. Madalas ay inuumaga na ang kanilang Daddy John dahil sa pagsusugal nito. Tuwing bumibisita rin ang mga kaibigan nito ay palagi na lamang nakakulong sa library ng bahay.
"Huwag na po kayong magpakapagod sa trabaho," wika ni Frank sa adoptive mother. "Ako na po ang bahala kay Alexa. Patutulugin ko siya ng maaga."
Ngumiti naman si Mommy Angelica. "Salamat, Frank. Masaya ako na nagdesisyon si John na ampunin ka kahit pinag-awayan pa namin iyon noon."
Tumango lang naman si Frank. Masaya din siya na naging parte ng pamilyang ito. Sana habang-buhay na ang kasiyahang ito sa kanyang puso...
NAPATINGIN si Frank sa pinto ng sarili niyang kuwarto nang bumukas iyon at pumasok ang kanyang adoptive father na si John. Mabilis niyang inayos ang mga papel at krayola na nasa kama bago tumayo. "Dad," bati niya sa ama. "Nakauwi na po pala kayo."
Kumunot ang noo ni John. "Gising ka pa rin? Ano ba 'yang pinagpupuyatan mo?"
"Ah... m-mga homework ko lang po," sagot niya.
Tumango-tango naman ito, naupo sa ibabaw ng kama. Kinuha nito ang mga papel na naroroon at isa-isang tiningnan. Gusto sanang kunin ni Frank ang mga iyon subalit hindi magawa.
"What's the meaning of this?" tanong ni John, ipinakita ang iginuhit niya. May dalawang tao doon, isang lalaki at isang babae na pinangalanan niyang 'Frank' at 'Alexa'. Sa gitna ay may nakaguhit na isang malaking puso at sa ilalim ay ang mga salitang 'Our Wedding'.
"D-dad... n-naisipan ko lang namang—"
"Kapatid mo si Alexa, Frank," mariing wika ni Daddy John bago pinunit ang papel. "Hindi kayo maaaring ikasal. Hindi mo siya puwedeng tingnan ng higit pa sa kapatid."
Napayuko na si Frank, nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa puso. Oo, bata pa lang siya. Hindi pa dapat nag-iisip ng ganoon pero alam niya sa sarili na si Alexa ang babaeng nais lamang makasama, nais makausap, nais protektahan. Gagawin niya ang lahat para dito.
Tumayo si Daddy John. "Stop this craziness, Frank. Wala kang mapapala."
"P-pero... d-daddy, g-gagawin ko naman po ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral. Magiging successful po ako at magagawa kong protektahan si Alexa higit pa sa sarili ko," nagmamakaawa na ang tinig niya.
"You can't know that, Frank. Hindi ako papayag na ikaw ang mapangasawa ng anak ko. Magkapatid na kayong dalawa, iyan dapat ang tandaan mo," mariing wika ng adoptive father.
"H-hindi po kami tunay na magkapatid," sabi niya pa. "Puwede ko siyang—" Napatigil si Frank sa pagsasalita nang dumapo ang isang kamay ni John sa kanyang pisngi.
"Hindi ko na gustong pag-usapan ito," iyon lang at lumabas na ng silid ang lalaki.
Si Frank naman ay naiwang nakatulala sa loob ng mahabang sandali. Hindi na niya napigilan ang sarili at napaiyak. Pinulot niya ang mga pira-pirasong papel sa sahig. Hindi siya susuko. Si Alexa lang ang babaeng gusto niyang makasama. Gagawin niya ang lahat para matanggap iyon ng kanilang ama...
MAINGAT na pumasok si Frank sa loob ng library ng bahay nila para dalhin sa adoptive father ang mga bote ng beer na inutos nito kanina. Pasado alas-diyes na ng gabi at wala naman doon ang adoptive mother niyang si Angelica at si Alexa dahil nagtungo ang mga ito sa kamag-anak sa Calamba.
"D-dad, i-ito na po," nauutal na wika ni Frank. Simula nang malaman ng adoptive father ang lihim niyang pagtingin kay Alexa, hindi na siya nito kinakausap ng maayos.
Napatigil siya sa paghakbang nang makita ang mga puting pulbos na nasa mesa, may ilang mga tableta rin doon, injection at kung anu-ano pa. Tumingin sa kanya si Daddy John, namumula na ang mga mata.
"Frank, hijo," bati sa kanya ng lalaki. "Come closer."
Sumunod naman si Frank at ipinatong ang mga bote ng beer sa mesa. "A-aalis na rin po ako... m-may mga tatapusin pa po akong—"
Hindi niya natapos ang sinasabi nang marahas na hawakan ni John ang kanyang braso. "Pinagnanasaan mo pa rin ba si Alexa?" tanong nito. "Alam kong madalas kang natutulog sa kuwarto niya. Hindi ba sinabi kong tigilan mo na ang pag-asang papayagan ko 'yang kabaliwan mong bata ka?"
Nanatili lamang siyang nakayuko, hindi nais sumagot upang maiwasang magalit ang adoptive father.
Tumayo si John at lumapit sa kanya. "Pero puwede ko namang pag-isipan kung susundin mo ang lahat ng gusto ko."
Napatingin si Frank dito. "A-ano pong ipaguutos n'yo? Gagawin ko po ang lahat."
Ngumisi si John na parang isang demonyo, higit na namula ang mga mata. "Alam mo bang hindi na ako mapagbigyan ni Angelica simula nang malaman niyang nagte-take ako ng droga?" Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I'm already addicted to this. Ito na lang ang nakakapagpasaya sa akin. I kept on wanting for more. I kept on desiring for something... for all the wrong things."
Hindi maintindihan ni Frank ang lahat ng sinasabi ng lalaki pero biglang may lumukob na kakaibang takot sa puso niya. Inuutusan na siya ng isipan na tumakbo at lumayo sa lalaking ito.
Hinawakan ni John ang unahang parte ng pantalong suot nito. "A young child like you will be good. Wala namang problema kahit lalaki ka pa." Tumalim na ang mga mata nito. "Susundin mo ako o hindi mo na makikita uli si Alexa."
"D-dad..."
Hindi na nagawang magpatuloy ni Frank nang hanggitin ng adoptive father ang buhok niya at hilahin siya patungo sa couch na naroroon para paupuin. Binuksan ni John ang suot na pantalon para ilabas ang ari nito. "Huwag na huwag kang magsusumbong kung ayaw mong masaktan lalo," anas nito habang pinagtataas-baba ang kamay sa pagkalalaki.
Napaiyak na si Frank nang higit pa siyang sinabunutan ng lalaki at sapilitang ipinasok sa bibig niya ang nakadidiring ari nito. At hindi lamang iyon ang ginawa nito, pinaghubad pa siya ng adoptive father, binaboy ang kanyang katawan.
Doon na nga nagsimula ang panggagahasa sa kanya ng lalaking itinuring na ama, ang pagsira sa kanyang pagkatao. Wala itong pakialam kahit nasasaktan na siya, umiiyak, nagmamamakaawa na tumigil na...
NAKATULALA lamang si Frank habang nakaupo sa sahig na malapit sa kuwarto ni Alexa. Gabi-gabi, nandito siya para mabantayan ang kapatid. Hindi niya gustong mangyari rin kay Alexa ang nangyari sa kanya.
Mahigit isang taon na mula nang una siyang pagsamantalahan, babuyin ng adoptive father na si John Rodriguez at naulit pa iyon ng maraming beses tuwing naka-droga ito. Wala naman siyang mapagsumbungan dahil sa matinding takot. Subalit ang hindi alam ni Frank ay mayroon pa palang hihigit sa pangyayaring iyon.
Napasiksik sa sulok si Frank nang makita ang paglapit ng demonyo. Halatang nakainom na naman ito at bangag dahil sa pamumula ng mga mata.
Hinanggit ni John ang kanyang braso para sapilitang patayuin. "Dalhan mo kami ng beer sa library," utos nito bago muling lumakad palayo.
Takot na takot na sumunod si Frank. Alam niya na naroroon na naman ang mga kaibigan ng ama at nagsusugal.
Pagkapasok sa loob ng library, napaubo pa si Frank dahil sa usok na bumungad sa kanya. Nilapag niya sa mesitang malapit sa gambling table ang mga lata ng beer.
Anim ang taong naroroon, kasama na ang adoptive father na si John. Ang iba ay abala sa paghithit ng sigarilyo o hindi kaya ng puting pulbos na nasa mesa, may mga tabletas din doon.
Tumayo si John para lumapit sa kanya. "Siya ang ikinukuwento ko, mga pare," nakangising wika nito. "This obedient boy has been satisfying my desires this past year."
Tumawa ang isa sa mga lalaking naroroon. "Mukhang nahihilig ka sa mga bata, ah, pare? Iyan din ang nirerequest mo tuwing magpupunta tayo sa mga casa."
"Masarap ba, pare?" tanong naman ng isa pa. "Puwede ba naming tikman?"
Naghalakhakan ang mga taong naroroon. Gusto nang tumakbo ni Frank palayo subalit napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya ng adoptive father.
"Puwedeng-puwede," sagot ni John. "Gusto n'yo bang i-demo ko muna sa inyo?"
"Sigurado bang hindi tayo mapapasama diyan, pare?" tanong naman ng isang lalaki na nasa sulok, may hawak na camera.
Nasilaw pa si Frank nang biglang mag-flash ang camera na iyon.
"Hinding-hindi magsusumbong ang batang ito." Mahigpit na hinawakan ni John ang buhok niya para mapatingin siya dito. "Hindi ba, Frank? You're a good boy, right? Makukuha mo ang gusto mo kapag in-entertain mo kami."
Napaiyak na si Frank, ini-iling ang ulo. "A-ayoko n-na po..." garalgal na wika niya. "T-tama na... t-tama na po..."
Subalit tila hindi narinig ng lalaki ang kanyang pagmamakaawa. Ginawa pa rin nito ang kababuyang matagal nang ginagawa sa harap mismo ng mga taong naroroon. Hinihiling ni Frank na sana ay mamatay na lamang siya. Hindi niya na kinakaya ang matinding sakit lalo na nang sumunod pa sa panggagahasa sa kanya ang iba pang lalaking naroroon.
Lahat ng mga ito ay pinagpasa-pasahan siya, patuloy lamang sa pagtatawanan sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman. Ang bawat ungol na kanyang naririnig habang ipinapasok ng mga ito ang ari sa kanyang pang-upo ay animo mga tunog na nanggaling sa impyerno. Hanggang sa wala nang maramdaman si Frank, nakatulala na lamang siya at tanging ang mga liwanag na lamang mula sa flash ng camera ang nakikita.
Bakit? Bakit pa ba siya pumayag na magpa-ampon sa hayup na Rodriguez na ito? Bakit kailangang mangyari pa ang ganitong klase ng kasamaan sa kanya? Ito ba ang kabayaran ng pagnanasa niyang makasama at maprotektahan si Alexa? Ito ba ang kabayaran ng pagkukop ni John Rodriguez sa kanya?...
NAPATINGIN si Frank sa pinto ng sariling kuwarto nang magbukas iyon. Bumangon siya mula sa pagkakahiga nang makita ang pagpasok ng adoptive mother na si Angelica. "Mom, may kailangan po ba kayo?" tanong niya. "Magpapahinga na sana ako."
Naupo si Mommy Angelica sa gilid ng kama, may pagkabalisa na sa mukha nito. "F-Frank, anak..." Bumuntong-hininga ito bago iniabot sa kanya ang isang makapal na envelope. "T-tanggapin mo 'to."
Tiningnan ni Frank ang laman ng envelope at nagulat pa nang makita ang napakaraming pera doon. "Mom... p-para saan 'to?" nagtatakang tanong niya.
Yumuko ang adoptive mother. "Hanapin mo ang iba mo pang kamag-anak, Frank. Kung kulangin ka sa pera, tawagan mo lang ako. Nakahanda akong magpadala sa'yo kahit kailan."
Natigilan si Frank sa sinabi ng babae. "P-pinapaalis n'yo na ba ako dito, Mom?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumingin sa kanya si Mommy Angelica, may mababanaag ng kalungkutan sa mga mata. "You're fifteen now, Frank. Naniniwala ako na kaya mo na ang sarili mo. Bakasyon pa naman kaya magkakaroon ka pa ng pagkakataong makahanap ng matitirahan at ng maaaring lipatang school."
Marahas na ini-iling ni Frank ang ulo. "No, Mom. Hindi ako aalis. A-akala ko ba mahal n'yo ako? Gusto kong makasama si Alexa. Hindi ko siya iiwanan, ipinangako ko 'yon sa kanya."
"Frank..." Inabot ng adoptive mother ang isa niyang kamay para hawakan iyon ng mahigpit. "Alam ko ang nararamdaman mo para kay Alexa. Pero hindi na puwede. Ipinangako na siya ng iyong Papa sa anak ng kaibigan niyang si Clark Lumanglas."
Hindi naitago ni Frank ang pagkagulat sa narinig. Ipinangako ng demonyong John na iyon si Alexa sa ibang lalaki? Matapos ng lahat ng kababuyang ginawa nito sa kanya? Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao. Hindi maaari! Hindi siya papayag.
"W-wala na tayong magagawa, Frank," bulong ni Mommy Angelica. "Hindi ko masusuway si John."
Tiningnan niya ang babae. "Kakausapin ko siya," sabi ni Frank bago tumayo.
Nasa pinto na siya nang marinig ang muling pagsasalita ng adoptive mother. "F-Frank... just... leave, please. I love you. Ginagawa ko 'to para sa ikabubuti mo."
Humugot siya ng malalim na hininga para alisin ang paninikip ng dibdib. Gusto niyang makinig na lamang sa babae at magpakalayo-layo sa lugar na ito. Subalit hindi niya nais sumuko. He had endured all those pains from that monster John Rodriguez so he would be able to stay with Alexa. Hindi niya hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pagtitiis sa loob ng ilang taon.
"I will protect Alexa, Mom," sabi niya na lamang bago itinuloy ang paglabas ng kuwarto.
Hindi na siya kumatok sa library na kinaroroonan ni John at dere-deretsong pumasok doon. Nadatnan niyang abala sa pakikipaghalikan ang demonyong iyon sa isang babaeng sinabi nitong bagong sekretarya daw. Nakaupo sa kandungan ni John ang babae at halos hubad na. Sa tingin niya ay nasa teenage years pa lamang ang naturang babae.
Ngumisi si Frank. Masahol pa talaga sa hayup ang pag-uugali ng adoptive father na ito. Paano ito nakakapagdala ng babae sa mismong bahay na kinaroroonan ng pamilya nito?
Tumigil sa paghahalikan ang dalawa, napatingin sa kanya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong sa kanya ni John.
Lumakad siya palapit sa mga ito. "Gusto kitang makausap," seryosong wika ni Frank. Sa loob ng mga taong lumipas ay tuluyan nang nawala ang paggalang niya sa lalaki. Hindi niya na rin ito itinuring na parang ama.
Inutusan ni John ang babae na lumabas muna sandali. Nang sila na lamang ang maiwan doon, tumayo na ito para lumapit sa kanya. "Sabihin mo na dahil marami pa akong kailangang gawin."
Nag-igting ang mga bagang ni Frank. "Nalaman kong ipinangako mo sa ibang lalaki si Alexa. Bakit mo ginawa 'yon?!" Hindi niya na napigilang sigaw. "Ipinangako mo siya sa akin! Ipinangako mo na bibigyan mo ako ng pagkakataon na maipakitang kaya ko siyang alagaan, protektahan!"
"Sinabi ko ba 'yon?" tila balewalang tanong ni John. "Hindi ko na maalala."
"Hayup ka!" bulyaw ni Frank, galit na galit. "Hindi puwede. Sinira mo ang buhay ko, hinayaan ko lang 'yon dahil gusto kong pumayag ka na ibigay sa akin si Alexa."
Matalim siyang tiningnan ng adoptive father. "Sinabi ko na sa'yo na hindi ko papayagang mapunta sa isang lalaking katulad mo si Alexa. Wala kang mapapakain sa kanya. Kahiya-hiya ka pa." Tumawa pa ito ng nakakaloko.
Nanginginig na si Frank sa matinding galit. "Isusumbong kita sa mga pulis," pananakot niya. "Hindi ko nagawa noon dahil hindi ko gustong mapalayo kay Alexa. Sasabihin ko na ngayon sa kanila lahat ng kasamaan mong hayup ka."
Lumapit sa kanya si John, inundayan siya ng malakas na suntok sa sikmura. Napabagsak sa sahig si Frank, namimilipit sa sakit. "Walang maniniwala sa'yo, alam mo 'yan," mariing wika nito bago walang tigil siyang pinagtatadyakan.
Napaubo na si Frank. "S-s-sisirain ko ang... ang buhay mo," nagawa niya pang maiwika. "Ipinapa—"
Isang malakas na tadyak sa sikmura ang nakapagpatigil sa kanya. Lumapit si John sa mesa para kunin ang telepono doon. May idinial itong numero. "Pumunta ka dito sa library ngayon din," utos nito sa kung sinomang kausap.
Halos hindi na maimulat ni Frank ang mga mata nang marinig ang mga yabag na papasok. Sinubukan niyang tingnan kung sino iyon at napag-alaman na isa sa mga bodyguards ng adoptive father.
"Ikaw na ang bahala sa walang kuwentang lalaking 'yan," utos ni John sa lalaki bago ito inabutan ng isang tseke. "Patahimikin mo na."
Hindi na namalayan ni Frank ang mga sumunod na nangyari nang maramdaman ang muling malakas na sipa sa kanyang sikmura na tuluyang nakapagpawala sa kanyang kamalayan...
SINUBUKANG imulat ni Frank ang mga mata kahit na nananakit pa rin ang buong katawan. Iginala niya ang paningin sa paligid at napag-alaman na nasa trunk siya ng isang umaandar na sasakyan. Sinubukan niyang gumalaw subalit nakagapos ang kanyang mga kamay sa unahan. Hindi rin siya makasigaw dahil may duct tape sa bibig.
Ilang minuto pa siguro ang lumipas hanggang sa tumigil na ang sasakyan. Ipinikit niya ang mga mata at nagkunwang wala pa ring malay nang bumukas ang trunk compartment. Binuhat siya ng lalaki at dinala sa isang lugar.
Nang muling imulat ni Frank ang mga mata ay nagulat pa nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaking nagdala. Tinanggal nito ang duct tape sa kanyang bibig.
"Mabuti naman at gising ka na," sabi ng lalaki bago ngumisi. "Alam mo naman siguro kung bakit ka nandito, 'di ba?"
Nakaramdam siya ng matinding takot bago iginala ang paningin sa paligid. Naroroon sila sa isang parte ng madilim na kagubatan. Sinubukan niyang maupo at nagsumiksik sa punong naroroon.
"P-parang awa n'yo na po..." pagmamakaawa niya, umiiyak. "H-huwag n'yo akong s-saktan."
Ngumisi ang lalaki bago inilabas ang isang hunting knife. "Hindi mo dapat ginalit si boss," sabi nito, humakhakbang papalapit sa kanya.
Ini-iling ni Frank ang ulo, pilit kinakalas ang tali sa kamay. "T-tulong!" sigaw niya pa. "Tulungan n'yo ako!"
"Walang makakarinig sa'yo dito," wika pa ng lalaki sa nakalolokong tono. "Dito ko tinatapos lahat ng mga pinapatahimik ni boss."
Malapit na sa kanya ang lalaki nang tila biglang nandilim ang paningin ni Frank. Hinigpitan niya ang pagkakakuyom ng mga kamao at matalim na tiningnan ang lalaking nasa harap. "Hindi ako mapapasama sa mga 'yon," mariing wika niya.
Nang itaas ng lalaki ang hawak na kutsilyo ay mabilis siyang gumulong kasabay ng malakas na pagsipa sa isang paa nito. Bumagsak ang lalaki sa lupa at tila leon na sinunggaban ni Frank ang hawak nitong hunting knife.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataong tumayo ang lalaki nang malakas niyang isinaksak sa tapat ng puso nito ang kutsilyo. Kahit nakatali pa ang mga kamay ay inulit pang muli ni Frank ang pagsaksak. Galit na galit niyang itinarak ng napakaraming beses ang kutsilyo sa katawan ng lalaki.
Wala nang buhay ang lalaki subalit patuloy pa rin siya sa pagsaksak. Punong-puno na rin ng dugo ang kanyang buong katawan. Makalipas ang ilang sandali, pagod na pagod na naupo sa lupa si Frank, tinitigan ang bangkay na nasa harap.
Kinalas ni Frank ang pagkakagapos ng mga kamay gamit ang hunting knife. Pinunasan niya ang dugo na nasa mukha at pinagmasdan ang kamay na may hawak na kutsilyo. Tumaas ang gilid ng mga labi niya para sa isang ngisi hanggang sa mauwi iyon sa malakas na pagtawa.
Tumawa lamang siya ng tumawa sa loob ng mahabang sandali bago sinubukang tumayo. Inabala niya ang sarili sa paghuhukay para mailibing ang bangkay ng lalaki.
Napatigil si Frank nang marinig ang pagtunog ng isang cell phone. Kinapa niya ang bulsa ng lalaking nagtangkang pumatay sa kanya at nakuha doon ang aparato. Tiningnan niya ang mensahe na nagmula sa demonyong si John Rodriguez.
Message: Tapos na ba ang pinagagawa ko?
Hinigpitan ni Frank ang pagkakahawak sa cell phone bago siya na ang nag-reply. Tapos na po.
Pagkatapos niyon ay ibinagsak niya na sa lupa ang aparato at tinapakan iyon. Habang inililibing ang bangkay ng lalaki ay muli na namang ngumisi si Frank. "Ikaw na ang isusunod ko, John Rodriguez," pangako niya. "Hintayin mo lang ako. Isasama ko na ang mga hayup na kaibigan mo..."
MAHIGIT anim na buwan ding walang matinong plano si Frank sa kanyang buhay. Nagpakalayo-layo lamang siya at nagpalipat-lipat ng matitirahan, ng trabaho. Hindi siya makapunta sa mga awtoridad para isumbong ang adoptive father dahil siguradong walang maniniwala sa kanya. At isa na siyang mamamatay-tao.
Hanggang sa dumating ang sagot sa kanyang hiling, nagtatrabaho siya bilang delivery boy ng tubig nang makilala si Cecilia Johnsons – isang matandang biyuda na nagmula sa Amerika. Napakayaman nito subalit wala namang kasama sa pamumuhay dito sa Pilipinas.
Naging napakabuti ng matanda sa kanya at sinuklian din naman iyon ni Frank ng kabutihan. Then Cecilia decided to go back to the States. Hiniling nito na sumama siya, na ito daw ang bahala sa kanya doon, na ito ang bubuhay sa kanya. At dahil ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Frank na maging maayos ang sariling buhay, hindi na siya nagdalawang-isip.
He became her lover despite their huge age gap. Wala na rin naman siyang pakialam. He was too ambitious to even mind. Ipinangako niya rin naman kay Cecilia na magiging tapat siya dito hanggang sa huling yugto ng buhay nito.
Tinupad naman ni Cecilia ang pangako sa kanya, pinag-aral siya ng babae sa isang kilalang unibersidad sa Amerika. Frank graduated with flying colors and became an expert in computer programming. Dahil sa skills na iyon, nagawa niyang burahin ang mga dating records sa Pilipinas. The security of the Philippine government sites were very easy to hack.
Dahil din sa skills na 'yon, nasusundan niya ang lahat ng mga balita kay John Rodriguez, ang lahat ng pangyayari sa kompanyang pinapatakbo nito at kung anu-ano pa. Pinlano niya ang lahat bago bumalik sa Pilipinas.
Nang mamatay si Cecilia, iniwan nito sa kanya ang halos lahat ng kayamanan. At makalipas lamang ang ilang taon ay nagdesisyon siyang bumalik sandali sa Pilipinas upang muling makaharap ang demonyong sumira sa kanyang buhay. It was time to end the life of that demon. It was time for a payback...
NAKAUPO lamang si Frank sa swivel chair na nasa harap ng working desk ni John Rodriguez. Nasa loob siya ng home office ng bahay nito sa Bulacan. Kanina niya pang hinihintay doon ang adoptive father na sa pagkakaalam ay nagtungo sa isang event ng kompanya nito. It was very easy for him to hack the security of this house, ganoon din ang pag-pause sa mga CCTV dito.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair para lumipat sa isang sulok. Ilang minuto lang naman ay bumukas na ang pinto ng home office at pumasok ang lalaking kinamumuhian sa loob ng mahabang panahon. John Rodriguez was still the same, he just got a little older.
Tila hindi pa rin nararamdaman ng lalaki ang kanyang presensiya. Nakaupo na ito sa swivel chair nang tumikhim siya.
Napatingin sa kanya si John, kumunot pa ang noo. "Sino ka?" marahas na wika nito. "Paano ka nakapasok dito?"
Marahang lumakad palapit sa working desk nito si Frank bago ngumiti. "Hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong niya, bumuntong-hininga. "Ilang taon din tayong hindi nagkita... Dad."
Bumahid ang matinding pagkagulat sa mukha ni John. Sinuyod nito ng tingin ang kanyang kabuuan. "F-Frank..." Marahas nitong ini-iling ang ulo. "Imposible... i-imposible. P-patay ka na."
Ngumisi si Frank. "Kung patay na ako, wala na dapat ako sa harapan mo ngayon, 'di ba? Hindi ka man lang ba nagduda kung bakit hindi na bumalik ang bodyguard na inutusan mong pumatay sa akin noon? Naniwala ka na agad sa isang mensahe lamang?" Tumawa siya ng mahina. "Pinatay ko siya, Dad. Pinatay ko ang inutusan mong pumatay sa akin noon."
Napalitan na ng takot ang emosyon na nasa mukha ni John. Sinubukan nitong buksan ang kanang drawer ng desk nito pero napatigil nang itaas niya ang isang baril.
"Ito ba ang gusto mong kunin?" tanong ni Frank. Matalim niyang tiningnan ang lalaki bago itinapon ang baril sa sahig. "Hanggang ngayon ay gusto mo pa rin akong patayin."
"F-Frank..." garalgal na banggit ni John sa kanyang pangalan. "K-kung anuman ang... ang plano mo sa pagpapakita sa akin ngayon, s-sinasabi ko na hindi ka—"
"Seems like you've been living well these past few years," putol niya sa sinasabi nito. Lumapit siya sa adoptive father. Ngayon lang nakita ni Frank ang ganoong klaseng takot sa mukha ni John Rodriguez, at nag-eenjoy siyang pagmasdan iyon. "Hindi ka na ba nagdo-droga? O... dealer ka na lang ng droga? Napakalaki siguro ng kinikita mo, Dad."
Higit na nadagdagan ang takot sa mukha ni John nang ilabas niya ang isang hunting knife sa likod ng suot na pantalon. Nagtangka itong tumayo pero mabilis nang nalapitan ni Frank ang lalaki.
Mahigpit niyang hinawakan ang buhok nito at sapilitang pinatingala. He put the edge of the knife on the man's face. "I've been doing so well, too, Dad. Ginawa ko ang lahat para makabalik dito," bulong niya sa tinig na mala-demonyo. "Wala kang magagawa para makatakas o makatawag ng tulong. I cut all the phone lines here and your bodyguards will never notice."
"F-Frank... a-ano bang... ano bang kailangan mo?" nahihintakutang wika ni John, malapit nang umiyak. "S-sabihin mo lang. P-pera ba? Ibibigay ko k-kahit magkano. H-huwag mo lang akong p-patayin."
Malakas na napatawa si Frank. "Mukhang nagkapalit na tayo ng posisyon, Rodriguez. Ikaw na ngayon ang nagmamakaawa sa akin." Ilang sandali siyang nag-isip. "Pera? Hindi ko na kailangan noon. Marami ako niyan."
"F-Frank... p-parang..."
"Shut the fuck up!" bulyaw niya. "Hindi ko gustong marinig ang pagmamakaawa mong hayup ka. Gusto kong makinig ka sa'kin. Magsasalita ka lang kapag sinabi ko, naiintindihan mo ba?" Higit niyang idiniin ang kutsilyo sa mukha nito.
Takot na takot namang itinango ni John ang ulo na parang isang masunuring bata.
"Naaalala mo ba ang ginawa mo sa akin noon? Naaalala mo ba ang kababuyang ginawa mo sa akin?" Nag-igtingan ang mga bagang ni Frank. Kahit taon na ang lumipas, hindi pa rin niya makalimutan ang kasamaang sinapit sa poder ng demonyong ito. Pinilit niyang kalimutan ang lahat. Sinubukang magbagong buhay. Subalit paulit-ulit lamang sa kanyang alaala ang nakaraan.
He would never be able to forget. He would never be able to forgive. Kailangang pagbayaran ng taong ito ang pagsira sa kanyang buhay. "Bakit mo ginawa 'yon?" puno ng galit na tanong niya. "Bakit?! Sumagot ka."
"H-hindi ko d-dapat ginawa 'yon sa'yo, F-Frank. N-nakadroga ako... h-hindi ko alam. P-patawarin mo ako..." Napahagulhol na ng iyak ang lalaki.
"Huli na para magsisi," malamig na wika ni Frank. "At hindi mo dapat isisi lahat sa droga. Ikaw ang lumapit sa drogang iyon. Ikaw ang nagdesisyon na sirain ang buhay mo at mangdamay ng iba."
"F-Frank... m-maawa ka sa akin," patuloy na pagmamakaawa nito. "A-ano bang kailangan mo? S-sabihin mo lang, ibibigay ko kahit na ano."
"Sinabi ko ba na magsalita ka?!" sigaw niya, higit na idiniin ang kutsilyo para bahagyang mahiwa ang mukha ng lalaki. "Wala akong kailangan na kahit ano mula sa'yo." Tumawa pa siya ng nakakaloko. "Your money cannot save you."
Mas lalong nangatal ang katawan ni John, pinipilit na huwag lumikha kahit kaunting ingay. Gustong-gusto niyang panoorin ang takot sa mukha nito, ang pagmamakaawa.
"Bakit ko pakikinggan ang pagmamakaawa mo kung hindi mo naman ginawa sa akin noong ako ang nagmamakaawa?" mapait na wika ni Frank. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang namumuong galit sa pagkatao. "Naaalala mo rin ba noong pagkainteresan n'yo ako ng mga kaibigan mo? Noong babuyin n'yo ako, pagpasa-pasahan? Wala kayong pakialam kahit nasasaktan na ako, kahit nagmamakaawa. Ang mahalaga lang sa inyo ay ang kasiyahang nakukuha n'yo, mga demonyo kayo!"
Kitang-kita sa mukha ni John na nais nitong magsalita subalit hindi magawa.
"Nasaan na nga pala sila?" tanong niya mayamaya. "Ngayon ka sumagot."
"H-h-hindi ko na alam," tugon ni John. "M-matagal na kaming h-hindi nagkikita-kita."
Tumango-tango si Frank. "May mga larawan kayong kinuha noon, hindi ba? Nasaan na ang mga larawang 'yon? Nasa'yo ba?"
"W-wa-wala sa akin..." garalgal na sagot ng adoptive father. "H-hindi ko alam kung... kung sino ang humahawak noon. H-hindi ko alam. M-maniwala ka sa akin."
Napabuntong-hininga siya bago inabot ang isang notepad at fountain pen na nasa desk, itinapat kay John. "Naniniwala naman ako sa'yo," sabi ni Frank. Inilipat niya ang kutsilyo sa leeg ng lalaki. "Pero sigurado naman na kilala mo silang lahat. Gusto kong isulat mo ang buo nilang pangalan. Lahat sila. There were six of you back then. I want all of the names of those demons."
Wala namang nagawa si John kundi ang abutin ang pen at isa-isang isulat ang pangalan ng mga lalaking kasama nito noon sa pagsira sa kanyang buhay. Madali na para sa kanya ang hanapin ang mga taong iyon. It would be easy to hack some government sites and search for them.
Nang matapos sa pagsulat si John, agad niyang pinilas ang papel sa notepad bago ipinasok sa bulsa. "How's Alexa, by the way? Gusto mo pa rin ba siyang ipakasal sa iba?"
Tumingin sa kanya si John, nadagdagan ang takot sa mga mata. "F-Frank... huwag ang pamilya ko... h-huwag sila."
Ngumisi si Frank. "Kailan ka pa nag-alala para sa kanila, John?" tanong niya. "Don't be a hypocrite." Ilang sandali siyang huminto bago nagpatuloy. "Sa tingin mo ba nagpunta lang ako rito para sa'yo? I came here for your promise, as well. Hindi mo naman siguro nakalimutan, hindi ba?"
"H-hindi p-pwede, F-Frank," pagmamakaawa pa ni John.
"Sawa na ako sa salitang 'yan," mariing sabi niya. "Oras na para tuparin mo ang pangako mo na pagbibigyan mo akong makasama si Alexa, maipakita na kaya ko siyang protektahan, alagaan at mahalin. I can do that now. I'm more successful than you can ever imagine. Akin na si Alexa. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ko naman siya pababayaan."
"F-Frank... t-tigilan mo na ang—"
John's words were cut when he slashed his throat without mercy. Gusto pa sana niyang pahirapan ang lalaki subalit hindi na nais marinig ni Frank ang boses nito kaya pinatahimik na, nandilim na rin ang kanyang paningin dahil sa galit sa puso. Binitawan niya ang walang buhay na lalaki, bumagsak lamang ang ulo nito sa mesa, patuloy sa pag-agos ang dugo. Pagkatapos ay maraming beses niyang pinagsasaksak ang katawan nito, galit na galit.
Ilang sandali niyang pinagmasdan ang bangkay ni John Rodriguez. Gaano katagal niya na bang ninais makita ang ganitong ayos ng demonyong ito? Ngumisi siya bago tiningnan ang isang vault na nasa dingding. Sapilitan niya iyong binuksan at kinuha ang mga lamang cash, ilang dokumento para lituhin ang mga nasa awtoridad. Iisipin ng mga ito na robbery-homicide lamang ang nangyari.
Sa wakas, natapos niya na rin ang misyon sa unang pagbalik dito sa Pilipinas. Napatay niya na ang taong nagpasimula ng bangungot sa kanyang buhay. At walang nararamdamang pagsisisi si Frank sa ginawa. This was what he wanted for a long time. Pero hindi pa tapos ang lahat. There were five more demons to slay. Pagpaplanuhan niyang mabuti ang pagpatay sa mga ito. Sisiguraduhing maipaparamdam ang lahat ng galit at sakit na kanyang nararamdaman hanggang sa kasalukuyan...
MAINGAT na lumabas si Frank sa loob ng home office ni John Rodriguez para tumungo sa back door ng bahay na iyon. This place was still the same. Maraming masasayang memorya ang lugar na ito kasama si Alexa, subalit marami rin ang masasamang memorya na nais sanang kalimutan.
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang tunog ng gulong mula sa likod. Lumingon si Frank at ganoon na lang ang pagkagulat nang makita ang adoptive mother na si Angelica. Hindi niya inaasahan na naririto sa bahay ang babae. Ang akala niya ay sa ospital ito naka-confine dahil sa sakit sa puso, base sa mga nalaman.
Tumitig sa kanya si Angelica sa loob ng ilang sandali bago namukal ang mga luha sa mga mata nito. "F-Frank... hijo, ikaw ba 'yan?" tanong nito.
Hindi makapagsalita si Frank, nakatitig lamang sa babae na may bakas na ng katandaan. Medyo namayat din ito dahil marahil sa sakit. Gusto niyang itanong kung bakit pinabayaan nito ang sarili. Naging napakabuti sa kanya ng adoptive mother noon.
"A-akala ko p-patay ka na," humihikbing wika ni Angelica. "N-noong sabihin sa amin ni John na... na may kamag-anak na kumuha sa'yo para pag-aralin ka sa States, hindi ako naniwala. N-naisip ko na baka... baka wala ka na." Napahagulhol na ito ng tuluyan.
Napayuko na lamang si Frank. Hindi niya nais magpakita ng kahit na ano'ng emosyon. Hindi na siya ang mahinang bata noon. He had changed.
"C-can you come closer?" tanong ng adoptive mother.
Hindi na naman pinigilan ni Frank ang sarili at lumapit sa babae, lumuhod sa harapan nito. Hinayaan niya lamang si Angelica nang marahan nitong haplusin ang kanyang pisngi.
"It's been a long time, hijo," bulong nito. "You've grown into a very fine man." Bumuntong-hininga ito. "Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik?"
Napuno na ng kalamigan ang mga mata ni Frank. "I killed him," pag-amin niya.
Bumahid ang matinding pagkagulat sa mga mata ni Angelica, napahawak pa ito sa tapat ng puso. Pero mayamaya lamang ay nakita na ang pagtango-tango nito. "H-h-he deserves that, right?" Tumulo na ang mga luha sa mukha nito, hindi makatingin sa kanya. "P-patawarin mo ako, Frank. Patawarin mo ako kung wala akong nagawa noon kahit... kahit alam ko ang kasamaang ginawa sa'yo ni John."
"You knew." It was actually a statement. Matagal niya nang naiisip na baka alam ng adoptive mother ang nangyari sa kanya noon. Wala lang din itong nagawa dahil sa takot kay John Rodriguez.
Tumingin na sa kanya si Angelica. "N-nakita ko minsan ang kahayupan niya noong... noong bahagyang nakabukas ang library." Natutop nito ang bibig. "Naging duwag ako, Frank. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin. At ang tanging naisip ko lang ay... ay bigyan ka ng pera para makatakas sa impyernong ito."
"Tinapos ko na ang kasamaan niya," wika niya. "Hindi na niya kayo mapapahirapan pa."
Hinaplos ng adoptive mother ang buhok niya. "I shouldn't have agreed when he decided to adopt you. Kahit naging parang isang anak na ang turing ko sa'yo, pinagsisihan kong kinupkop ka ng pamilyang ito. Hindi ka dapat nasaktan. Hindi ka dapat nahirapan."
Iniiwas ni Frank ang tingin, hindi nagsalita. Hindi niya gustong umiyak sa harapan ng babae.
"H-hindi mo ba gustong makita si Alexa?" narinig pa niyang tanong ng ina. "Simula pa noon, palagi ka nang tinatanong ng kapatid mong 'yon."
"Hindi pa sa ngayon," sagot ni Frank, nakayuko. "Hindi ko alam kung paano siya haharapin matapos ng ginawa ko. I'm already a monster. Sinabi ko sa kanya na hindi ko hahayaang makakita siya noon. But I will never regret this."
"Hindi ka na ba babalik uli?" malungkot na tanong ng babae.
"I will come back. Kaya kailangan n'yong maging matatag. You need to take good care of yourself now."
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Angelica. "I'll be leaving this world soon, hijo. Mas maayos na 'yon para makapagpahinga na ako sa sakit na 'to. Kaya siguraduhin mong babalik ka... na babantayan mo si Alexa, aalagaan mo siya. Naniniwala ako na hinding-hindi mo sasaktan ang anak ko."
Ipinikit ni Frank ang mga mata ng ilang sandali para kalmahin ang sarili bago tumayo. "Kailangan ko nang umalis," sabi na lang niya.
Tumango-tango si Angelica. "Sa backdoor ka na dumaan. Huwag kang mag-alala, Frank. Hindi ako magsasalita. Kahit ito man lang ay maitulong ko sa'yo."
Gusto niyang yakapin ang babae bago umalis subalit pinigilan na ang sarili. Tumango na lamang siya at tumuloy na sa paglayo. Sisiguraduhin niyang babalik siya sa lugar na ito para makita si Alexa. Tatapusin niya ang sariling misyon para magkaroon na ng kapayapaan sa buhay...
"At sa sunod ko ngang pagbalik dito sa Pinas, ginawa ko na ang kailangan kong gawin," ani Frank. "I killed David Escartin first. Kalalabas niya lang sa opisina ng ospital na pinagtatrabahuhan niya matapos makipagtalik sa isang nurse nang dukutin ko siya. Paano ko nalaman? I set up a camera in a place he frequently went. He was a cheater, maging mga pasyente niya ay pinagnanasaan. Sumunod si Clark Lumanglas. Madali lang na dukutin siya. Mag-isa lang siya sa apartment na tinutuluyan niya. Ang asawa naman ni Lumanglas ang may affair sa iba, siguro dahil wala naman talagang halaga sa Clark na iyon ang sariling pamilya. He was a professor in a prestigious university. Hindi alam ng mga estudyante niya ang baho ng kanyang nakaraan.
"And Joey Levin? Well, he was also a cheater. Napakadali lang na papuntahin siya sa hotel na madalas nilang tagpuan ng kabit niya. I killed them in a perfect pattern," ngumisi pa si Frank, may pagmamalaki sa tinig. "Nagdesisyon lang akong madaliin na ang lahat nang makita niyo ang warehouse na hideout ko sa Port of Manila. Actually, plano ko nang tumigil noon. Pero biglang nagparamdam ang Ramon Maranan na 'yon. Bigla niyang ibinalik ang lahat ng galit at sakit sa buo kong pagkatao. Nang sabihin ni Alexa na madalas nagpupunta noon si Maranan sa bahay nila para kausapin ang hayup na si John Rodriguez at palaging may dalang pera paalis, doon ko napagtanto na marahil ay nasa kanya ang mga larawan na hinahanap ko. Ginagamit niya pang-blackmail kay Rodriguez."
Nag-igtingan ang mga bagang ni Frank. Lahat sila na nasa interrogation room ay patuloy lamang na nakikinig sa lahat ng mga sinasabi nito.
"And I guess I'm right," dugtong ng lalaki. "Nakuha n'yo kay Maranan ang mga larawan na 'yon, tama? Hanggang sa huli hindi niya sinabi sa akin kung nasaan kaya hindi na rin ako nakapagpigil at tinapos na ang buhay niya."A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...