Chapter 35
Jemimah Remington
BIGLANG bumilis ang pagtibok ng puso ni Jemimah nang makita ang nakaparadang itim na BMW sa labas ng apartment niya kinaumagahan. Nakatayo at nakasandal sa gilid ng sasakyan si Ethan, naghihintay sa kanya. Hindi niya inaasahan na susunduin siya ng binata.
Pasimple niyang inayos ang nakapusod na buhok at suot na police uniform. Humugot siya ng malalim na hininga. Sana hindi masama ang itsura niya ngayon. Hindi niya nagawang makatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa patong-patong na mga pangyayari nitong nakaraang mga araw – kasama na ang naging pag-uusap nila ni Ethan noong huling magkita, maging ang nalaman kay Marco Pulo tungkol sa Destroyer.
Inalis na muna ni Jemimah sa isipan ang tungkol sa Destroyer. Hindi puwedeng makahalata si Ethan na pinagkakainteresan niya ang kasong iyon.
Only one thing was different now.They were already dating. At tila hindi pa rin magawang ma-process ng utak ni Jemimah ang katotohanang iyon. But she never felt this kind of happiness before. Tinatakluban niyon ang lahat ng takot at pag-aalala na kanyang nararamdaman.
Humakbang na siya patungo sa kinaroroonan ni Ethan at naiilang pang binati ito. “H-hindi mo na dapat ako sinundo,” wika ni Jemimah, nararamdaman na naman ang pag-iinit ng mukha. “Kanina ka pa ba dito? Dapat kumatok ka na lang.”
Umayos ng tayo si Ethan. “Hindi naman ganoon katagal.”
Tumango-tango siya, muli na namang nakakaramdam ng pagkailang dahil sa pagtitig ng binata. He was staring at her like they haven’t seen each other for a long time.
“Let’s go,” wika ng binata bago siya pinagbuksan ng pinto ng passenger’s seat. Isasara na sana nito ang pinto nang muling magsalita. “You look good in your police uniform, by the way. Matagal ko na dapat sinabi 'yon.”
Higit na tumindi ang pamumula ng mukha ni Jemimah. Ibinaba niya ang tingin sa mga palad na nasa kandungan at pilit pinapatigil sa mabilis na tibok ng puso. Isang simpleng compliment lamang iyon, bakit sobrang lakas ang epekto sa kanya? Posibleng binobola lang siya ng lalaking ito. Napaisip si Jemimah kung maraming naging babae si Ethan noon.
Ethan had good looks, hot body, and an amazing job. Siguradong player ito noong nagsisilbi pa sa militar. Siguradong napakaraming mga babae ang napaluha. But that was the past. Ini-iling ni Jemimah ang ulo para alisin sa isipan ang ganoong mga bagay. Bakit ba siya nakakaramdam ng pagseselos? Hindi na siya dapat bumalik sa nakaraan. That would only make things in the present worse.
Hinintay niyang makapasok sa loob ng sasakyan si Ethan. “Ayos ka lang ba?” tanong pa ng binata.
Tumango si Jemimah, ang tingin ay nasa mga palad pa rin.
“May ipapakita nga pala ako sa'yo,” wika ni Ethan. Inabot nito ang cell phone na nasa compartment, may pinindot na kung ano bago ibinigay sa kanya. “Naaalala mo pa ba ang CCTV footage ng tollway na dinaanan ng sasakyan ni Levin pa-Cavite noon? Iyong ang killer ang siguradong nagmamaneho?”
Tumango si Jemimah. “What’s wrong?”
“Pinag-aralan ko ang footage na 'yan,” sagot ng binata. “Mayroon akong nakita na hindi natin napansin noon. That would settle everything. Play it and you’ll know what I mean.”
Pinindot ni Jemimah ang play button ng video at pinanood iyon. Hindi pa natatapos ay pinindot naman ni Ethan ang pause button. Tumigil ang video sa aktong iniabot ng driver ng sasakyan ni Levin ang tollway ticket sa booth. Tanging ang parteng kamay lang ng killer ang nakita doon, nakasuot ito ng itim na jacket at gloves.
Ethan zoomed the video towards the killer’s hands. And then, Jemimah noticed that the sleeve of the killer’s jacket was slightly pulled up, revealing the skin of its arm. Kumunot ang kanyang noo, pilit inaalam kung ano ang itim na kulay sa balat ng killer.
“Pinadala ko kay Theia ang screencap na 'yan para i-enhance,” wika pa ni Ethan. He swiped the phone’s screen. Lumabas doon ang enhanced photo kung saan makikita na ang itim na kulay na nasa balat ng driver ng sasakyang iyon – na siguradong ang serial killer na hinahanap nila – ay isang tattoo.
Napasinghap si Jemimah. Kilala niya kung sino ang may ganoong tattoo sa kamay, nakita niya na iyon. “Frank,” usal niya.
“This is an evidence against him,” ani Ethan, seryoso. “Pero hindi pa ito sapat. At least, we now know that Frank Rodriguez is on the top of our list. Kailangan lang nating makahanap pa ng mga ebidensya, malaman ang motibo kung bakit siya pumapatay.”
Tumingin siya sa lalaki. “Kailangan na nating mapuntahan kaagad ang sementeryo sa Bulacan. Posibleng may mahalagang bagay na nakatago doon. Posibleng wala. Pero kailangan na nating magmadali. May natitira pang isang bibiktimahin, at hindi ko rin mapapayagang saktan ng Frank na iyon si Alexa.”
Tumango lang naman si Ethan bago pinaandar ang sasakyan. Ilang oras din ang biniyahe nila patungong Bulacan. Sa loob ng mga oras na iyon, tila mas higit pang nakilala ni Jemimah ang lalaki. Sinasagot niya rin naman ang mga katanungan nito. The whole journey was never boring. Masaya siya na unti-unti nang nakikipag-communicate si Ethan. Hinihiling ni Jemimah na sana maging sa ibang mga tao ay maki-socialize na rin ito ng ayos.
Sandaling pinakatitigan ni Jemimah si Ethan. Iniimbestigahan ng lalaking ito ang kaso ng isa sa mga pinakadelikadong serial killer sa bansa. Kung maaari nga lang na tulungan ito. Pero siguradong hindi papayag ang lalaki. Kaya ang tanging magagawa na lamang ni Jemimah ay ipagdasal ang kaligtasan nito.
Pagkarating nila sa isang sementeryo sa Bulacan, agad na binuksan ni Jemimah ang ebidensyang mapa. Pumasok sila sa entrance at sinunod ang steps na nakasulat sa mapang iyon.
Napatigil siya sa paghakbang nang hawakan ni Ethan ang isa niyang kamay. Itinuro nito ang isa sa mga puntod na naroroon. Nang makalapit ay napag-alamang puntod iyon ni John Rodriguez.
“Ito ang may pinakamalaking posibilidad na bisitahin ni Ramon Maranan sa sementeryong ito,” wika ni Ethan habang nakatingin sa puntod. “Si John Rodriguez ang unang pinatay ng killer. It was a warning. Kay Rodriguez nagsimula ang lahat. Siguradong alam ni Maranan na mamamatay din siya. At nararamdaman kong dito niya tayo gustong dalhin.”
Tinitigan ni Jemimah ang puntod na nasa harap. “Kung si Frank Rodriguez nga ang killer natin, alam niya nang iniimbestigahan uli natin ang kaso ng adoptive father niya.”
“Iyon ang intensiyon ko kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol doon,” ani Ethan. “He will be worried now. And a worried killer usually makes mistakes. Kung may isa pa siyang target, siguradong magmamadali na siya ngayon.”
“Pasusubaybayan ko ang bawat kilos niya,” wika naman ni Jemimah.
Tumango-tango ang binata. “Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang nakatago sa lugar na 'to.” Tinapak-tapakan ni Ethan ang lupang naroroon. “Don’t tell me we need to dig this grave?”
Napatawa na si Jemimah. “Hindi naman siguro.” Nilapitan niya ang mga tuyong bouquet ng bulaklak na nakapatong sa puntod at naghanap din doon. Nothing.
Inabot niya ang isa sa dalawang pasong nasa gilid ng puntod. Hindi na siya nagdalawang isip at binunot ang halaman na naroroon. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Jemimah nang makita ang isang plastik na nakatago sa loob ng paso. “Ethan...” tawag niya sa binata.
Lumapit sa kanya si Ethan at kinuha ang plastik. Inilabas nito ang laman niyon at nakita nila ang mga negative films ng isang camera. “Ito na siguro ang itinatago ni Maranan.”
“There must be something important there,” ani Jemimah. “Naalala mo ba nang sabihin ni Alexa noon na tuwing pupunta si Maranan sa bahay nila ay palaging may dalang pera pag-alis? He must be blackmailing John Rodriguez with these negatives.”
“Ayos lang ba sa'yo na ipadala natin ito kay Theia? Alam niya na ang gagawin dito,” pamamaalam ni Ethan.
Tiningnan niya ang binata at ngumiti. “It’s fine.” Masaya siya na isinasama na siya ngayon ng lalaki sa desisyon. “Mas mapapabilis kapag kay Theia, hindi ba? Saka ko na lang ipapadala sa headquarters kapag nakita na natin ang mga laman ng negatives na 'yan.”
Tumango naman si Ethan. Tiningnan muna nito ang isa pang paso na naroroon para makasigurong walang laman bago nila nilisan ang lugar na iyon.A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...