Chapter 37
Jemimah Remington
“THEIA,” banggit ni Jemimah sa pangalan ng babae nang makalapit ito sa kinauupuan nilang couch. Kasalukuyan silang nagdidiscuss ng tungkol kay Frank Rodriguez sa penthouse ni Ethan.
“I-I’ve printed the photos from those negatives,” wika ni Theia sa mahinang tinig.
Kumunot ang noo niya dahil tila biglang nawala ang sigla sa mukha ng babae. Animo may nakita itong hindi karapat-dapat.
“Mga larawan iyon ng... ng mga naging biktima... at ang paggawa nila ng—” Napailing si Theia. “Tingnan n'yo na lang.”
Hindi maintindihan ni Jemimah kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba.
“Ayos ka lang ba?” narinig niyang tanong ni Mitchel kay Theia, na sinagot naman ng babae sa pamamagitan ng isang tango.
Inilapag ni Theia sa mesitang nasa harapan nila ang mga printed photos mula sa negatives na nakuha nila ni Ethan kanina. Isa-isa nitong ihinelara ang mga larawan.
Naroroon nga ang mga larawan ng mga biktima – nina Clark Lumanglas, David Escartin, Joey Levin, Ramon Maranan at John Rodriguez. Medyo may kabataan lamang ang mga ito, siguro ay nasa late twenties o early thirties. Ang ilan sa mga larawan na iyon ay kinuhanan habang abala sa gambling ang mga ito sa loob ng isang silid.
Sumunod ay mga larawan ng mga biktima habang naninigarilyo ang mga ito, napansin pa ni Jemimah na sa ibang mga larawan ay nakikita sa mesa ang mga sachet na may lamang puting polbos. Drugs, for sure. So these people were taking drugs back then.
“Prepare yourselves,” narinig nilang wika ni Theia bago inilapag sa mesita ang mga sunod na larawan.
Ganoon na lang ang pagkagulat nina Jemimah nang makita ang mga larawan ng isang batang lalaki habang ginagahasa ito. There were photos of Lumanglas, Escartin, Levin, Maranan and Rodriguez taking turns as they raped the poor boy.
Natutop ni Jemimah ang sariling bibig para pigilan ang mapaduwal dahil sa mga nakikita. Her eyes focused on that one photo where John Rodriguez was raping the boy, his dick was inside the boy’s ass. Naninigarilyo pa ito, ang mukha ay tila isang demonyong tuwang-tuwa sa ginagawa. Wala itong pakialam kahit nasasaktan o umiiyak na ang batang lalaking ginagahasa.
“I... I searched the photo of that boy in the picture sa database ng government agencies, kinompare ko sa larawan ngayon ni Frank Rodriguez and its a 100 percent match,” wika ni Theia makalipas ang ilang sandali. “The boy in that picture is... is Frank Rodriguez.”
Iniiwas ni Jemimah ang tingin sa mga larawan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Yes, mayroon nang motibo si Frank Rodriguez na patayin ang mga lalaking ito. Maaari na nila itong hulihin. Subalit hindi niya maintindihan kung bakit tila may pumipiga sa kanyang puso sa kaisipang ganito ang pinagdaanan ng lalaki sa kamay ng mga demonyong ito.
Tiningnan niya si Ethan na nakatitig pa rin sa mga larawan. Hindi ito nagsalita sa loob ng mahabang sandali. Sina Mitchel, Douglas at Paul naman ay pare-pareho pa ring kakikitaan ng pagkagulat sa mga mukha.
“Frank’s our killer, then,” narinig nilang pagbasag ni Mitchel sa katahimikan, medyo basag na ang tinig. “Halos lahat ng nakita sa mga biktima ay tumutugma sa nakikita sa larawang 'yan. The drugs, cigarettes. Obviously, gusto niyang ipapanatili ang mga 'yon sa tabi ng mga biktima. At ang tanong kung bakit niya pinutol ang mga ari ng unang tatlong biktima, nasagot na ngayon.”
“P-paano nila nagawa ang ganitong bagay sa isang bata?” Hindi makapaniwalang tanong ni Theia. “Hindi na ako magtataka kung bakit siya naghihiganti.”
Ganoon din ang naisip ni Jemimah. Pagkakita sa mga larawang iyan, naisip niya na tama lang na pinagbayaran ng mga hayup na lalaking iyon ang ginawa kay Frank noon.
“He was so young,” usal pa ni Mitchel. “Makapangyarihan si John Rodriguez noon, kaya imposibleng mabigyan ng katarungan ang ginawa kay Frank. Walang maniniwala kahit na magsumbong siya. Iyon ang nagtulak sa kanya na pumatay. He was trying to bring justice by himself.”
“Pero hindi pa rin tama ang pamamaraan niya,” singit naman ni Paul. “Hindi dapat siya pumatay. It was still against the law and he needs to receive punishment.”
“He was raped!” pasigaw na wika ni Theia. “Tinanggap lang din ng mga taong 'yan ang parusa nila.”
Kitang-kita ni Jemimah ang galit sa mukha ni Theia. Maging siya ay ganoon din ang nararamdaman. Hindi niya na napigilan na itanong sa sarili kung bakit naghahanap sila ng hustisya sa mga taong mas masahol pa sa hayup ang pag-uugali?
“Those men made Frank Rodriguez like this,” pagpapatuloy ni Theia. “Hindi sa kinakampihan ko siya pero naiintindihan ko ang galit niya, ang desisyon niya. I’ve met a lot of rape victims that was never given justice by the government. Marami ay mga bata na walang kamalay-malay. Ang mga taong 'yan ang gumawa ng isang halimaw. Isang halimaw na hindi naman nila magawang tanggapin.”
Inilipat ni Jemimah ang tingin kay Ethan na tahimik pa ring nakatitig sa mga larawan. The death of Ethan’s family was not given justice as well. Pareho lang ba ito ng nararamdaman ng Frank Rodriguez na iyon? Balang-araw ba ay magiging katulad din ito ni Frank?
Was it the reason why Mitchel said that Ethan had the tendency to become a monster? Because of the painful past that was never forgotten? Because of the justice that was never served? Hindi. Hindi maaari. Hangga’t kakayanin niya, patuloy na magiging liwanag si Jemimah sa mundo ni Ethan upang hindi ito maligaw ng landas, upang hindi sumobra ang galit at sakit na nasa puso nito.
Nangilid na ang mga luha sa mga mata ni Jemimah nang makita ang pagbaling ng tingin ni Ethan sa kinauupuan niya. Their eyes met for a long while. She could see sadness in those blue eyes, coldness. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong pagkalooban ng init para maalis ang lungkot sa puso.
Humugot ng malalim na hininga si Ethan bago nagsalita. “Issue a warrant of arrest for Frank Rodriguez,” utos nito sa seryosong tinig. Iyon lamang at tumayo na ang binata para magtungo sa kuwarto nito.
Jemimah wanted to follow him. Pero hindi puwede. Marami pa silang kailangang pag-usapan ng mga miyembro sa team. Kailangan pa nilang planuhin kung paano mahuhuli ang serial killer na si Frank Rodriguez.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...