Chapter 46
Jemimah Remington
NAPAANGAT ang tingin ni Jemimah sa katapat na silya nang maupo doon si Alexa na kanina pang hinihintay. Naroroon siya sa coffee shop na pag-aari ng kaibigan, hiniling kasi nito kanina sa text na makipagkita doon.
“Alexa,” bati niya sa kaibigan.
“Jem, I... I heard about your father,” wika ni Alexa sa mahinang tinig. “P-pasensiya ka na kung hindi man lang ako nakapagpakita noong mga panahon na 'yon.”
Umiling siya. “Naiintindihan ko, marami ka ring pinagdaraanan.”
Ilang sandaling natahimik si Alexa, nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang kanina pang hawak na necklace. “K-kailan ang... ang trial ni Frank?” tanong nito.
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat sa tanong na iyon ng kaibigan. “Pupunta ka ba? Nakapagdesisyon ka na ba sa mga gagawin mo? Magsasampa ka ba ng kaso sa kanya?” sunod-sunod na tanong niya.
Iniangat ni Alexa ang tingin, puno na ng katatagan ang mga mata. “Gusto ko siyang makausap bago ang trial. Gusto kong malaman niya na hindi ako magsasampa ng kaso.”
Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay. “Bakit? Wala bang halaga sa'yo ang pagkamatay ng iyong ama?”
May bumahid ng kalungkutan sa mga mata ng kaibigan. “I love my father, yes. But... what he did to Frank was monstrous. N-nagalit ako kay Frank, oo. S-sinaktan niya ako, oo.” Tumulo na ang mga luha nito. “Pero kung ako ang nasa posisyon niya, kung ako ang nakaranas ng ganoong klase ng paghihirap, kasamaan, posibleng ganoon din ang gawin ko.”
“He’s a monster, too, Alexa,” mariing wika ni Jemimah. “At hindi na magbabago 'yon.”
Mapait na ngumiti si Alexa. “I’m sorry for what happened to your father, Jem. Maiintindihan ko kung tatapusin mo na ang pagkakaibigan natin.” Humugot ito ng malalim na hininga. “But I love Frank. He might be a monster but that will never change my feelings for him.”
Tumango-tango si Jemimah. “Kaibigan pa rin kita, Alexa, hindi magbabago 'yon,” pagkasabi niyon ay tumayo na siya at nagpaalam.
Pagkalabas ng coffee shop, agad siyang nagtungo sa kinapaparadahan ng sasakyan kung saan naghihintay si Ethan na nagpumilit sumama sa kanya. Nagpaiwan lang ito sa labas para hindi maabala ang usapan nila ni Alexa.
Napatigil si Jemimah sa paghakbang at pinagmasdan si Ethan na nakatayo, nakasandal sa gilid ng kanyang sasakyan. Alexa chose to stay with Frank’s side despite him being a monster. Alam niyang napakahirap na desisyon iyon para sa kaibigan.
Biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi noon ni Mitchel patungkol kay Ethan. That Ethan had a tendency of becoming a monster. Hinihiling ni Jemimah na hindi iyon mangyari. Pero paano kung magkaganoon ang binata? Matatanggap niya ba ito? Mananatili pa rin ba siya sa tabi nito?
Tumigil sa pagdaloy ang isipan ni Jemimah nang lumingon sa kanya si Ethan. Their eyes met and all she could think of was the happiness she felt every time he was beside her.
Hindi. Hindi niya na magagawang lumayo sa binata. He had the tendency of becoming a monster but she could help him avoid being like that. At gagawin niya ang lahat para matulungan ito. Susuportahan niya ang binata hanggang sa abot ng makakaya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...