Chapter 50
Jemimah Remington
5 months passed...
HINDI mapakali si Jemimah sa kinauupuang silya sa loob ng isang high class restaurant sa Glorietta. Paulit-ulit niyang inaayos ang mahabang buhok at suot na black dress na hanggang tuhod ang haba. Medyo matagal na rin mula na mag-ayos siya ng ganito.
Inimbitahan siya ni Ethan na mag-dinner date at movie sa lugar na iyon kahapon. This would be their first official date outside, kaya pinaghandaan niya talaga. Sana lang ay hindi mapahiya dahil sa gayak na iyon. Masyado pa siyang napaaga sa usapan dahil sa matinding excitement.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jemimah nang masilayang pumasok sa loob ng pinto ng restaurant si Ethan. He was wearing a dark-blue button-down shirt and black pants. And he looked so dashing in that. Maayos din ang pagkakasuklay ng itim na itim na buhok nito. May hawak-hawak pang isang bouquet ng bulaklak.
Iginala ni Ethan ang tingin, mukhang nakahinga pa ito ng maluwag nang makita siya. Lumakad ito palapit kay Jemimah na agad nagrambulan ang tibok ng puso.
“Jemimah,” banggit ng binata sa kanyang pangalan nang makalapit. “Kanina ka pa bang naghihintay?” nag-aalalang tanong nito, naupo sa tapat niya.
Umiling siya. “Hindi naman. Napaaga lang talaga ang dating ko.”
Iniabot ni Ethan ang bouquet sa kanya. “H-hindi ko alam kung magugustuhan mo,” nag-aalangang wika pa ng binata, tila nahihiya.
Tinitigan ni Jemimah ang bouquet. The flowers and arrangements looked expensive. Hindi niya na maalala kung kailan huling nakatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki. “It’s beautiful,” bulong niya. “Thank you.”
Tumango naman si Ethan, hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. “You’re beautiful,” anas nito.
Pinamulahan siya ng mukha, hindi tumugon. Ilang sandali lang ay umorder na ito ng makakain nila. Habang kumakain ay patuloy lamang sila sa pagkukuwentuhan ng patungkol sa naganap nang araw na iyon.
Nothing much had happened in their headquarters. Mga simpleng murder cases lang ang hawak nila ngayon na agad din namang nareresolba.
Pagkatapos kumain, inabot ni Ethan ang isa niyang kamay na nasa mesa. “Gusto kong makilala ang mama at kapatid mong si Marky,” anito na ikinagulat ni Jemimah.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng binata. Gustong-gusto niya tuwing hinahawakan nito ang kanyang kamay. “Sigurado ka ba?” tanong pa ni Jemimah.
Itinaas ni Ethan ang magkahawak nilang mga kamay para dampian ng halik ang likod ng kanyang mga palad. “I want them to meet me as your boyfriend,” seryosong wika nito. “Iyon ay kung walang problema sa'yo.”
Hindi napigilan ni Jemimah ang mapangiti. Mahigit limang buwan na mula nang pumanaw ang kanyang papa. Sa loob ng mga buwang iyon, madalas bumibisita si Jemimah sa bahay ng pamilya para kumustahin ang mga ito. Minsan ay kasama niya ang buong team kaya nakilala na ng ina at kapatid si Ethan. Hindi pa lang nasasabi kung ano ang tunay na relasyon sa lalaki. Maging sa sariling team, hindi pa rin naipagtatapat ang tungkol doon.
“Walang problema sa akin,” sagot niya. “Hindi rin maganda na nagtatago tayo sa kanila. And... Marky seems to like being with you.” Laking pasasalamat ni Jemimah dahil nawala na rin ang galit ng kapatid sa kanya, lalo na nang madalas nitong nakakausap si Ethan.
Inabot ni Ethan ang kanyang pisngi para masuyong haplusin. “Good. Hindi ko lang kasi gustong nahihirapan kang maglihim ng tungkol sa atin.”
Nginitian ni Jemimah ang nobyo. Palagi na lamang nitong bukam-bibig ang mabuti sa kapakanan niya. She was falling for him even harder because of that.
“Manood na tayo ng movie,” aya pa ni Ethan makalipas ang ilang sandali.
Sumunod lang naman siya sa lalaki hanggang sa makalabas ng restaurant. Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay habang naglalakad. Kahit medyo naiilang sa mga sulyap na natatanggap sa ibang tao, hindi na pinag-ukulan ng pansin iyon.
Jemimah knew how hot and handsome Ethan was. Siguradong ang lalaki ang dahilan ng mga sulyap ng mga babaeng naroroon. Kahit nakakaramdam ng mumunting pagseselos, pinilit niya iyong alisin sa isipan. Siya ang girlfriend ni Ethan.
“Ano bang gusto mong panooring movie?” narinig niyang pukaw ng lalaki pagkarating sa cinema.
Tiningnan ni Jemimah ang listahan ng mga movies na showing nang gabing iyon. Some of them were romantic-comedies, pero iniisip niya na baka hindi iyon magustuhan ni Ethan. “Ano bang gusto mo?” ganting tanong niya. “Wala naman akong masyadong alam sa mga movies na 'yan.”
“Ganoon din ako,” wika ni Ethan bago ngumiti. “Itanong na lang natin sa counter kung ano ang mairerekomenda niya.”
Tumango lang naman siya. Napatigil sila sa paglakad nang masalubong si Theia. Mukhang nagulat din ang babae sa hindi inaasahang pagkakita sa kanila.
“E-Ethan,” ani Theia. “Jemimah.” Napasulyap ang babae sa magkahawak nilang mga kamay.
Tangka sanang ialis ni Jemimah ang kamay sa pagkakahawak ni Ethan pero hindi nagawa dahil ayaw pakawalan ng nobyo, sa halip ay hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya.
Nakita niya ang pagtaas ng mga labi ni Theia para sa isang ngiti. “I see,” sabi nito. “Sinabi ko na nga ba na may naaamoy akong kakaiba sa inyong dalawa.”
Iniyuko ni Jemimah ang ulo, nakakaramdam ng hiya.
“Are you two dating here?” tanong pa ng babae. “For the first time, nakita rin kita sa isang mall, Ethan.”
“Ano'ng ginagawa mo rin dito, Theia?” tanong ni Ethan. “Huwag mo sabihing mag-isa kang manonood ng sine?”
“Bakit? Masama na ba ngayong manood mag-isa?” mataray na tanong ng babae. “Don’t be too cocky just because you found a girlfriend, Ethan.”
Hindi na napigilan ni Jemimah ang mapangiti. Napaka-prangka talaga ni Theia, wala itong pakialam kahit sino ang kaharap basta masabi lamang ang naiisip.
“Hindi ko na gagambalain ang sweet moment n'yong mga love birds,” ani pa ng dalaga. “Basta, Ethan, huwag ko lang malalaman na pinaiyak mo itong si Inspector. Kahit kaibigan kita, mas kakampi pa rin ako sa kapwa ko babae.”
Tiningnan ni Jemimah si Theia na kumindat pa sa kanya bago tuluyang umalis. Ibinalik niya lang ang tingin kay Ethan nang maramdaman ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay.
“Ayos lang ba sa'yo na sabihin na sa kanila ang tungkol sa atin?” mahinang tanong ng nobyo.
Tumango siya. “Wala namang problema doon. Hindi rin maganda na naglilihim tayo sa team gayong siguradong nakakahalata na rin naman sila.”
Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Ethan. Dinampian nito ng mabilis na halik ang kanyang noo. “Sabihin mo lang sa akin kung may hindi ka nagugustuhan sa mga ginagawa ko.”
Matamis na nginitian ni Jemimah ang lalaki. “I like everything you’re doing... especially for me.”
Kumislap ang mga mata ni Ethan. Oh, how she loved watching those sparks in his blue eyes. Hindi dapat siya naa-attach ng sobra sa lalaki pero hindi naman mapigilan ang sarili. Jemimah’s feelings for Ethan was starting to deepen, more than she planned.
Pero wala namang masama doon, 'di ba? tanong ng kanyang puso. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganitong klase ng kasiyahan sa piling ng isang lalaki at hindi nais na matapos kaagad iyon dahil lamang sa mas sinusunod ang utos ng isipan kaysa sa puso. She never wanted to be with any man like she wanted to be with Ethan Maxwell. He might be dangerous but her heart wanted to remain by his side... always.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humaha...