CHAPTER TWO

320 7 2
                                        

MAE'S POV

Maebelyn Samantha de los Reyes. Mae na lang, okay? Ako lang naman yong bestfriend ni Celine. Ang kanyang bestfriend na sobrang nagmamahal sa kanya.

Ito nga ako ngayon oh, nakakatitig sa kanya. Habang siya naman, nakatitig lang sa unahan.

Kay Ma'am at don sa newcomer na kasama nya na walang iba kundi ang taong pinakamamahal nya!

Ooooopppsss.Wrong move Mae!

Well, I guess wala naman masama. Totoo naman kasing super love ni Celine si Gabs. 

Truth hurts.

Tinititigan ko pa rin si Celine ngayon habang siya nakatitig pa rin sa unahan habang ini-introduce ni Ma'am si Gabs sa klase.

Grabe speaking of klase, tingnan nyo naman yong mga classmates ko. NGANGA!  Parang mga na-starstruck. Alam nyo yun? My gosh. Sa gwapo nga naman ni Gabs, di na nakakapagtaka. Yong iba nagbubulungan habang nakatitig kay Gabs. Mga kinikilig ay!

Pero karamihan, mga napapatitig kay Gabs sabay titig kay Celine. Siguro sila talaga yong mga nakakaalam kung sino talaga si Gabs.

At si Celine naman? Parang maiiyak na gulat na gulat na pinipilit haluan ng galit yong titig nya. Grabe yong bestfriend ko. Alam ko yong nararamdaman nya. Alam kong masakit. 

Gusto ko tuloy lapitan siya at yakapin. Parang yong ginagawa ko noon. Nong mga panahong kaka-break palang nila ni Gabs. Kung nakita nyo lang si Celine non, you'll see what true love can do to a person. At talagang bumagsak si Celine non.

Pero hinding hindi ko sisihin si Gabs. Actaully di na ko nagulat na nag-trasfer siya dito. Vacation palang kasi sinabi na nya sakin yun. Huwag kayong maingay kay Celine ha. Di nya alam na may communication pa kami. Madalas pa kami magka-text at magka-chat. Kapag nalaman nya kasi yon sasabihin lang non, wag ko ng kausapin yong "GAGO" na yon.

Pero hindi ko naman magagawa yon eh. Sa two years na naging sila ni Celine, sobrang naging close na ko kay Gabs. Alam ko na sobrang love nya ang bestfriend ko. Alam kong hindi nya magagawang saktan si Celine. At alam ko na para talaga siyang binagsakan ng langit at lupa 1000000000x nong nakipag-break si Celine sa kanya.

Nakita ko lahat yon! Kasi naman habang kino-comfort ko si Celine non, kino-comfort ko din si Gabs. Naalala ko nga nong bago palang silang break, isang gabi tumawag ako kay Celine, iyak siya ng iyak, naalala pa rin nya si Gabs. Pagkatapos ng conversation namin, tumawag naman si Gabs sakin, umiiyak din. Hindi pa rin nya daw kasi matanggap.

Grabe no? Well, they expected kasi na sila na talaga.

Everything was so perfect and magical for them.

Their story seems like a fairytale.

A story that was perfectly written by God.

Pero hindi eh.

Lahat napunta sa wala.

Pano naman kasi may mga tao sa paligid na talagang sinasadyang sirain sila!

CELINE'S POV

Exclusive school to di ba. Kailan pa in-allow ng school dito ang mga wala hiya? Badtrip naman oh.

But why is he wearing our uniform? Dito siya mag-aaral? 

But how can that happened? Graduate na siya. Freshmen in college na siya. How is that....!?

Anyway, I really don't care! Ang gusto ko lang, umalis na yang ulol na yan dito. Bawal siya dito! Bawal ang manloloko dito. Bawal ang paasa! Bawal ang gago!

Teka. Eh sino ba naman ako? Ako yong nagpaloko. Ako yong umasa. Ako ang nagpagago.

Ugh! Please! Umalis ka na dito!

Tingan nyo pa, nagpapa-cute pa siya sa mga kaklase ko. Mga classmates ko naman kilig na kilig.

Hoy classmates! Wag kayo magpadala sa kagwapuhan nyan! Oo alam kong gwapo yan pero wag na kayong magpadala at magpa-uto. Kampon yan ni Satanas!

Wag...

Wag...

Wag nyo....ng...

Wag nyo ng gayahin ang gayahin ang pagkakamali ko :[

At yon ay ang....

Nain-love ako sa halimaw na yan.

An Ex-Boyfriend Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon