FLASHBACK THREE

225 5 5
                                        

..

Ang hirap mag-isip! Kasi naman tong activity namin sa Math ang hirap. Buti na lang natapos ko na. Yong mga classmates ko hindi pa tapos, wala tuloy ako maka-kwentuhan. Natulala na lang tuloy ako.

At bigla kong naisip na....

Ang bilis talaga ng panahon no?

August na agad. Mag-three months na pala kami magkakilala ni Gabs.

At ayon, nililigawan na ko.

Nililigawan na ko.

Yeah, you heard it right, Nanliligaw na si Gabs sa kin.

Hindi ko nga rin alam kung paano nangyari yun pero, basta. Bigla ko na lang siyang narinig na nagtatanong kung pwede manligaw. Actually, hindi siya nagtanong. He said it in a statement way na "Manliligaw ako sayo" Like that.

Ako naman si flirt, um-oo. Nakakaasar.

Ewan ko ba kung bakit ako um-oo. Eh hindi naman talaga ko nagpapaligaw. Tsaka hello!? ano na lang sasabihin ng mga tao pag nalaman nila na nagpapaligaw na ko eh trese anyos palang ako.

Pero ewan ko talaga! Hindi ko napigilan eh. Sobrang lakas talaga nong heartbeat ko nong sinabi niya yon at di ko talaga napigilan na pumayag. Kasi naman,

iba na talaga yong nararamdaman ko kay Gabs eh.

Imagine nyo naman, yong crush mo super bait sayo. Tapos super gentleman pa sayo, hanggang sa naging sweet, hanggan sa niligawan ka. Oh? Ikaw ba naman ang hindi magtatalon sa tuwa at kilig?

Pero bahala na. Ang importante, masaya ko. At sa tingin ko naman, masaya kami ni Gabs.

Hayyy..Gabs ano na ba tong nafe-feel ko sayo? Inlove na ba talaga ko?

Pero hindi eh!! Pwede ba yon? Ilang months palang kami magka-kilala. Hindi talaga!!

"Celine..okay ka lang?" si Julienne

Nagulat ako.. "Ha?.." -ako

"Ay nako, ano yang iniisip mo?" -Julienne

"Ini..isip? Ano ka ba Juls, wa..la ah..haha." Medyo nauutal pa ko na pinipilit tumawa

"See? Obvious naman kapag di ka nagsasabi ng totoo eh. C'mon. Spill it out" -Juls

"Uhh..Juls, nakakahiya eh.." -ako

"What?? Celine! Ano ka ba. Were friends right. Anong nakakahiya? -Juls

Sasabihin ko ba sa kanila? Nahihiya ako eh. Baka sabihin naman nila si Gabs na lang lagi iniisip ko.

Hay. Sige na nga. Friends ko naman sila eh. And I really trust them.

I was about to speak nong biglang....

"Okay pass you papers now and copy the lectures written on the board" - si Ma'am

Nagkatinginan na lang kami ni Juls. Yong "Sige mamaya na lang" look.

After ng class..inayos ko na yong gamit ko kasi dismissal na. And habang inaayos ko yong bag ko biglang...

"Uy girl, ano na ba yon?" - Biancs

"Is this something big?"-Mae

Napatingin ako sa kanila. Nakakapagtaka kasi. What are they talking about?

"Sorry girl ha. Sinabi ko kasi yong kanina. Kasi naman worried ako. Sobra kang tulala.." -Juls

Oh okay. So yon pala yon? Hmmmm. Sasabihin ko na ba sa kanila?

Maiintindihan naman siguro nila ko di ba?

Sabay-sabay kaming naglakad papunta dito sa may playground ng school kung saan merong mga benches. Wala naman masyadong tao since pag dismissal eh sa gym or hallways tumatambay ang mga students.

An Ex-Boyfriend Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon