CELINE'S POV
Nasa kwarto ko ngayon. Oomg! Omg! Gusto ko talagang tumalon sa kilig!
Hihi. Ano ba yan. Frehmen in high school pa lang ako, malandi na agad.
Eh kasi naman ang gwapo nong nakilala ko kanina.
Kasi ganito yan, nag-mall ako with some other friends. Si Rhaynne tsaka boyfriend nya si Jokko. Tapos si Trina at Yani.
Grabe habang nasa mall kami, may mga friends pala don si Jokko. Tinanong nya kami if okay lang na puntahan daw namin saglit yong friends nya. Papakilala nya din daw kami.
Pero over! Nong nakita namin sila. My gosh. Si Miguel yong isa. He's kinda cute.
Tapos..omg! omg! si Gabriel? Shet. Ang gwapo!
Yon kasi yong mga dream guy ko eh. Haha. Corny no?
Promise ang gwapo nya! Tangkad. Gwapo. Chinito. Maputi. Killer smile pa si kuya!
Pero ang mas nakakakilig pa ay, nagkausap kami!
Omg. Kasama kasi namin sila ang-uli sa mall. Grabe, kinakausap nya talaga ko! Medyo dedma nga si Trins at Yani eh. Haha! Crush din nila kasi si Gabriel. Pero sorry, ako talaga yong kinakausap.
Lord, kinikilig po ako. SOBRA!
Gusto kong tumalon ng tumalon at magsisisgaw dito!
Eh kaso di pwede. Busy ako eh.
Busy sa pakikipag-chat kay Gabriel! Ohmygash.
Alam nyo yong getting to know each other? Haha. Kami na yon! XD
Bait nya. Sana po maging boyfriend ko to! Jkjk.
Celine! Boyfriend agad? Trese anyos ka pa lang kaya.
Haha. Sabi ko nga eh. Pero sana magustuhan nya ko.
Kasi ako gustong gusto ko siya!
Celine OA ka na. Tama na.
Okay, hindi na. Kalma na ko.
Chat chat na lang with Gabriel.
Oh btw, sabi nya Gabs na lang daw itawag ko sa kanya. Fine! :]
Tetx din ako ng text kay Mae, Julienne at Biancs.
Well, they're curious. Kinukwento ko kasi sa kanila ngayon si Gabs. Lucky day ko daw kasi nakakilala ko ng gwapo. Haha! Gwapong gwapo sila eh. Syempre, na-link ko na kagad sa kanila ang fb ni Gabs.
Dami pa naming mga pinag-usapan ni Gabs. Yong tipong pang-slumbook. Haha. pati mga favorites namin napag-usapan na namin para di maubusan ng topic.
We chatted til' one am.
Omg. Grabe lang talaga!
GABS' POV
Tambay lang sa terrace namin. Laptop at cellphone.
Teka parang ang lamig na?
Anong oras na ba?
What? 12;20 am na?
Shit sanay ako magpuyat ng ganto. Kahit may pasok bukas haha!
Pero, grabe. Ganon ko na katagal ka-chat yong si Celine?
Haha. Oo ka-chat ko siya. Nakilala ko siya kanina. Friend kasi siya nong friend kong si Jokko kaya ayon.
Ka-chat ko rin kanina yong iba pang nakilala ko eh.
Kaso si Celine yong nakakuha talaga ng attention ko. Ewan ko ba.
Napa-isip din ako. ganito rin kasi yong feeling ko don sa ex ko dati. Yong unang beses kami nagkakilala. Transferee siya nong first year kami. Naging for months. Pero break din.
Tangna minahal ko yun eh. Kaso sinayang nya!
Hayaan na. Matagal na din yon, halos one year na yata.
Teka bakit don napunta usapan? Mas gusto pag-usapan si Celine! Haha.
I like her. I got attracted with her looks. And now, I'm loving her personality.
Gabs agad agad? Parang kanina lang kayo nagkakilala ah!
Ulol ka ba? Haha.
Well that's what I feel. Hindi ko naman mamadaliin eh. Malay nyo bigla ako ma-turn off. Syempre di naman ako tulad ng iba na basta kung mag-girlfriend! Hindi ako ganon no. Good boy to! ;]
Celine Isabelle Serrano?
Mas lalo akong magiging good boy nito.