CHAPTER 8

177 7 1
                                    

MARK’S POV

Mark Dizon.

17 years old.

Incoming freshemen sa college.

BSBA.

De La Salle-College of St. Benilde.

Yan, yan ako.

May 22, 2010.

Grabe, napagod ako. Ikaw ba naman ang mag ala tourist guide. Saya di ba? Haha. Masaya naman talaga yon. Sabog lang sina Karyll, promise. Hindi man namin sobrang kilala ang isa’t isa, naging masaya kami buong maghapon.

Kung nagtataka kayo kung paano kami nagkakila-kilala, well, nagstart sa min yon ni Angel. Close kami nong ate nya, si Tin. Batchmates kasi kami eh. Pero hindi kami isang school. Medyo malayo naman kasi lugar namin sa lugar nila. Mga 30 minutes na byahe din.

Nong maging friends kami ni Angel, pinakilala nya sa kin sina Karyll, hindi nya pa daw yon sobrang kilala pero sobrang bait daw kaya ayon, medyo naging friends ko din. Tapos, basta yon na yon.

Ito ko ngayon, nagco-computer. Syempre, nag-aayos na din ako ng mga requirements ko sa CSB. Lapit na ng pasukan. Tahimik na dito. Tulog na si mom, si dad wala next month pa ang uwi. Si Reese, tulog na ata. Si July, nasa kwarto na din yata.

Ay hindi, nasa tabi ko pala.

Tek. Bakit biglang nasulpot to?

Ako: Kailangan mo?

July: Ano yan?

Ako: Nagtanong ako, tanong din sagot mo. Wala to, sa Benilde to.

July: Ok.

Nanood sya ng tv, ako naman dedma lang. Tuloy lang sa ginagawa.

July: Taga manila din si Angel?

Mark: Nope. Dyan lang yan sa tooooot.

July: Taga dito din pala yon sa (probinsya nila)? Lapit lang pala.

Mark: Onga eh kita mong tropa kami nong ate non. Classmate ko ate nya sa brain train.

July: Ah okay.

Ayon, umalis na.

Tek, alam na.

Pasimple pa eh.

Magtatanong lang pala ng tungkol kay Angel!

Hahaha! Type nya? Pwede rin. Pareho pa naman silang bata.

JULY’S POV.

Sinubukan ko lang naman magtanong kay Kuya about kay Angel.

Wala lang, curiosity.

BAWAL?

Kuya: Kailangan mo?

Ang sungit.

Ako: Ano yan?

Ta-timing muna..

Kuya: Nagtanong ako, tanong din sagot mo. Wala to, sa Benilde to.

Ako: Ok.

Bwisit. Hirap magtanong.

Ito na.

Ito na talaga.

Ako: Taga manila din si Angel?

Kuya: Nope. Dyan lang yan sa tooooot.

What? Pwede ko palang puntahan?

I mean,

Malapit lang pala sya dito?

Tss. Hindi ko sya pupuntahan.

PROMISE.

Hindi ko sya type.

Sakto lang.

Curiosity lang talaga.

Naiiba kaya siya sa kanila. Tapos parang ang matured na nya.

Gusto ko lang makipag-friends. Yon lang.

Ako: Taga dito din pala yon sa (probinsya nila)? Lapit lang pala.

Mark: Onga eh kita mong tropa kami nong ate non. Classmate ko ate nya sa brain train.

Talaga? Woah.  Buhay nga naman.

Ako: Ah okay.

Yon nalang sinagot ko. Gusto ko lang naman kasi talaga magtanong tungkol don sa mga friends ni Kuya. Interesting sila lahat eh. Ang babait pa.

Wait. Bakit parang….

Tungkol lang kay Angel ang tinanong ko?

Tek.

BASAG!

Makaalis na nga lang. Tss.

An Ex-Boyfriend Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon