GABS' POV
Nandito ko sa may school garden. And as usual, ginagawa ko na naman yong araw-araw kong gawain. Sgt & arms kasi ako. Masaya kasi nga ako yong batas. Kaya lang nakakaumay din magbigay ng magbigay ng sanctions sa mga estudyante na ulit ulit na lang late. Yong ibang babae nga nagpapa-late para lang maka-encounter ako tsk
Hay nako. Sa halip na nakikipag-date ako eh wala, stuck ako dito.
Hahaha! Natawa naman ako bigla. Naalala ko kasi yong araw na dinalaw ko si Celine sa school nya..
(flashback)
3:55 pm na. Konti na lang! 5 minutes na lang..
4 mins..
3 mins..
Potek bat ang bagal ng oras?
1 min..
KRRIIIIINGGGG!
Ayon na! Bell na.
Okay see you tomorrow, class. Dont forget yong nga terms na ibinigay ko kanina. I-research nyo yan mamaya-Ma'am
Yes ma'am.."
Ako naman busy na mag ayos ng gamit. Ito kasi mga forms di pa maayos. Sanction forms to nong mga may violations. Bwiset. Ngayon parang ayaw ko na maging Sgt & Arms
Ay oo nga pala. May mga binigyan ako ng forms kanina. Eh di magco-comply yon? Tss. Badtrip! Kelangan ko na umalis...
Nagtataka kayo kung bakit atat na atat na ko umalis no? Pupunta nga kasi ako sa school no Celine, nong gf ko. Haha!
Joke. O sige na nga, nililigawan pala. Kasi naman, naisip ko na i-surprise siya ngayon. Wala lang para naman makagawa na ko ng move. Para naman umusad usad yong panliligaw ko. Sabihin naman nya nanliligaw lang ako sa text kasi yon lang communication namin pati fb.
Pagkatapos ko maayos gamit ko..
Jokko tara na! -Ako
Oh yang mga forms. Nasan na ba mga mag-cocomply ng makaalis na tayo. -Jokko
Sus! Tara na. Yaan mo na yon. Wala na tayo aabutan eh..
Wow pare ah! First time mo papabayaan ang student council responsibilities mo ah? Tsk. In-love ka na talaga tol!" -Jokko
"Ulol! Sira ulo ka talaga. Tara na nga!"
-Jokko
Tama si Jokko. Sira ulo ako minsan pero di ko pinapabayaan responsibilities ko sa student council. Di naman sa pagyayabang pero sabi nong ibang kong classmates, nanalo daw ako every year sa election hindi lang dahil gwapo ako kundi, iba talaga leadership skills ko.
Pianapalaban nga nila ko sa March eh, Internal Vice President. Pero pinag iisipan ko pa..
At ayon. Patakbo takbo kami lumabas ng school. Baka kasi bigla ako makita ni Teacher Joan eh. Yong teacher in charge sa student council. Pag nagkataon, di ako makaaalis.
Mabuti naman at wala ng nakakita samin ni Jokko paglabas namin. Malayo layo din inikot namin para wala masyadong tao. At eto paglabas namin, sakto may padaan ng bus.
Bago pa dumating yong bus, lumapit ako don sa timdahan na katabi ng school. Kinuha ko na yong dapat ko g kunin at nagpasalamat sa kanya.
"Nako iho, kung sinoman ang pagbibigyan mo nyan siguradong matutuwa siya. Kay gaganda ng mga bulaklak na ganyan!"
Sabi nong matanda sakin.
"Sana nga po eh. Salamat po!"
Pagdating namin dito sa school nila Celine, wow. Malaki pala to! First time ko dito eh. Kasi namin one hour ride din to simula samin. Mas sikat school namin kasi international school. Pero mas malaki yong sa kanila. At mas maganda.
Pagtingin ko sa relo ko.. 5:05 pm na. Medyo madami na nalabas na students. Tsk. Sana lang di pa nakalabas si Celine.
Pero sabagay, pag nagtetext naman siya at sinabi niyang kararating nya lang, minsan quarter to 6 na yon eh. Syempre dapat yong mga ganon alam ko na! Haha.
5:30 pm di pa sya nalabas. Di naman kami pwedeng pumasok. Sige Gabs antay ka lang, Konti pa..
Tong mga schoolmates ni Celine.. Masyado makatingin oh. Tsk. Gwapo eh haha!