CHAPTER THREE

307 8 3
                                    

GABS' POV

Woo. Agap ko nagising. Excited ba sa first day? Time check nga.

05:25 am.

Not bad. 7 am ang time namin so dapat umalis na ko sa bahay ng 6am. 30 minutes din kasi ang byahe papunta don sa bago kong school.

Dati kasi mga past 7 am ako gumigisng. 8 am ang class, eh napakalapit lang naman ng school ko dati dito sa min. Kaya yun, hindi harsh.

Pero okay lang yun, choice ko naman to eh. Kailangan ko mag-sacrifice. Kailangan ko na tong panindigan. Ayan, pe-prepare na ko.

7 am. Nasa harap na ko ng school. Feeling ko nga medyo late pa din ako kasi nagtatawagan na ng section.

Well, no need to know. Pupunta na lang ko sa principal. Alam ko na naman kasi section ko. Iba na yong nagpapa-request. Ni-request ko lang naman na classmates kami ni Celine, nong girlfriend ko.

Yeah she's my girlfriend kahit para sa kanya ay hindi na. Wala naman akong ginawang masama kaya hindi ko tinatanggap ang break up namin

Lakad lakad na ko papunta sa office. 

Grabe, fourth year na naman ako. Yeah, na naman. Oy di ako repeater ah! Hindi ako bagsak! Basta  may reason talaga kung bakit kailangan ko maging fourth year ulit.

 Nong matapos ako kausapin ng principal, dumating na adviser ko tapos pumunta na kami ng room. Pagkapasok namin, lahat sila...

NGANGA! Lalo na yong mga babae. Tss. Havey ang charms ko dito ah. Well, sabi naman nila, kahit saan daw ako magpunta eh talagang lahat gwapong gwapo sa kin. Hindi yun yabang ha. Galing din mismo yon sa iba :)

Pero sorry girls. Taken na ko eh HAHA!

Hinanap kagad ng mata ko si Celine. Nasan na sya????

Boooom! Ayon ang boo ko. Boo kasi talaga tawagan namin eh. Dati? Oo, pero someday talaga. Tiwala lang. Gagawin ko naman lahat maging kami lang ulit eh

Di ko maiwasan mapapatitig sa kanya. Yong iba tuloy classmates namin napatingin sa kanya. Haha. Center of attraction. Kaso inirapan nya ko eh.

She's still mad.

Sabi ni Teacher na katabi ko "Mr. Tan. Go on, since magkasunod ang surname nyo ni Ms. Serrano sa enrollment list, you'll sit beside her. We imply alphabetical seat plan here"

Syempre, lampas langit yong ngiti ko. Shit. Oppurtunity! Katabi ko si Celine! Iba na talaga pag meant to be.

Pumunta na ko sa tabi nya sabay sabing "Cel...."

Sinubukan ko lang na tawagin sya. Baka sakali.

Di nya ko pinansin. Umupo na lang ako sa tabi at inayos gamit ko. Biglang nakita ko na tumingin sya sa kin, tumingin din ako. Salubong na yong kilay nya.

Ganyan yan pag galit.

"Why are you here?" sarcastic nyang tanong. Parang surang sura na na pinlit lang ako ang sarili na kausapin ako. Labag na labag sa loob nya.

"Oh sabi kasi ni Teacher dito daw ako" Pinilit ko na lang sumagot ng casual kahit medyo hurt na ko. She's still mad at me. Celine! Kung alam mo lang, di ka nawala sa isip ko kahit 4 months na tayong break.

Di na sya nag-react don sa sinabi ko. Naasar yata lalo. Pero biglang.....

"BAKIT DITO SA TABI KO?" Nagulat ako sa sigaw nya. Ito talagang babaeng to. Minsan, oa mag-react. Pero cute nga sya pag ganon eh. Yeah, I still remember those days.

Hindi lang ako yong nagulat. Halos lahat. Napatingin pa nga sila sa min eh. May nagtanong pa nga kay Celine kung okay lang sya, tumango naman sya, nahiya siguro. Ayaw kasi nya na pinatitinginan sya ng mga tao eh. Syempre, alam ko lahat ng mga ganyang bagay. Girlfriend ko eh. 

Yong iba naman, parang napatulala lang sa min. Alam nila siguro na medyo awkward yong sitwasyon namin ni Celine ngayon. Nong kami pa kasi, syempre, nakilala ko na yong iba nyang classmates. Minsan kasi sinu-surprise ko sya dito sa school nya ng pagsundo ko sa kanya. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip na biglang sabihin ni Ma'am na.. "Ms. Serrano is there any problem? Oh by the way Mr. Tan it's time for you to introduce yourself"

Hindi naman ako mahiyain kaya tumayo na kagad ako.

Kailangan ko maging gwapo sa unahan. You know, para mapansin naman ako ni Celine. Haha. Gwapong gwapo kaya yun sakin. If I know, sya naman talaga yung unang nagka-crush sa kin eh, kasi nga naman gwapo hahaha!

"Hi classmates! I'm Stephen Gabriel Tan. 16 years old turning 17. I'm from *toooot*

Yon, after ko magsalita may nagtanong...

"How we'll call you? Can we call you Stephen?"

"No. Gabs nalang" Mabilis kong sagot. Isa lang natawag sa kin ng Stephen. Napatingin tuloy ako kay Celine. Na-gets nya kaya kung bakit nag-NO ako? Well, it's only her whom I allowed to call me with my first name. She insisted kasi na yon ang itawag nya sa kin, lalo na pag may tampo sya. Nakakahiya naman kasi yong name ko. Kaya yun, pang-ganti, yong second name nya minsan tawag ko sa kanya. Tsaka ang ganda kasi ng second name nya eh. Isabelle.

Hay. Those days. Shit.

May nagtanong ulit.

"Turning 17 ka na? Hmm. Late ka pumasok?"

Sumagot si Ma'am

"Well. Mr. Tan must be a freshemen in college now. He's one year ahead from your batch but he failed to complete the school year until March. He dropped, last January, Am I right Gabs?"

"Yes Ma'am. Dapat po nag-e-engineering na po ako ngayon eh haha" sagot ko.

Ma'am: May you tell us the reason?

"Well some confidential health problems." Sagot ko ulti.

"We respect that Gabs. Hope this year, you can finally graduate. You may now take your seat"

"Thank you Ma'am"

Pagbalik ko sa upuan ko. Nahagip ng mata ko siMae Naka-ngiti sya sa kin. Tumango naman ako sa kanya at magkasunod kaming nag-thumbs up sa isa't isa.

Alam nyo, sobrang grateful ako dyan kay Mae. Hindi porke bestfriend nya si Celine eh si Celine na ang kinampihan nyan. Naiintindihan nya kung gano ka-importante si Celine sa kin. Sya pa nga ang tumulong sa kin na makapasok ako dito. Tutulungan nya din ako para tuluyan na kong patawarin ni Celine. Puro ako Celine ano?

Sobra kasing stressed na ko simula nongcmag-break kami.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

After naming mag-break, ilang beses ako pabalik balik dito sa school nila pati sa bahay nila. Umaasa ako na magkaka-ayos din kami. Kulang na lang, lumuhod na ko sa kanya eh.

Pero wala akong nagawa. Ayaw nya kong kausapin.

Galit na galit sya sa kin. Kung dati sobra nya kong pinapahalagahan at proud sya na ako boyfriend nya, ngayon ang tingin nya sa kin ay isang sinungaling at makapal ang muka.

CELINE KUNG ALAM MO LANG......

Never ko nagawang saktan at lokohin ka.

An Ex-Boyfriend Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon