ANGEL’S POV
Todo laro na kami dito sa arcade center.
Grabe, ang adik ng mga kasama ko. Hindi ako sobrang mahilig sa mga arcade pero dahil kasama ko sila, ang-eenjoy ako sobra.
Tapos biglang…
Napatingin ako kay July.
GRABE! Naalala ko yong ginawa nya kanina. Biglaan nalang.
Hindi nga ako naka-react non eh.
Tss. July! Ano ba tong ginagawa mo sa kin?
JULY’S POV
Favorite ko talaga ditto sa mga arcade na ganito yong mga video games. Promise, magaling ako dito eh! Haha. Mayabang talaga. Masanay nalang haha!
Ang tahimik ni angel ah? Tapos tumitingin sya sa kin? Dahil ba don sa ginawa ko ka kanina? Simula kasi non, hindi na nya ko masyadong inimikan.
SORRY ANGEL!
FLASHBACK.
Dahil maingay ang barkada, saglit lang ako nakatulog. Oo nga pala, naisipan ko matulog sa balikat ni Angel, wala lang. Para naman kiligin ako kahit konti. Hindi naman siguro masama yon di ba?
Saka hindi naman sya nag-react eh. So tuloy nalang.
At nong magising ako, medyo naliliyo pa ko gawa ng naglaro nga ako ng PSP sa byahe.
Paglingon ko kay Angel, ang nakita ko lang yong cheeks nya saka yong wire ng headset sa tenga nya. Hindi pa sobrang makamulat yong mata ko sa sobrang pagkaliyo, pero titig na titig ako kay sa pisngi ni Angel, ewan ko ba. Sobrang naiisip ko lang kasi kung bakit bigla kong minahal tong tao to sa loob ng halos tatlong buwan lang.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang nilapit yong lips ko sa cheeks nya.
Tapos
Hindi ko na napigilan.
(TSUP)
SORRY ANGEL!
Nakaka-tempt kasi eh. Gusto ko sana sa lips pa kaso, bata pa ko. Mas bata ka pa sa kin. In short, bata pa tayo para don.
Tama na siguro yon.
Kinikilig na din ako eh.
Nako, magalit kaya to?
Tss. Sige, kunwari tulog na lang ulit ako.
END OF FLASHBACK.
Galit nga kaya si Angel dahil don?
Kausapin ko kaya sya tungkol don? Eh ano naman sasabihin ko? Sorry kasi hinalikan ko sya? Parang ang pangit. Kailangan makapag-sorry ako sa kanya, yong tipong hindi ko na kailangan sabihin, yong mararamdaman nalang nya. Kasi naman awkward magsabi ng sorry.Mas maganda siguro kung ipapakita ko na lang,.
Hmmmm.
Isip ka JULY!
ISIP.
BOOM! Ayun.
ANGEL’S POV
Hindi rin ako masyadong nilalapitan ni July. Hm. Bakit kaya? Connected kaya yun dun sa ginawa nya kanina? Grabe naman. Ang ewan nya ha. Sya na nga yong gumawa nun tapos, sya pa iiwas? Grabe lang.
Bahala ka na nga.
Maglalaro nalang kami nina Reese!
-Minutes later-
WOO. I loved this day na talaga. Sobrang enjoy kami eh. Mas naging close ako kay Reese. Nakilala ko din yong bestfriend nyang si Frances pati si Noneen at Lyn. Basta, kung ano ano nilaro namin.
Napagod tuloy kami.
Upo muna tapos bumili kami ng food at umupo don sa may mga bench.
Nakita ko si Karie, papalapit sa min kasama si Migs.
Kasunod nila si July..
May dalang…
Malaking bear?
JULY’S POV
Yon na lang naisip ko eh.
Tutal may mga store dito, naghanap ako ng pwedeng bilhin for her. Mahilig kasi si Angel sa mga cute stuffs. Yong tipong pag nakita nya, tapos cute para sa kanya, bibilhin nya kagad.
Kailangan maghanap ako ng cute na bagay na magugustuhan nya.
AYON! May tindahan ng mga teddy bears.
Mahilig kaya sya sa teddy bears? Tss. Sabagay, cute naman ang mga bears di ba? Ito na lang kaya?
Kaso malalaki lang yong available nila dito?
Ano kaya?
Yon, may isang cute na bear. Color black. Hindi naman sobrang laki. Sakto lang.Haha. Cute oh. Saka rear lang ang mga black na teddy bears di ba? Ito nalang?
Ako: How much po dito?
Saleslady: 1, 349 po.
Okay na din. Buti nalang may dala kong pera.
Binili ko na yong bear tapos pinalagyan ko nalang ng ribbon. Suggestion ni Karie para daw mas cute. Paglabas naming nong store, hinanap naming sila don sa may mga basketball, don sila naglalaro kanina eh.
Bakit wala sila dito?
Kanina lang kasama nya dito sina Reese ah? Nasaan na sila?
Nag-ikot ikot kami nila Migs para makita namin sila. Tss. Nasaan na?
AYON! Nakaupo sa may bench, kumakain.
Papalapit na kami tapos biglang..
Napatingin sya sa min. nakita nya kami.
Siguro naman gets nya na para sa kanya nya to di ba? Kaso bakit parang ang blangko ng expression nya? Hindi nya gusto?
Tss.
Nong makalapit na kami…..
Frances: Hello Ate Karie! Kuya Migs! Kuya Pete! Kuya July! Ang cute naman nyan, prize nyo sa arcade kanina?
Noneen: Arbor! Hindi ka naman mag-gaganyan di ba kuya July? Haha!
Hindi ko alam. Hindi ako sumagot sa kanila. Tapos bigla nalang humakbang yong mga paa ko papunta kay Angel. Tapos hindi koo alam. Bigla ko na lng inabot sa kanya yong bear.
Nakatingin lang sya. Yong tipong tingin na parang “Ano yan? Para sa kin?”
Mas inilapit ko pa yong bear sa kanya..
July: Oh.
Karie: Angel, para sayo daw yan! Yie <3
Tapos nakahinga ko ng maluwag nong nakita kong napangiti sya.
Angel: Woah. Tunay? Haha.
July: Oo nga.
Angel: Wah. Ang cute! Thank you! ;)
Ewan ko kung totoo yon ha, pero parang nanginginig yong boses nya? Ewan ko lang ha. Baka imagination ko lang.
Tapos sunod non, hawak hawak nya lang yong bear. Pinipisil pisil pa nya.
Na-love at first sight ata sya don sa bear eh?
Eh sa kin kaya?
LOL. Joke lang.
Nakakatuwa sya tingnan habang nakangiti sya.
At mas nakakatuwa kasi naiisip ako ako yong reason kung bakit sya napapangiti.
I mean, syempre, sa kin din naman galing yong bear di ba?
Grabe, ang saya ng feeling.
Sana laging ko syang mapasaya sa lahat ng gagawin ko.
SANA. ;>
