CHAPTER 10

128 6 0
                                        

REESE’S POV

JUNE 2010

Hello! Eto, pasukan na namin. Nakakatamad pa nga eh.

Saka malungkot din.

Wala na si Kuya Mark! L

Mas close kasi kami kesa kay Kuya July. Ewan ko ba.

Pero okay naman kami ni Kuya July.

Yon nga lang, mas nagkakasundo kami ni Kuya Mark.

Sa anime lang kami nagkakasundo ni Kuya July.

Nagulat nga si Angel eh.

Oo, sinabi ko kay Angel yon. Magkatext na kami. Wala lang. Hiningi ko lang number nilang lahat kay Kuya Mark. Nagulat nga ako eh, pati si Kuya July may number nila. Okay lang naman siguro yon kasi magkakakilala na din naman kami .

“Bakit?????” –Angel.

Reaction nya nong sinabi ko na mas close ako kay Kuya Mark.

Ewan ko nga ba. Mas focus kasi si Kuya July sa barkada. Pero minsan naman sa bahay, parang close kami. Ewan talaga.

Saka tumahimik yan ng konti nong nag-break sila ni Nicole.

OOOOOOPPPSSS.

SORRY KUYA JULY!

Erase erase na nga yon.

JULY’S POV

JUNIOR YEAR. Nakakatamad pumasok talaga oh. Ang agap ng GISING!

Normal na gising ko 11 am or 12.

Pag may pasok, 6:30 am.

Nakakainis.

Makikita ko din si Nicole.

Haaaaaaayyyyyy!                                           

Ma-itext na nga lang si Karie.

TO: KARIE

Best pasok ka na?

SENT.

Tss. Walang reply.

Tawagan ko nga.

RING RING RING RING……

Toot.Toot.Toot.Toot.

Ano kya ginagawa nun?

Ritual bago pumasok? Hay.

TO: MIGS

Tol, pasok ka na?

SENT.

FROM: MIGS

Oo

Ganda ng sagot no? Wag na nga.

TO: ANGEL

Uy papasok ka na?

SENT.

Oo, lagi akong nagtetext sa kanya.

Medyo close na kami.

Nahiya nga ako nong unang beses ko sya tinawagan.

Pagka-end nya kasi nong call.

Hindi ko napigil magtext sa kanya ng:

“Ang cute pala ng boses haha! Sinasabi lang. Ge. Good Night!”

Nakakahiya no?

HAHAHAHA!

Yae na tapos na eh.

Saka cute naman talaga eh.

Minsan nga, kunwari tatawag ako sa kanya na wala lang.

Pero minsan gusto ko lang marinig boses nya.

Bakit kaya?

Tapos lagi akong nagtetext sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit.

Reply agad ako pag nag-gm sya.

Gusto ko laging tinatanong kung anong ginagawa nya.

Hindi ko alam.

Pero alam ko naman na

CRUSH ko na sya eh.

Pero bakit si Razel? Crush ko din naman ah.

Bakit hindi naman ako ganito sa kanya?

Iba ba yong pagka-crush ko kay Razel at Angel?

Tss. Hirap naman mag-isip eh.

ANGEL SERRANO.

LOADING………………………………………….

Bakit kasi ang bait mo sa kin?

Bakit ba….

NAKAKAINLOVE KA?

LOVE?

Hindi ko naman masasabi na LOVE ko pa si Nicole?

Medyo masakit pa din kaso..

WALA NA NAMAN ATA AKONG FEELINGS SA KANYA EH.

Pero kay Angel yata meron.

Hindi.

MERON TALAGA!

Hindi ko palang alam kung ano.

An Ex-Boyfriend Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon