ANGEL’S POV
October 07, 2010
Hay, mabuti ang bilis ng panahon, excited na kasi ako sa sembreak. Haha. Kasi naman nakakapagod naman sa school diba? Wala naman kasing nangyayari masyado. Pero masaya naman sa classroom namin.
Kung kay July naman tsaka sa barkada, medyo lahat kami busy. Huling gala pa namin nong birthday ni Migs. Nong August 30. Haha. Pero masaya non! Swimming kasi eh, kaso di naman ako nag-swim non kasi late na ko dumating. Haha, sila sila nalang. Pero nag-enjoy pa din ako. Puro laughtrip lang kami. Tapos kilig pa kasi binigyan ako ni July non ng roses. LOL. Mas kinikilig pa nga ang barkada non kesa sa kin eh. Pero na-appreciate ko din naman yon. First time nga yon na may binigay sya sa kin eh tapos roses pa. A long stem rose. ;)
Okay. Wala lang. Ito andito na naman sa classroom, nagsasagot ng mga activities sa Math. Nakakatamad. Hindi ko naman hate ang Math, kaso feeling ko talaga, wala akong naiintindihan sa algebra. Bakit ba kasi intermediate algebra ang math ng Sophomore? Nakakainis!
(FACT: Isa sa mga pinakang-interest ni Angel ang Math, while pinaka-hate naman ito ni July. Something in common nila: Everytime nagsasagot ng mga mahahabang math problems si Angel at July, parehong tumutulo yong sipon nila tapos naliliyo. Haha! Promise, totoo yan.)
At nong lumabas teacher namin, nagulat ako kasi bigla akong kinulbit ni Robi, yong isang close friend ko na girl
Robi: Uy Ange, movie marathon tayo!
Ako: Hm. Sige!
Robi; Sa Saturday na lang ha?
Biglang dumating si Ran.
Ran: ang alin?
Robi: Movie marathon tayo kina Ange.
Ako: Ha? Sa min ba?
Robi: Sa inyo na lang, sige na please?
Ako: Okay sige na nga. Haha.
Robi: Wait lang. Uy, Trins, mag-donate ka naman ng food.
Trina: Saan?
Robi: Eh di para sa movie marathon natin sa Saturday kina Ange.
Trina: Eh talaga? Eh bakit ako?
Robi: Sus.Laki ng allowance mo ngayon, tanggi!
Trina: K. Gagawa na lang kami ng grahams ni Angel sa bahay bukas. Ha? Angel?
Angel: SURE! After classes.
Waaaahhhh, excited na ko! =)
JULY’S POV.
Classroom setting kami ngayon. Nakaka-antok.
(FACT: Super hilig talaga ni July ang matulog sa tunay na buhay. Lagi yang inaantok. Lagi yang tulog! Haha! Yan yong tipo ng tao na kakagising pa lang eh inaantok ulit. Sobrang expert din yan sa puyatan, as in. Whenever walang pasok, kahit anong oras matulog yan, kahit 4 am ng madaling araw then pinaka-maagang gising nyan kinabukasan, pag walang pasok, 10:30 am-2:00 pm. Haha. Adik no? Share)
Ayan recess na!
Anne: July saan tayo sa Saturday?
Migs: Syanga dude manlibre ka!
July; Eh wala naman akong budget ngayon, bakit ko kayo ililibre? ULOL!
Pete: Eh kasi birthday mo sa Saturday?
July: eh diba October 05 pa lang ngayon? Monday pa birthday ko.
Migs: Bulastog ka dude! 7 na ngayon, meaning bukas ay Friday October 08, tapos sa Saturday ay October 09, see? Birthday mo sa Saturday!
July: Ha?
Pete: ano ka ba July? Yong kalendaryo mo ba two days belated? Sinabi ng October 07 ngayon hindi October 05!
October 07 na ba? Ang LOL ko na naman. Nakakainis! So wala palang pasok sa birthday ko?
BOOM!
San ko kaya pwede sila i-treat?
Kasama si Angel? Haha. Syempre! =) Kaya nga ako manlilibre kasi kasama sya.
Ma-itext nga yon.
TO: ANGEL <3
Boo. Recess na namin! Inaantok ako eh.
Nga pala. Tara sa Saturday. Treat ko ang barkada. Okay? Loveu J
Gets naman nya siguro kung bakit ako manlilibre sa Saturday diba? Alam naman nya kasi kung kelan birthday ko eh.
Actually, alam ko naman hindi to magrereply eh. Bawal magdala ng cellphone sa school nila. Weird no? Ang old school. Haha. Pero kahit ganon, whenever may free time kami, nagtetext ako sa kanya kahit hindi naman sya makakareply. Wala lang. Gusto ko lang i-report sa kanya mga ginagawa ko. Feeling ko kasi committed na ko sa kanya eh. Haha! Corny ko na.
ANGEL’S POV
Wah, nakakapagod sa paaralan! LOL. Seriously, nakakapagod naman talaga diba? Deretso higa na agad ako sa bed ko. Sabay check sa phone ko.
Okay two messages unread lang, at parehong si Boo. Sya lang naman nagtetext sa kin pag class hours, bawal kasi sa school namin ang phone. Haha. Ewan ko ba.
And please, wag nyo nalang din itanong kung bakit Boo yong tawagan namin. Kasi kung sasagutin ko yan, sasakit lang ulo ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganon tawagan namin eh. Basta ride na lang kayo sa min ha? Lol.
First message:
FROM: JULY
Lunchbreak na namin.Kayo ba? Kain ka na ;)
Ssecond message:
FROM: JULY
Boo. Recess na namin! Inaantok ako eh.
Nga pala. Tara sa Saturday. Treat ko ang barkada. Okay? Loveu J
Saturday? Eh may movie marathon nga kami eh, nahihiya naman tuloy na hindi sumama kina July? Pano kaya? Sa Sunday na lang?
Ano bang date sa Sunday, baka mamaya may gagawin din ako.
October 10 ay Sunday. October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday.
October 09 ay Saturday?
OH SHIT! What the!?