CELINE'S POV
Kumakain ako ngayon. Tsk. Eh nagutom kasi ako eh.
HAHA, ka-chat ko si Biancs ngayon.
Biancs: Individual ba talaga yong project natin?
Ako: Uhh oo. Complicated din kaya kung by group yun.
Biancs: Argg. Naiinis ako, tinatamad ako manggawa!
Ako: Same here, nakaka-istorbo sa pagkain ko eh.
Biancs: Omg, you eating again? Grabe Celine, ikaw na ang mukang pagkain. Magpasalamat ka pa ngayon at hindi ka tumataba. Nako, ikaw rin! HAHA!
Magrereply na ko..sana. Kaso biglang..
Gabs: CELINEEEEEE!
What? HAHA, problem nito?Tamo bigla bigla nalang magpaparamdam ng ganyan. Ewan ko sayo Gabs! Ang kulit kulit mo.
Lalong ang cute mo tuloy para sa kin. HAHA!
Oo na, ako na ang may crush sa kanya hanggang ngayon. Kahit two weeks na kami magkakilala, di pa rin nawawala yong attraction na na-feel ko sa kanya nong first time ko siya ma-meet. Grabe, tumindi pa nga yata. Kasi naman e..
MAS NAKAKAINLOVE PAG NAKILALA MO SIYA. HAHA!
Oh my gosh, swear! Kasi nga, super bait nya, friendly, GENTLEMAN!
Anyway, back to reality. Ayon after 792191439373 years na pagpapantasya ko sa kanya, nag-reply na ko.
Ako: Oh? ;):)
Tipid ko sumagot no? Lol. Shy pa rin kasi ako sa kanya eh.
Gabs: Free ka mamaya? Sama ka kina Jokko, mall ulit. Kasama ko eh.
REALLY? Grabe, free ako ngayon! Haha. Nakakakilig shet!
Well siguro gusto nya lang makipag-hang out. In two weeks kasi na magkakilala kami, inaya na nya ko one time, sa mall din. Kasama naman sina Rhaynne at Jokko and super maghapong nag-arcade.
Speaking of that day, grabe ha. Sobrang hindi halatang adik si Gabs don. Grabe di nya talaga tinigilan yun.
FLASHBACK ~~ Yong araw na first time inaya ni Gabs si Celine sa mall at maghapon silang nag-arcade.
Yeayyy! Dami na naming tickets. Nandito kasi kami sa arcade ngayon, grabe galing namin!
LOL joke lang. Actually, si Gabs pala yong magaling. Kasi sa kanya lang naman lahat tong tickets eh. Siya lang nakakuha lahat nito. Hihi. Ang gwapo nya habang naglalaro! Omg Celine, kalma lang. Naiinlove ka na naman dyan.
Kasama naman namin sina Rhyanne, Jokko at Trins, wala si Yani eh :(
Kaso busy sila don sa kabilang side nitong arcade, ito ko, si Gabs lang ang kasama.
Omg nasolo ko siya! ano kaya pwede namin gawin? Haha. I'm just kidding. Baka sabihan nyo pa ko ng malandi. Well, siya tong nag-aya sa kin na samahan ko daw siya dito. ewan, pumayag nalang ako. Kasi naman, busy din si Jokko kay Rhaynne so yun :)
Taga-hawak nya ko ng mga tickets na nakukuha nya.
Kahit muka akong alalay, I find it cute hihi :)
Gentleman naman kasi siya eh kaya okay lang sakin :> Joke lang naman yun pati, di nya ko ginawang alalay. Natuwa lang ako sa dami ng tickets na nakuha nya eh halos 1 hour palang kami dito. Ayon, napagkatuwaan ko hawakan.
Nakatitig ako kay Gabs ngayon ng biglang tumayo siya.
Gabs: Celine, tara na? :]
Oh my gosh. Yong ngiti nya? HEAVEN! Jkjk.
