Ilang taon na ang lumipas
Ilang larawan na ang kumupas
Ilang oras na ang nasayang
Kabilang ang aking pusong nanghihinayang.
Ito na naman ako, pinagmamasdan ka kahit sa malayo.
Inaasahan na sana'y maalala mo ko.
At nagbabaka sakaling sana mahalin mo ulit ako.
Alam ko umpisa pa lang nagkamali na ako,
Mali, mali na sinaktan ko ang isang tulad mo.
Oo, alam ko. Alam ko na wala na akong karapatan magreklamo.
Magreklamo, kasi una pa lang ako na itong sumuko.
Akala ko magiging masaya ako.
Akala ko may mahahanap pakong hihigit sayo.
Wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
At wala naman akong ibang ginawa kundi sayangin ang pagmamahal mo.
Ilang beses kang nagmakaawa sa akin na wag kitang iwan.
At ilang beses ko rin na pinili kang saktan.
Ito na naman ako, pinagmamasdan ka kahit sa malayo.
Kasama ang bagong nagpapangiti sayo.
Ramdam ko na nakalimutan mo na ko.
Nakalimutan mo na lahat ng sakit na dinulot ko sayo.
Nakalimutan na ilang beses kitang niloko.
Nakalimutan na lumuhod ka sa harapan ko.
Nakalimutan mo kasi, pinatawad mo na ako.
Pero hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya?
O hindi kasi pinapakita lang nito na wala na tayong pagasa?
Oo, alam ko na ang tanga ko. sobrang tanga ko.
Bakit ba kasi di ako marunong makuntento?
Bakit ba kasi andiyan kana, naghanap pako ng iba?
Bakit ba kasi hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita.