Ito na ang simula, simula ng kwento nating dalawa.
Magsisimula ako sa umpisa, kung saan at paano kita nakilala.
Sa isang silid kung saan napakaraming tao.
Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang atensyon ko.
Dahil ba kislap ng iyong mata?
Dahil ba sa tangkad at maganda mong porma?
O dahil sa puso kong unang kita pa lang sayo nahulog na.
Nagpakilala ka, at nagsimula tayo maging magkaibigan.
Nandiyan ka tuwing ako ay nahihirapan.
Nandiyan ka tuwing may makakamit akong hindi ko inaasahan.
Nandiyan ka tuwing uuwi ako ng gabi, tapos susunduin mo ako.
Kasi diba sabi mo?
"Masamang umuwi ng gabi, lalo na ang bibinining kasing ganda mo"
Oo, alam ko na masamang dumepende sayo.
Pero hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
Ang kilos at salita mo, ay nagpapahiwatig na gusto mo ako.
Ayoko naman na magtanong sayo kung meron nga bang tayo?
Pero bakit ganito? Bakit pinapaasa moko?
Isang araw nakita kita sa may tapat ng bahay ng kaibigan ko.
Sobrang sweet niyo, kahit sino aakalain na magsyota kayo.
Ewan ko, wala naman akong karapatan pero sobrang nasaktan ako.
Kasi lahat ng pinapakita mo sa kanya, ay pinakita mo rin sakin.
Akala ko espesyal ako, yun pala isa lang rin naman akong ordinaryong tinapay na nabibili diyan sa kanto.
Isang araw naglakas loob akong magtanong sayo, na linawin kung ano nga ba tayo.
Konting konti na lang tutulo na luha ko.
Pero pinigilan ko, ayokong mag mukhang mahina lalo na sa harapan mo.
Ramdam ko sa mukha mo ang pagtataka, kung bakit kita pinatawag dito.
Ito na, hindi na ko magdadalawang isip na tanungin ka.
"Ano ba talagang meron sa ating dalawa?"
At lumabas galing sa bibig mo ang mga salitang dumurog sa puso ko.
"Ano ba naman yang mga tanong mo, edi ba magkaibigan lang naman tayo?"