Takot

147 2 0
                                    


Takot ako sa mga multo at aswang 

Takot ako sa palo ng nanay ko tuwing ako'y pinapagalitan 

Takot ako pumunta sa mga matataas na lugar 

Takot akong magising tuwing alas tres ng madaling araw 

Takot akong tumawid sa kalsada ng magisa 

Alam mo ba kung bakit ako takot? 

Takot ako kasi lahat ng ito ginagawa ko ng kasama ka 

Takot ako kasi alam kong hindi ko na kaya harapin ang takot ko 

Kasi alam kong hindi na kita kasama 

Alam ko na hindi ako dapat masayadong dumepende sayo 

Kasi sabi nga nila sinilang at nabuhay naman ako kahit wala kapa sa piling ko 

Pero bakit ngayon pakiramdam ko may kulang? 

Bakit parang sa puso ko lagi may puwang? 

Ah alam kona, ikaw pala yung kulang. 

Natatandaan ko sumakay ako sa ferris wheel 

Nahihilo ako, pero pag ikaw ang kasama ko? 

Parang kayo kong harapin ang lahat ng kinakatakutan ko sa mundo. 

Natatakot ako sa mga multo at aswang, oo.

Kasi baka saktan nila ako. 

Pero ang hindi ko alam,

Dapat pala akong mas matakot sayo. 

Kasi ikaw lang ang nagparamdam sakin ng sakit na ganito. 

Yung pinaasa mo pa ko ko na may tayo. 

Kahit hindi ka naman pala sigurado. 


Unspoken HeartbreaksWhere stories live. Discover now