Walang Tayo

186 5 0
                                    


Isa, dalawa, tatlo ng napaisip ako kung meron nga bang tayo. 

Tayo sa mundong ginawa mo, pero hindi ko alam kung nasan ako. 

Apat, Lima, Anim ng napaisip ako ng napakalalim. 

Kung dapat ko na bang aminin? 

Ang paghanga kong matagal ko ng kinikimkim. 

Alam ko na hindi ako dapat umasa. 

Kasi umpisa pa lang nilinaw mo na. 

Pero hindi ko alam, di ko mapigilan, di ko maiwasan. 

Ang tanga ko, umasa pako sayo. 

Malinaw naman na hindi mo ako gusto. 

Malinaw naman na hanggang dito lang tayo. 

Friendzoned lang naman ako sayo. 

Pero bahala na, choice ko naman umasa.

Oo, alam ko naman kung san ako lulugar. 

Dito sa tabi mo, nagpapanggap na hilaw na jowa mo. 

Pero sana ako naman yung piliin mo. 

Sana kahit minsan ako naman ipaglaban mo. 

Sana kahit minsan ako naman mahalin mo. 

Kasi kahit matapos man ang isa hanggang sampu. 

Araw araw akong magbibilang. 

Na balang araw ako naman ang piliin mo. 

Pero ano nga ba itong pinagsasasabi ko. 

Ay, wala nga palang tayo. 

Unspoken HeartbreaksWhere stories live. Discover now