Malaya

150 5 0
                                    

Una pa lang kitang nakita, sabi ko sa sarili ko ikaw na yung taong gusto kong makasama 

Sa pagtulog sa gabi at pag gising sa umaga, ikaw ang laging hanap ng aking mga mata

Walang iba, walang sila kasi sa mundong ito tayo lamang dalawa  ang para sa isa't isa 

Bahala na sila, kasi para sakin ikaw ang pinakamahalaga 

At alam mong hindi ko kaya ng wala ka

Sa bawat kantang aking naririnig, ang puso ko? tanging ikaw lang ang pinipintig

Sa tuwing gabi minamasdan ang mga kuliglig, habang hindi mapigilan ang aking kilig 

Inaalala ang mga sandali na sana tayo na lang ulit

Tuwing umaga makakasalubong ka sa kalsada

Andito parin ang kilig at kaba tuwing nakikita ka 

Andito pa rin pala sa puso ko nakalagay na mahal na mahal kita

Hindi ko pala talaga kaya, na makita kang may kasamang iba 

na makita kang masaya sa piling ng iba 

na makita ang mga ngiti mong abot hanggang sa yong mga mata  

na nakatitig lamang sa kanya 

Saan ba ko nagkulang? 

Ako ba? 

Ikaw ba? 

Baka tayong dalawa?

Baka talagang nagsawa kana saakin at hindi kana masaya 

Hanggang dumating na ang mga araw unti unti nakong nasasanay na wala ka 

Unti unti pinpaniwala ko ang sarili kong kaya kong wala ka 

Unti unti, dahana dahan sabi ko sa sarili ko 

Mahal kita pero tama na 

Kaya ngayon mahal

 Malaya kana 



Unspoken HeartbreaksWhere stories live. Discover now