Gamot

83 3 1
                                    




Nung bata ako naalala ko ayaw kong magkakaroon ng sakit kasi ayaw ko uminom ng gamot sapagkat ito ay napakapait.

Biogesic? Tempra? Bioflu? Neozep? Ambroxol?

Lahat yan natikman ko na kahit ang oregano na pinitas diyan sa kabilang kanto pampagaling daw ng ubo ay nasubukan ko na.

Ngunit ano nga ba ang mabisang gamot para sa puso kong naghahanap ng sagot kung bakit?

Iniwan ang puso ko na nalilito, nahihilo, naghihingalo kung ano nga ba tayo.

Side effects lang ba to? Teka, generic lang ata ang nabili ko.

Ilang dosage pa ba ang kailangan para ako ay matauhan? na tigilan at pigilan ang aking nararamdaman.

Sabi sa ritemed wag mahihiyang magtanong. Kaya ng tinanong ko sayo kung ano nga ba tayo. Akala ko sakit lang ang naglalaho, wow pati pala tao.

Magmula non hindi kana nagpakita. Sabi mo hindi ka pa handa. Kaya ikaw naglaho ng parang bula.

Akala ko gamot lang ang mapait at mapakla ikaw rin pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken HeartbreaksWhere stories live. Discover now