[One day later]..............
Tanong nyo kung ano nangyari nung nakaraang araw? Pwes hindi ako tinigilan ni Jimin, sobrang kulit ng loko but in a sweet way, lagi akong binibigyan ng tubig at pinupunasan din nya yung pawis ko, tangina hindi ako makatangi dahil sabi nya hahalikan daw nya ko! Balitangina! ang daming nakakapansin samin, napagkakamalan pa nga kaming couple eh may nag sabi pa nga, dinaig pa daw namin yung ikakasal sa ka sweetan, pano ba naman kasi laging naka buntot sakin kahit saan ako pumunta, buti naman nung pumunta kong Restroom hindi ako sinundan kung hindi puputulin ko talaga yung kaluluwa nya, dapat diba kikiligin ako? Hindi eh, nainis pa ko! Baket? Pinapakaelaman nya lahat ng ginagawa ko! Tapos kinukulit ako kung ano daw paborito kong bulaklak, chocolate, candy, gamit, at kung ano ano pa. Ang dami ko na ngang nasabi jan tungkol sakin, napakadaldal kasi, Mabuti naman yesterday hindi ko sya nakita tsk ewan ko dun sa gung gung nayun, so far nasa store nanaman ako kung saan kami unang nagkita, ang sabi kasi ng Cashier diba? Ngayon yung deliver non kaya pumunta ko hehe rare kasi yung kulay Green, yung mga store kasi sa korea napakadaming ibat ibang klaseng Chocolates, kaya siguro madalang lang don ang may tinda nung M&M's na mint flavor, waaahhhh naalala ko kasi kagabi nung kinain ko yun! Ang sarap! Gusto kong bumili ng marami! Hahaha hindi naman nasisira ngipin ko dahil pagkatapos kong lumamon nag tootoothbrush na kagad ako..... "Good Morning ^_^ " bati ko dun sa Cashier, "oh ma'am? Good morning din" bati din nya saka ngumiti. Lumingon ako dun sa pinaglalagyan ng M&M's pero walang nakalagay don. "Wala pa ba yung Deliver ng M&M's na mint flavor?" Tanong ko. "Ay ma'am kanikanina lang po dumating na pero may lalaki pong binili lahat. Sorry po ma'am" nung marinig ko yun napapout ako. "Sayang naman, bukas na kasi yung alis ko dito, *sigh* hindi ako makakabili non"... Sabi ko. "Sorry po talaga"... "Hindi ok lang no need to apologize"... "Salamat po ma'am"... "Oh pano? Alis na ko ah? Wala na pala yung ipinunta ko dito"... Pagkatapos nyang magpaalam umalis na ako don at dumeretso sa Beach. Bukas ng 4pm na yung start ng wedding tapos sa susunod na araw ng umaga pupunta na kami sa France. At Syempre dahil nga mayaman sila, lahat ng invited libre papunta don... Ng makarating ako sa Beach agad akong bumaba ng maipark ko yung kotse. Naglakad na ko at lumapit sa event place... Oh ha ang ganda na hehe ang galing ko talagang mag organize. "Oh? Kapag bukas dumating na yung catering dito nyo papwestuhin ha? Tapos dito naman dapat yung mga bisita hindi makagitgitan ilayo layo nyo ng koti yung nga upuan, lagyan nyo naman ng konting pagitan, oh? Yung red carpet ilatag nyo na." Daldal ko sa mga kasama kong nag aayos hehe syempre ako yung boss. ~Time Skip~ medyo hapon na at palubog na ang araw nung maperfect ang place. Pumunta ko sa harapan at inilibot ang paningin sa inayos namin. "Hays ang sarap sa pakiramdam dahil wort it ang pinaghirapan ko, ang ganda! Perfect!" Sabi ko at maglalakad na sana pero may tumawag sa pangalan ko. "Jihyeo!" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Jimin? May dala syang hindi masyado kalakihang box, "oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Ah ibibigay ko lang sana sayo to" sabi nya, sabay turo nya sa box na dala nya. "Hah? Ano yan?"... "Box malamang"... "Argh! Bakit ka nagbigay nyan at anong laman nyan?!"... "Sinabi mo kasing hindi ka nakakatulog pag di ka nakakakain ng M&M's kaya eto, binili ko na lahat yan para hindi ka na maubusan."... Napangiti naman ako "hahaha Nag abala ka pa"... "Mmm pupunta ka na ba sa Hotel?"... "Oo, para naman makapag pahinga pa ko"... "Tara na? Ako ng magbubuhat neto medyo mabigat kasi"... "Sige ba salamat ah"... "Your welcome, lets go?"... Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa kotse ko. ~Time Skip~ nakarating na kami sa Hotel at nasa tapat na ako ng Unit ko. "Akin na."... "Ako ng magpapasok, buksan mo nalang yung pinto."... "Ok, sabi mo eh kulit mo"... Sabi ko saka ko binuksan yung pinto at pumasok sumunod naman sya sakin, binuksan ko yung ilaw at ibinaba sa sofa yung bag. "Ibaba mo nalang jan yon, makakaalis ka na"... "Hindi mo manlang ba ko paiinumin ng Juice or tubig manlang?"... "Kapal ah oh sige sumunod ka dito sa kusina". Sumunod naman sya. Bubuksan ko na sana yung ref pero hinawakan ni Jimin yung kamay ko. "Jihyeo" humarap ako sakanya pero hawak parin nya yung kamay ko. Sobrang lapit na ng katawan namin at yung likod ko ay nakadikit na sa ref... "Oh? Problema mo-" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng halikan nya ko.