Part 1

0 0 0
                                    

"Miss Lee, Ngayon na po ang meeting nyo sa bago nyong Client" sabi sakin ng P.A ko. "Sige, pakihintay nalang ako sa labas saglit" lingon ko kay Min-ju sabay ngiti. "Ok  po ma'am" sabi nya saka nag bow, ang galang talaga sinabi ko na nga sakanya na ituring nalang nya ko ng normal hehe hindi ako sanay. "Sinabi ko naman sayo diba? Jihyeo nalang itawag mo sakin at saka wag mo na kong i 'po' masyadong pormal."... "Pero ma'am"... "No buts, yan ang utos ko sayo"... "Ok po- i mean ok Jihyeo"... Sya saka sya lumabas..... Isa akong Wedding Organizer dito sa Seoul South Korea matagal tagal narin naman na kong nakatira dito kasama yung Pamilya ko, nasa 3 years na pero ngayon lang ako nag hire ng P.A natatambakan na kasi ako ng trabaho eh at hindi ko na alam kung pano ko yun kakasyahin sa iisang araw lang. Si Min-ju lang ang nag apply kaya tinanggap ko na sya agad, at saka mukha naman syang mapagkakatiwalaan eh maganda sya maamo ang mukha kahit may suot na salamin, mabait din sya at medyo mahiyain pero nakakausap ko naman hehe i'm sure di magtagal nyan magiging best friend ko sya kasi lagi na nya kong kasama, pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko sa Office tumayo na ko at inayos ang damit. Nakasuot ako ng Red croptop partner with Black Ripped jeans and pink flat shoes naka curl yung mahaba kong buhok at hindi masyadong makapal ang make up. Humugot muna ko ng hininga atsaka sinabing "Ok! Trabaho na ulet!" I wear my usual smile and then took my bag swing it over my shoulder. Naglakad na ko papuntang pinto at lumabas. Nakita kong nakaupo si min-ju sa table nya nung makita nya ko agad syang tumayo at kinuha ang mga gamit nya. Nginitian ko sya bago lumakad ulit sumunod naman sya sa likod ko.
"Saan nga pala yung meeting place?" I ask...
"Sa ***** Village, sa mismong bahay po ng Client"... "Sabi ko wag mo na kong i 'po'"... "I-i'll try ma- i-i mean Jihyeo"... "Good, wahahaha"... Tumahimik nanaman sya kaya parang tanga nanaman akong tumatawa dito. Tumahimik nalang ako at taas noong naglakad, paglabas ng Building sumakay nako sa kotse syempre nag hire din ako ng Driver hehe ang pogi nga eh kung hindi lang sya naka uniform mapagkakamalang sya yung amo at ako yung alalay wahahaha. "Saan po tayo?" Tanong ni Xander as in Xander Ford (A/N: pagbigyan nyo na ko wahahaha). Sumagot naman si Min-ju na katabi lang nya sa harap. "Sa ***** Village"..."okie dokie!"...kasabay non ang pagstart nya ng makina at larga na!... Ang Hyper mya lagi nahahawa tuloy ako sakanya. ~Time Skip~ nakarating na kami sa mismong bahay kaya agad naman na kaming bumaba. Nakatayo kami sa gate at Nag doorbell na si Min-ju *ding!*dong!* ilang sandali lang ay may lumabas na isang magandang babae. Wow she look like an angel. Lumapit sya sa gate at binuksan iyon. Ngumiti sya kaya ngumiti din ako. "Ikaw yung mag oorganize sa wedding?" Tanong nya "Yup, so ikaw yung Bride?"... "Haha yeah, i'm Ellika, nice to meet you"... Abot nya ng kamay sakin tinanggap ko naman yon "I'm Jihyeo nice to meet you too ^_^ "... "Ay Pasok na kayo hehe baka nangangawit na kayo"..."ayt naku hahahha sanay na ako" sabi ko saka sya sinundan papasok sa loob ng bahay nila "salamat sa pagpunta, balita ko kasi isa ka sa magagaling na Wedding organizer. I'm sure naisingit mo lang kami sa schedule mo" sabi nya sabay tawa. "Ah hehe Hindi naman medyo maluwag luwag na yung schedule ko this month and napag isip isip ko pagkatapos nitong wedding na to magpapahinga muna ko ng one month" sabi ko habang sinusuri ang kabuuan ng bahay nila, simple lang naman yung design white and black ang theme at ang mga gamit ay malilinis lahat ni wala kang alikabok na makikita napakalinis at kahit ganon yung theme mahahalata mong puro expensive ang mga gamit halos lahat is luxury, in short simple but elegant ang house nilang future magasawa, sarap sigurong tumira sa ganito pag kasama ang mahal mo? Yung kayong dalawa lang tapos jan kayo bubuo ng pamilya? Ang cute ng ganong pamumuhay hehe sana ganito din ako in future but gusto kong dagdagan ng konting design para naman makulay. "Mmm? Maupo muna kayo, may gusto ba kayong inumin? Meryenda?" Tanong nya. "Mamaya nalang kakameryenda ko lang salamat"... Aalis na sana sya pero biglang nagsalita si Xander "ay! Ako po! Kahit Juice and pancake!"... -_- siniko naman sya sa tagiliran ni Min-ju "ano ka ba? Di ka na nahiya!"... "Sorry naman nagugutom na kasi ako, hindi ako nag meryenda kanina" naka pout nyang sabi. Hay nako xander kabaligtaran mo talaga yung makahiya.....

M & M's file #02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon