"Oh? Magkakilala na kayo?" Tanong ni Mr.park... "Y-yes dad". Sagot ni Jimin. Bakit ganon? Yung boses nya sobrang namiss ko. Pati yung mala anghel nyang mukaha? Gusto kong maiyak at mayakap sya pero hindi ako makagalaw dahil sa narealize ko. Mas nadagdagan ang sakit. Yung mga luha ko gusto ng pumatak pero kailangan kong pigilan, "Maupo na kayo ni Nana dito para pagusapan ang kasal nyo"... "Dad ano nanaman to? Hindi ba sinabi ko ng simple lang?"... "Anak hindi naman ako papayag na ikasal ang uniko iho ko ng walang kaeffort effort kaya bumaba ka na dito"... "Oo nga Jimin, lagi ka nalang jan sa kwarto mo nitong araw, dati lagi kang wala dito tapos ngayon halos di ka na lumalabas"... "Eh sa ayaw ko nga--"... "Jimin! Bumaba ka dito ngayon din!"... "Tss, ewan ko senyo"... Sabi ni Jimin saka sya dahang dahang bumaba mula sa hagdan, gulo gulo ang buhok nya at nakabusangot. Padabog syang umupo sa tabi ni Nana... ~Time Skip~ sa twing napapatingin ako kay Jimin, nanlulumo talaga ang mga tuhod ko at gustong umiyak, sino ba naman kasi ang hindi magaakalang Isa akong Wedding organizer at yung taong mahal ko ay ako mismo ang mag aayos ng kasal nya sa iba. Sobrang sakit lang, sobra talaga. Pagkatapos ng meeting agad akong umuwi samin at nagkulong sa kwarto habang umiiyak. Bukas na namin aayusin yung wedding place kaya mamaya lang aalis na kami papuntang Japan. Ngayon lang ako nakapag organize ng kasal na ganito kabilis. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko at gusto ko lang na dito nalang sa higaan at ayaw ng masaksihan pa ang sobrang kinatatakutan ko..... Ang maikasal ang mahal ko sa iba.......... Nasa Airport na kami kasabay pa talaga namin sila Jimin. Hays hindi ko alam kung papaano ako kikilos. Pakiramdam ko sobrang sikip ng paligid ko kapag nasa harapan ko lang sya. ~Time Skip~ *kring!*kring!* tunog ng Alarm ng cp ko. Tinatamad akong bumangon pero pinilit ko ang katawan ko dahil hinihintay na ko ng mga tauhan na magaayos don. I just wear Plain blue Vneck and Leggings with black sandals... Lumabas na ko sa bahay namin dito sa Japan, yeah may bahay kami dito at kasama ko sila mama at papa dahil gusto din nilang gumala dito. pumunta naman na ko sa place. Natapos ang araw at natapos narin ang pagaayos namin. Bukas ng 8am maguumpisa ang kasal, and i'm not sure kung pupunta ko, nagpaalam kasi ako kay mr. Park kung si Min-ju muna ang mag assist don kasama ang iba pang tauhan, [Kinabukasan] "anak... Gising na" may yunugyug sakin... "Mmmm"... "Alas 8 na bumangon ka na dahil i'm sure naguumpisa na ang kasal"... "Ayaw ko po ma, ayaw ko pong masaksihan na ikasal ang taong mahal ko. Huhuhu mama hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala si Jimin sa buhay ko..." Iyak ko sabay upo sa kama at yakap kay mama. "Ayaw mo talagang maikasal sya sa iba?"... "Yes ma, pero wala na kong magagawa dahil ikakasal na sya"... "Then pigilan mo"... Napahiwalay naman ako sa yakap at napatingin kay mama... "Mama a-ano pong sinasabi nyo?"... "Ayaw kong nakikitang nalulungkot ka anak, gusto kitang sumaya kasama ang mahal mo, sana pag sinabi ko to sayo anak wag kang magagalit kay mama ah?... Nung time na naaksidente ka si Jimin ang nagdala sayo sa ospital, hindi sya mapakali at naiiyak sya, sobra syang natataeanta habang nakatingin sayo, kita ko sa mata at kilos nya na sorang nagaalala sya sayo at mahal na mahal ka nya... Sa buong isang buwan na na coma ka... Araw araw at gabi gabing naka bantay sayo si Jimin. Minsan nga hindi na sya makakain. Natirinig kong sinasabi nya sayo habang natutulog ka na mahal na mahal ka nya at sinisisi nya din yung sarili nya dahil sya daw ang may kasalanan, tinanong ko sya kung baket. Sinabi nya na Pinilit lang sya na magkaroon ng relasyon dun sa Nana dahil mag business partner ang tatay nila. At kapag tumanggi si Jimin don maaaring mabuwag ang pagiging magkaibigan ng mga tatay nila kaya wala syang nagawa ng takutin sya ng daddy nya na guguluhin ang buhay mo. Sinavi nya sakin na wag na daw sabihin sayo to dahil ayaw nya daw masaktan ka pa." Napatulala nalang ako at parang biglang nawala lahat ng galit ko sakanya at gusto ko na syang makayakap. "Mama! Maraming salamat sa sinabi mo! Pipigilan ko na yung kasal!" Wala ng bihis bihis! Tayo agad! Kinuha ko ang jacket ko at sinuot yun. "Magiingat ka anak! Goodluck!"... "Your the best ma! I love you!" Sigaw ko at nagmadaling tumakabo. Malapit lapit naman dito yung pagkakasalan... Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil. Mas higit nya kong mahal, pero sana hindi pa huli ang lahat, agad akong pumasok sa simbahan sabay sabing "ITIGIL ANG KASAL!"