Chapter 4

28.4K 817 37
                                    

PAGGISING ni Anisa kinabukasan ay agad siyang pumasok ng banyo bago siya lumabas ng kwarto niya. Hindi na rin niya nakita doon si Kurt maging mga damit nito.

"Umalis nga." Naisatinig nito. "Pinapaalis mo nga kagabi tapus sasabihin mong umalis nga." Sita ng isip niya sa kanya.

"Sinabihan ko kayang magstay siya. Pero umalis parin." Giit naman ng kabila niyang isip. "Oo, nga naman." Segunda naman ng isa niyang isip. Kaya napailing na lang siya. Dahil ang aga ay nagtatalo na naman ang isip niya. Tutuloy na sana siya sa kusina ng marinig niya ang door bell. Agad naman niya itong pinagbuksan.

"Yes?"

"Anisa Madelyn Laurente?" Tanong naman ng lalaking napagbuksan niya. "Yes! May I help you?" Tanong niya dito.

"Flower delivery for you." Sagot nito sabay abot niya sa kanya nang bouquet ng bulaklak. "Thank you." Agad rin naman umalis ang naghatid ng bulaklak sa kanya ng matanggap niya ito. Kaya muli niyang isinara ang pinto.

Good morning. Don't forget to eat your breakfast. See you later.

-Kurt

Basa niya sa note na nakaipit sa bulaklak. Napangiti niyang sinamyo ang amoy ng bulaklak. Aalis na sana siya sa kinatatayuan niya ng tumunog ulit ang door bell. Sa pag-aakalang si Kurt ito ay agad niya itong pinagbuksan. Ngunit isang delivery boy ulit ang napagbuksan niya kaya nawala ang ngiti niya sa labi.

"Masamang umasa kasi Anisa." Sita niya sa sarili.

"Food delivery for Miss Anisa Madelyn Laurente." Basa ng lalaki sa hawak niyang papel. "I'm Anisa." Anito. Kaya agad inabot ng lalaki ang hawak niyang box kay Anisa.

"Thank you." Pasalamat naman niya dito.

"Your welcome ma'am." Agad rin naman umalis ang delivery boy. Kaya muli niyang isinara ang pinto at saka siya tumuloy sa kusina.

Agad niyang inilapag sa mesa ang bulaklak na hawak niya at box bago niya ito binuksan.

Eat your breakfast. Don't be late with your class.

-Kurt

Basa na naman niya sa note na nasa loob ng box. "Ang weird talaga ng lalaking yun." Naiiling nitong aniya. At dahil masarap ang pagkain na pinahatid ni Kurt ay agad niya itong sinimulang kainin.

"Hmmp. Tataba ako nito kung iispoild mo ako ng ganito Monte Silva. Kaya please lang wag mo ako sanayin baka masanay ako at hahanap-hanapin ko." Anitong parang kaharap niya lang binata habang kumakain siya.

"Um. Paano kaya nalaman ng lalaking iyon ang gusto ko?" Tanong nito habang ngumunguya. Maya't maya ay napangiti ito.

Matapus niyang kumain ay agad niyang iniligpit ang pinagkainan niya. Agad niyang inilagay sa flower vase ang bulaklak at nilagyan niya ito ng tubig. Ang pagkain namang hindi niya naubos kainin ay inilagay na lang niya ito sa ref bago siya bumalik sa kwarto niya para maligo.

Matapus niyang maligo ay agad siyang nagbihis saka niya inayos ang mga gamit niyang dadalhin sa pagpasok niya sa university. Ng masiguro niya ang mga gamit ay saka siya nag-ayos.

A couple of minutes ng matapus siyang mag-ayos. Ng masipat niya ang sarili sa harap ng salamin ay agad siyang napangiti. Agad niyang sinuot ang shoes niya bago niya dinampot ang daldalhin niyang bag.

Nang maisara niya ang apartment niya ay agad siyang naglakad patungo sa elevetor. "Anisa where is your boyfriend?" Tanong ng kapareho niya nang flat ng apartment. "And why your asking?" Mataray niyang tanong dito. Nagpapahalata lang kasing naglalaway ang mga ito kay Kurt.

Someday You Will Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon