Rated SPG:Panutbay ng kaldero ang inyong isipin bago bumukaka.
.
.
.
MULA ng makabalik nga ng Australia sina Kurt at Anisa ay bantay sarado ang binata sa dalaga. Pinag-iisipan rin niya dito kung paano siya magtatapat ng totoo niyang feeling para dito. Dahil gusto niyang pormal na maging nobya ang dalaga. Kaya ng makaisip siya ng paraan kung paano siya magtatapat dito ay agad niya itong isinagawa."Nasaan ang boyfriend mo?" Tanong agad ni Eric kay Anisa. "Nasa bahay. Masama ang pakiramdam. Kaya nagmamadali ako ngayon na makauwi." Sagot nito.
"Ah! Sige, halika at ihahatid na lang kita pauwi." Alok dito ni Eric. "Are you sure?" Paninugurado naman nito.
"Um. Yes. Kesa naman iba ang maghatid sayo. Baka pag nalaman ng boyfriend mo e madamay akong mabasagan ng balls." Ang natatawa nitong palusot. Muntik na kasi siyang madulas. Sa katunayan kasi ay pinakiusapan ito ni Kurt na kung pwede ay ito ang maghatid kay Anisa pauwi. Wala kasing tiwala sa iba si Kurt mula ng nangyari noon sa dalaga. At dahil mubuting kaibigan si Eric ay pinagkakatiwalaan ito ni Kurt.
"Okay! Sinabi mo e." Anito. Kaya agad itong ipinagbukas ni Eric ng sasakyan.
Agad ngang hinatid ni Eric si Anisa sa tinutuloyan nitong apartment.
"Pakikumusta muna lang ako kay Monte Silva. Pakisabi na pagalingin niya ang itlog niyang sumasakit." Ani Eric na natatawa. Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Anisa dahil agad niyang pinaharurot ang sasakyan.
"What? Ano ang pinagsasabi nun?" Kinakabahan nitong naitanong. At dahil walang makakasagot ng tanong niya ay nagmadali siyang pumasok sa elevetor paakyat sa flat nila.
Dali-dali niyang binuksan ang apartment niya. Pagkasara lang niya ng pinto ay agad siyang pumasok sa mismong kwarto niya. "Kurt." Tawag nito sa binata. Ngunit hindi ito sumagot. Kaya agad niyang binuksan ang ilaw at doon bumungad sa kanya ang loob ng silid.
"K-kurt."
Napatakip agad siya ng bibig sa nakita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Baby."
"Anong ibig sabihin nito?" Anito kay Kurt. Napakamot naman ito ng ulo. "Ano kasi---
Tila hindi nito alam kung paano magsasalita.
"Um. Alam mo na gusto kita noon pa right?" Agad naman tumango si Anisa. "Actually. Hindi lang kita gusto. Pero hindi lang ako sigurado. Sinabi ko noon na sana someday you will love me. At kapag dumating ang araw na yun ay hindi muna ako aawayin pa. Pero ng magcollege kana ay nawalan na ako ng balita tungkol sayo. Hindi ko alam na nandito ka lang pala. Kaya nawalan na ako ng pag-asa na magkikita ulit tayo." Ang nahihiya nitong pagkwekwento kay Anisa.
"I thought I forgot about you. But I was wrong. Hindi pa pala kita nakakalimutan. Kaya ipinahanap agad kita kay Spade ng malaman kung nandito ka sa Australia." Pag-amin nito.
"Okay. Wag muna pahabain pa pagkwekwento mo. Sabihin muna lang kung bakit mo ito ginawa. Ang lahat nito." Ani Anisa. At sa kaloob-looban niya ay napakasaya.
"D-dahil.....mahal kita."
"Paki-ulit nga." Anito. "Dahil mahal kita Anisa Madelyn Laurente." Pag-uulit nito. "At natatakot akong mawala ka sa akin. Kaya sinasabi ko sayo hindi-hindi kana makakawala pa sa akin. Dahil kahit saan ka magpunta ay ipapahanap parin kita." Seryoso nitong aniya. Kaya hindi na napigilan ni Anisa ang sinusupil niyang mga ngiti.
"My God. Saan naman ako pupunta aber. After mo akong halayin. Gusto mong lumubo ang tiyan kung walang ama. At isa pa sa tingin mo hahayaan din kitang makipaglandian sa ibang babae. Puputulin ko talaga yang matulis mong kaibigan." Sagot dito ni Anisa. Napakamot naman ito ng ulo.
BINABASA MO ANG
Someday You Will Love Me(Completed)
RomanceLysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."