AGAD ngang pumunta sina Kurt sa concert ni Austin. At lahat ng mga kaibigan niya ay nandoon din. Ngunit kahit nakaupo ito ay wala sa concert ni Austin ang isip niya kundi kay Anisa. Nag-aalala talaga siya para dito. Kaya kung pwede lang niya hilain ang oras matapus lang ang concert ni Austin ay ginawa na niya.
"Bro, are you okay?" Tanong ni JB sa kanya. "Huh?" Gulat nitong sagot.
"Geez. Tinatanong kita kung okay ka lang? Ang layo atah ng isip mo." Ang naiiling na ani JB sa kanya. "Gusto ko nang matapus itong concert ni Martinez. Dahil gusto kung makabalik agad ng Australia." Sagot naman nito.
"Why?"
"Dahil hindi ako nakapagpaalam kay Anisa. Iniwan ko siyang natutulog. Hindi ko na kasi siya ginising pa." Anito sabay hinga ng malalim. Tinapik naman siya ni JB sa balikat.
SAMANTALA akala ni Anisa ay mga tanghaling tapat ay nasa Pilipinas na siya. Ngunit nagkamali siya dahil nadilay ang flight niya ng ilang oras. Kaya ng umabot siya ng Pilipinas ay hapon na. At kung pwede lang niyang hilingin na sana ay maihiga na niya ang katawan ay hiniling na niya. Dahil masama talaga ang pakiramdam niya.
Kakalabas lang nila ng diparture area ng makita niya ang nasa screen ng TV sa loob ng airport. Dahil sa nakita niya ay agad siyang nagmessage kay Mizzy.
"Hey! Nasaan ka ngayon?" Text niya dito. "On the way sa MAV restaurant. Kakalabas lang kasi namin mula sa panonood ng concert ni Austin." Sagot naman nito.
"Teka. Nasaan ka ba?" Sunod na text message ni Mizzy sa kanya. "Kakalabas ko lang dito sa airport." Sagot naman niya.
"Great. Pumunta ka na lang sa MAV restaurant. Hihintayin kita doon. At kasama namin si Kurt." Reply sa kanya ni Mizzy. "Okay. Sige. Pero wag mo sabihin sa jowa mo at sa kanya." Anito.
"Sure. Sige magkita na lang tayo doon." Anito.
Hindi na nagtext pa si Anisa. Dahil ibinalik na lang niya ang tawagan sa bag niya. Agad siyang kumuha ng taxi at sinabi nito kung saan niya gustong magpahatid.
Ilang minuto rin ang naging byahe ng sinasakyan niyang taxi ng huminto ito sa tapat ng isang restaurant. MAV RESTAURANT. Basa niya sa pangalang nakasulat dito. Kaya agad siyang nagbayad sa taxi driver bago siya bumaba.
Nanginginig ang tuhod niyang naglakad papasok sa loob ng restaurant. Nanlalamig narin ang mga kamay niya at katawan pero pinilit parin niyang maglakad. Pagpasok pa lang niya sa loob ng restaurant ay lahat atah ng mata sa loob ay natuon sa kanya.
"Yes! Miss?"
Tanong agad sa kanya ng isang lalaki.
"I'm looking for Kurt Monte Silva." Anito at ang lahat naman ay napatingin kay Kurt na biglang napakamot ng ulo.
Nang makita niya si Kurt ay gusto niya itong sugurin. Naiinis talaga siya sa binata na iwan. Kaya agad siyang lumapit dito at agad naman itong napatayo sa kinauupoan niya.
"Ikaw bweset kang lalaki ka. Anong ginawa mo ha. Putragis kang Unggoy ka." Sigaw nito kay Kurt na pinipigilan lang niyang wag tumulo ang mga luha niya.
"Look, magpapaliwanag ako sayo. So, please calm down." Agad na sagot ni Kurt sa kanya.
"Paano ako kakalma ha? Bweset ka talaga. Akala mo hindi ko alam ang ginawa mo. Humanda ka at makikita mo kapag nabuntis mo ako. After mong manggapang ay tinakbuhan mo naman ako at hindi man lang nagpaliwanag." Anito sabay sabunot niya sa buhok ni Kurt. Sa narinig naman ng mga taong naroon ay mas lalong napatanga sa kanila.
"Baby, enaugh." Awat dito ni Kurt. At dahil mas malaki ang katawan ni Kurt ay hindi nakapalag si Anisa ng hawakan na niya ang dalawang kamay nito.
"Hindi kita tinakbuhan. Kinailangan ko lang umuwi agad dahil binantaan ako ni Martinez na kapag hindi ako dumating sa concert niya ay sisingilin niya ako ng fifty pesos." Katweran nito sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Someday You Will Love Me(Completed)
RomanceLysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."