AFTER ng graduation nila Anisa ay agad nga nilang hinanda ang mga gamit nila sa pagsakay ng Monte Silva cruise. Ang lahat rin ng gamit ni Anisa sa condo unit niya ay ipinaligpit lahat ni Kurt. Pinadala niya ito sa barko niyang kakadaong lang sa Australia. Ang mga magulang nila ay hindi na sumama ang mga ito sa kanila. Matapus kasi nilang dumalo sa graduation ni Anisa ay agad din silang bumalik ng Pilipinas.
"Are you ready?" Tanong ni Kurt sa nobya. Kakasakay lang nila sa sasakyang maghahatid sa kanila kung saan nakadaong ang Monte Silva Cruise. "Uhm. I'm ready." Nakangiti nitong sagot.
Malayo pa lang sila sa pantalan ay tanaw na ni Anisa ang malaking barko na meron malaking litra na nakasulat; MONTE SILVA CRUISE.
Pagkamangha ang makikita mo sa mukha ni Anisa habang papalapit sila ng papalapit sa barko ng nobyo. Hindi niya akalain na makakalapit siya dito at makakasakay. Nakita lang kasi niya ito sa magazine. Kaya hindi niya inaasahan ang laki nito sa personal.
Pagkahinto ng sasakyang sinakyan nila ay maingat na inalalayan ni Kurt si Anisa na makalabas ng sasakyan.
"Wow! Hubby, ang laki pala nitong barko mo. Ito ba ng pinakamalaki sa lahat?" Tanong nitong kinangiti ni Kurt. "Um. Ito ang pinakamalaki baby. And this one is your." Sagot nitong kinalingon ni Anisa. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Kung ano ang sa akin ay sayo narin baby. Always remember that." Paliwanag naman nito. "Thank you, hubby." Nakangiti itong yumakap kay Kurt.
"Shall we?" Anito at agad naman tumango si Anisa. Agad na ipinulupot ni Kurt ang kamay niya sa baywang ng nobya bago niya ito inakay papasok sa loob ng Monte Silva Cruise.
"WELCOME AT MONTE SILVA CRUISE MISS LAURENTE"
Yun ang bumungad sa kanila sa loob. Napailing na lang si Kurt sa kabaliwan ng mga ito. At sigurado siyang si Jackson ang pasimuno nito.
"Thank you." Pasalamat ni Anisa sa mga ito habang nakahawak siya sa tiyan niya.
"Congrats boss, mababawasan na ang mga f*ckboys." Ang nakangising ani Jackson. "Baka gusto mong ihulog kita dito sa barko." Pambabanta dito ni Kurt.
"Walang ganun, nagmana lang naman ako sayo." Anitong natatawa. "Okay! Everyone, ang boss nating f*ckboy ay binata na ngayon. Malapit narin tumanda dahil nakabuo na." Ani Jackson na hinanda na niya ng sarili sa pagtakbo.
"Gago, ka talaga. Invited nga pala ang pinsan ni Anny na sumakay dito. Kaya ihanda muna ang sarili mo." Pananakot dito ni Kurt. "Okay lang, magleleave naman ako." Mabilis nitong sagot.
"Tangina mo, napakaduwag mo." Ani Kurt. "Kung ikaw kaya ang magpagulpi doon." Sagot naman nito. Kaya nagkatinginan sina Kurt at Anisa.
"So, nagkita na kayo. Umamin ka." Ani Anisa naman dito na kinakamot nito ng ulo. "Yeah!" Kakamot-kamot nitong sagot na kinatawa nilang dalawa.
"Tangina mo." Ang naiiling na ani Kurt. "Baby, let's go. Kailangan mong magpahinga." Akay ni Kurt sa nobya. Agad naman itong nagpatianod sa kanya.
Pagbukas ni Kurt ng magiging kwarto nila ay napaawang agad ang mga labi ng dalaga sa nakita. "Wow! Parang nasa luxurious hotel lang tayo." Anito habang nakatingin sa paligid nila. Kumpleto kasi ang loob ng silid parang nasa isang mamahaling hotel room ka lang kung titingnan.
"You like it?" Tanong sa kanya ni Kurt. "Oo, ang ganda. At mukhang marerelax ako dito." Anito sabay upo niya sa couch. Agad namang binuksan ni Kurt ang ref na naroon at ikinuha niya ng fresh juice ang nobya.
"Ipinalinis mo ba 'to?" Maya ay tanong dito ni Anisa. "Um. Oo, naman." Sagot nito.
"Good. Dahil alam kung marami kang kinama dito na babae." Taas kilay nitong aniya na kinakamot ni Kurt. "Noon lang ako maluko, dahil seryoso na ako ngayon sayo at sa magiging baby natin." Malambing nitong aniya sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa tiyan ni Anisa.
BINABASA MO ANG
Someday You Will Love Me(Completed)
RomantizmLysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."