Chapter 22

21.4K 690 37
                                    

MATAPUS ang kasal nila Yugene at Aslea Dennisse ay hindi na sumama pa sa paglalayag sa karagatan sina Kurt at Anisa. Malaki na kasi ang tiyan ni Anisa kaya gusto ni Kurt na malapit lang sila sa hospital. Kaya naman ipinaayos niya ang bahay niya sa pag-aari nilang magkakaibigan na subdivision.

"Hubby, bahay mo 'to?" Manghang tanong ni Anisa kay Kurt. "Bahay natin." Pagtatama naman dito ni Kurt.

"Um. So, dito na ba tayo titira?" Nakangiti nitong tanong. "Yes, Baby. Dahil mas malapit ang hospital dito." Sagot naman nitong kinatango ni Anisa.

Agad na ipinulupot ni Anisa ang isa niyang kamay sa braso ni Kurt habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa tiyan niya. Panabay silang pumasok sa loob ng malaking bahay at nangingilislap ang mga mata ni Anisa sa nakikita. Ang desinyo ng kabahayan ay parang desinyo lang din ng barko ni Kurt. Maging ang mga furniture nito ay kagaya sa mga furniture sa Monte Silva Cruise.

"So. What you think, baby?" Tanong nito ng balingan niya si Anisa. "I like it. Ang ganda." Ang sagot nitong wala kay Kurt ang atensyon dahil abala ang mata niya sa pagtingin sa paligid.

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Napangiti nitong turan sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Anisa mula sa likod. "Welcome home, ma'am, sir." Boses na pumukaw sa kanila. Panabay silang napalingon dito.

"Thank you, Manang. Baby, sila ang makakasama natin dito sa bahay." Ani Kurt.

"Hello po." Masaya namang baling niya sa mga ito. "Kumusta po kayong lahat?" Nakangiti niyang tanong sa mga ito.

"Ayos lang po, ma'am. At masaya po kaming makakasama na namin kayo dito sa bahay." Anang sa tingin ni Anisa ay nakakatanda sa mga kasambahay nila.

"Malapit na po kasi lumabas itong itinanim ng asawa ko. Kaya kailangan daw namin magstay dito. Mas malapit daw kasi sa hospital. Wala atah tiwala sa clinic sa barko niya." Ngingiti-ngiti nitong aniya.

"Mas mabuti nga po yung dito kayo, Ma'am. Isa pa po, mas kumpleto ang kagamitan sa hospital." Anito kay Anisa na sinang ayunan ni Kurt. Napailing na lang ang nakangiting si Anisa.

"Hello everyone," bigla naman itong natigilan ng makita niya si Anisa at Kurt sabay kamot niya ng ulo. "Sorry, po." Agad nitong paghingi ng paumanhin.

"Nakakahiya ka talaga. Pasensya na po kayo sir Kurt." Saad naman ng kasama nito. "No, it's okay. May problema ba?" Kunot noo namang tanong sa mga ito ni Kurt.

"Wala naman po, sir. Ginagala lang po namin itong si Reid. Busy po kasi sa opisina sina sir Renan at ma'am Sheryn." Sagot nila. Doon lang napansin ng dalawa ang tulak-tulak ng isang troller.

Agad namang nilapitan ito ni Anisa. "Hello, honey." Ani Anisa kay baby Reid. Agad naman itinaas nito ang dalawang mga kamay at kinampay niya ang mga paa. Kaya agad itong kinuha ni Anisa.

"Ang cute-cute mo." Nanggigil na ani Anisa. "Hey, little Trinidad." Saad naman dito ni Kurt sabay gulo niya sa buhok ni baby Reid na agad tumawa. Napangiti na lang si Kurt ng abutin nito ang mukha niya.

Agad na inakay ni Kurt sa couch ang asawa upang makaupo ito. Sayang saya naman si Anisa na nasa kandungan niya si baby Reid.

"Titoooo." Muli silang napatingin sa pinagmulan ng tinig. At doon lahat sila ay natawa ng makita nila si Asher Jade. "Nagpaalam po ako tito." Paliwanag nito agad.

"Buti hindi ka naligaw." Anang isa sa kasambahay nila Renan. "Ate, meron naman po akong bike. Tapus, big na ako." May pagmamalaki nitong aniya.

"That's my boy." Proud namang ani Kurt dito.

"Baby Reid." Agad itong lumapit at hinawakan niya ang isang kamay ni baby Reid bago siya humalik sa pisngi ni Anisa. "Tita, paglabas ni baby Kai ay ganito rin siya kaliit. Diba po." Anitong nakatingin sa mukha ni baby Reid na nilalaro ang kamay. Hindi pa ito naka one year old pero kung titingnan mo ito ay daig pa niya ang one year old na. Parang ang bilis kasi nito lumaki.

Someday You Will Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon