GAYA ng sabi ni Kurt sa nobya ay dinala nga niya ito sa upper deck ng Monte Silva Cruise. Halos manlaki ang mga mata niya sa bumungad sa kanila. Daig pa nito ang nasa isang resort sila sa nakikita niya. Makikita mo kasi ang tatlong magkaibang size ng swimming pool naroon. At hindi lang iyon ang umagaw pansin sa mga mata ni Anisa kundi ang artificial falls na naroon. At hindi rin niya akalain na marami ang sakay ng barko.
"Oh! My God. Hubby, nasa barko mo ba talaga tayo o nasa isang resort tayo?" Paniniguro nito sa nobyo sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Kurt. Natawa naman ng mahina si Kurt dahil sa tinuran ng nobya.
"Silly. Of course nasa Monte Silva Cruise tayo." Sagot nito.
"Akala ko ang room lang natin ang magpapawow sa akin. Mali pala ako, dahil pati itong sinasabi mong upper deck ng barko mo. Parang nasa palawan lang tayo." Anito kay Kurt.
"Baby, maupo ka muna." Ani Kurt kay Anisa ng makita niya ang bakanteng upoang naroon.
"Good afternoon, ma'am, sir. Ano po ang gusto niyong inumin?" Tanong ng waiter na lumapit sa kanila.
"Wine for me and fresh juice for your ma'am." Sagot niya dito. Agad naman itong tumalima.
"Hi! Handsome. How are you?" Tanong ng babaeng nakaswim suit kay Kurt. "I'm good." Sagot niya dito sabay hawak niya sa kamay ni Anisa.
"She is---
---girlfriend. And were having a baby." Putol ni Anisa sa sasabihin nito. "Oh! Congrats in a both of you." Saad naman nito.
Agad din naman umalis ang babae. Samantalang si Anisa ay magkasalubong parin ang mga kilay nito.
"Baby." Tawag nito sa nobya. "Baka gusto nun ihulog dito." Mahina nitong aniya kay Kurt. Ng dumating ang inumin nila ay agad itong sinimulang inumin ni Anisa dahil biglang uminit ang ulo niya.
"Mr. Monte Silva. It's good to see you here." Boses naman ng isang lalaki. "Mr. Rios. How are you?" Agad na kinamayan ni Kurt ang lalaki.
"I'm good." Nakangiti naman nitong sagot. "My girlfriend by the way, Anisa Laurente. Baby, si Mr. Rios. Isang Filipino-Mixican business man." Pakilala nito sa dalawa.
"Nice to met you, Mr. Rios." Nakangiting ani Anisa sa ginoo. "It's my pleasure to met you too, hija. How are you?" Anito kay Anisa.
"Okay lang po." Sagot niya dito. "Oh! Siya, maiwan ko muna kayo at magpapahinga lang ako sa loob." Paalam nito sa dalawa.
"Baby, are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Kurt sa nobya. "Um. Medyo nanakit ang binti ko." Sagot nito sabay galaw niya ng mga paa.
Agad naman umalis sa kinauupoan niya si Kurt at yumukod ito sa harapan ng nobya. "A-anong gagawin mo?" Gulat na tanong dito ni Anisa. Sa halip na sagutin ito ni Kurt ay agad niyang kinuha ang isang binti ng nobya at ipinatong niya sa isa niyang hita.
Maingat na minasahe ni Kurt ang binti ni Anisa. Kaya habang minanasahe ni Kurt ang binti niya ay hinahaplos naman nito ang halata na ang umbok na tiyan.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng isang ginang na nakaupo malapit sa kanila. Ang mga kasama naman nitong mga babae ay kita ang pagtaas ng kilay ng mga ito.
"Nanakit po ang mga binti ko." Siya na ang sumagot dito. "Oh! Bakit hindi mo ipamassage. Meron naman masahista dito kesa naman dyan mo ipamasahe kay Mr. Monte Silva. Hindi atah bagay at hindi magandang tingnan." Mataray na anang isa sa mga ito.
"She's pregnant. At wala akong pakialam sa iisipin ng iba kung maganda o hindi maganda sa paningin nila ang ginagawa ko. Mag-ina ko ang pinag-uusapan dito. Kaya gusto kung ako mismo ang mag-aalaga sa kanila kesa sa iba. Alam kung mahirap ang nagdadalang tao kaya kahit mahirap I will do my best para siguraduhin ang kapakan nila." Ani Kurt dito na kinatameme ng babaeng nagsalita.
BINABASA MO ANG
Someday You Will Love Me(Completed)
Lãng mạnLysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."