Chapter 24

20.7K 642 46
                                    

LUMIPAS ang mga buwan at palapit ng palapit ang kabuwanan ni Anisa. Kaya hindi na ito maiwan-iwan ni Kurt. Tudo alaga at bantay sa kanya ang asawa.

"K-kurt."

Biglang napabangon si Kurt ng tawagin siya ni Anisa.

"Baby, what's wrong?" Taka nitong tanong sa asawa na hawak-hawak ang tiyan. "M-manganganak na atah ako." Sagot nito. Kaya patakbong lumabas ng kwarto nila si Kurt.

"Bro, what happened?" Kunot ang noo na si JB. Nagstay kasi ito sa bahay ni Kurt. "Si Anny, manganganak na bro." Sagot nito.

"Okay! Buhatin mo at dalhin natin sa hospital. Ako na ang bahala sa mga gamit." Ani JB. Kaya panabay silang pumasok sa kwarto nila Kurt. Agad na binuhat ni Kurt si Anisa. Si JB naman ay kinuha niya ang gamit ni Anisa sa panganganak na nakasilid sa bag.

Agad binuksan ni JB ang kotse niya ng marating nila ito. Ng makasakay sina Kurt at Anisa ay saka niya dali-daling tinungo ang driver's seat at pinaharurot ito.

"Uhm....aaaahhhh! K-kurt. Kasalanan mo ito. Kasalanan mo ito kasi binuntis mo ako," mangiyak-iyak na ani Anisa kay Kurt. "I hate you. Wag muna ako bubuntisin ulit. Ang hirap magbuntis." Anitong hindi alam ang gagawin.

Maging si Kurt ay tila hindi rin alam ang gagawin para gumaan ang pakiramdam ng asawa niya.

"Okay! Baby, calm down. I promise, hindi na kita bubuntisin ulit. Pero kailangan mong lakasan ang loob mo dahil gusto na tayo makita ni baby. Excited na siyang makita ang brave mom niya." Saad nito kay Anisa na tagaktak na ang pawis.

"Hello. It's me JB Samonte. On the way kami ngayon sa Guerrero Hospital. Manganganak na kasi ang asawa ni Monte Silva. Kaya kung pwede ipaready mo ang babaeng doctor na magpapaanak dito. Bago pa gumawa ng kabaliwan ang pinsan ko. Thank you." Rinig ni Kurt na ani JB habang nagmamaniho ito.

Mga ilang minuto lang ng marating nila ang Guerrero Hospital. Agad silang sinalubong ng mga nurse na tila sila talaga ang hinihintay ng mga ito.

Dahil pumutok na ang panubigan ni Anisa ay kaya naman agad nila itong dinala sa loob ng delivery room.

Habang hinihintay nilang bumukas ang pintoan ng delivery room ay lakad upo ang ginagawa ni Kurt. Pinagpapawisan narin ito ng malamig sa takot para sa asawa.

"Kumusta ang asawa mo, bro?" Tanong ng mga kaibigan niyang nagsidatingan. Ni hindi niya alam kung paano nalaman ng mga itong manganganak na si Anisa. Kasi hindi na niya natawagan ang mga ito, siguro ay malamang si JB ang tumawag sa mga ito.

"I don't know, hindi pa lumalabas ang doctor na nagpapaanak kay Anny." Sagot nito sabay hilamus ng mukha gamit ang dalawang palad.

Samantala ang mga taong nakakakita sa kanila ay napapanganga dahil sa naggwagwapuhan ang nasa labas ng delivery room. Ang ilan ay napapangiti ng makita na naman sila ng mga ito. Nakita rin kasi ng mga ito ang magkakaibigan noong nanganak si Aslea Denisse. At kakalabas lang nito nung isang araw.

Agad namang tinapik ng mga ito ang balikat niya bilang pampalakas loob. Ng bumukas ang pinto ng delivery room ay agad na napatayo si Kurt.

"Sino po ang asawa ng----

----ako po ang asawa," Putol niya sa tanong ng doctor. "kumusta po ang asawa ko?" May pag-aalala niya ditong tanong.

"Wala po kayong dapat ipag-alala, sir. Dahil okay lang po ang asawa niyo, maayos po niyang nailuwal ang inyong anak. Hintayin niyo na lang siya sa magiging room niya at ang gamit ng anak niyo po ay pakibigay na lang sa mga nurse na aasikaso sa baby boy niyo." Anang kausap niyang doktora. Agad naman siyang tumango bilang sagot. At dahil sa tinuran ng doktora na nagpaanak kay Anisa ay agad naman ibinigay ni JB sa mga nurse ang binitbit niyang gamit ni Anisa.

Someday You Will Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon