Part 1

91 2 0
                                    

Part 1: Love at first sight?
Blain's POV

"So eto na bessy! Nakalipat kana rin sa wakas dito! Imissshuuu so muchhhh bessy!" Sabi ni Julianne sakin sabay yakap. Hay nako, kung di lang talaga malakas sakin tong si Julianne di ako magpapalipat sa school na to eh. Saka miss kona rin sya kaya pumayag nako. Hehe.

"I miss you too! Pasalamat ka at bessy kita hihi. Ganda ng school nyo by the way." Sabi ko sakanya.

"Maganda talaga dito bessy! Haha ang lakas ko talaga sayo eh pati kila Tito kaya napapayag ko sila na dito kana lang magaral. Oo nga pala, Dami kong chichika sayo bessy! Alam mo kasi blah blah blah"
Sabi nya sakin habang naglalakad kami papunta sa room namin. Mabuti nalang at magkaklase kami. Sya lang kasi ang kilala ko sa school na to, lalo na't bagong lipat lang din ako dito.

"Huy blain! Nakikinig kaba sa sinasabi ko?" Napatingin ako sakanya.

"Ah oo. Mamaya kana magkwento gusto ko na makita yung bagong room natin." Sabi ko sakanya kaya naman napabusangot nalang sya sakin. Napangiti naman ako. Haha!

So nandito na kami ngayon sa room namin. Wow ah, infairness ang gandaaaa. Ang laki pa. Tas may dalawang aircon sa gilid. Tas may TV sa may bandang harapan.

"Dito nalang tayo umupo blain." Sabi sakin ni Julianne habang tinuturo yung upuan na nasa bandang dulo. Pumunta naman agad ako dun para maupo na kami.

Kami palang ang tao dito, sobrang excited kasi ni Julianne kanina e. Sinundo na agad ako sa bahay. Ang  tagal nya tuloy nagintay.

"Oh nandito na tayo ah, magkwekwento nako sayo." Sabi ni Julianne. Halatang halata na ready na yung bunganga nya dumaldal sakin. Haha!

"Alam mo blain, may crush ako sa school natin. Actually lima sila, pero may pinaka napusuan talaga ako sakanilang lahat. Hihi." Panimula nya. Nakatingin lang naman ako sakanya habang nagkwekwento siya.

"Ang name nya ay Gabriel. He's so handsome! Ang talented pa nyaaaa. Kaya sobrang crush na crush ko siya. Kaso ang dami kong kaagaw dito sa school natin. Isa kasi sya sa campus crush dito sa school." Sabi nya pa.

"Ahhh. Kaklase ba natin sya ngayon?" Tanong ko sakanya.

Bigla naman syang napangiti ng nakakaloko. Kaya alam kona yung ibig sabihin nya sa ngiti nyang ganoon.

"H'wag kang magalala di ko aagawin yun sayo. Sayong sayo na yun." Sabi ko sakanya sabay belat sakanya.

"Buti naman nagkakalinawan tayo dyan bessy! Haha! Wag kang magalala may apat pa namang natitira. Hihi." Sabi pa nito. Anong ibig sabihin nya dun?

"Anong ibig mong sabihing may apat pa?" Tanong ko.

"Diba lima silang sikat na sikat dito sa school natin? Wag mona agawin sakin si Gabriel dahil may apat ka pang pwedeng pagpilian." Sabi nya sabay tawa. Hay nakoooo! Wala akong pakeelam sa mga lalaking yun. Di ko bet mga lalaki, mas bet ko pagkain! 😜

Tapos bigla namang tumunog yung tyan ko. Awww. Gutom nanaman ako.

Narinig naman ni Julianne ang pagtunog ng tyan ko. Kaya naman natawa sya.

"Gutom nanaman sya!" Sabi nya.

"Ehh. Wag ka nga. Samahan moko sa canteen! Maaga pa naman eh." Sabi ko sakanya.

"Hindi na tayo pwedeng umalis dito, papadating na mga kaklase natin oh. Baka tayo pa mawalan ng upuan pag umalis pa tayo dito." Sabi ni Julianne sakin. Kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

"Ituro mo nalang sakin kung saan yung canteen, ako nalang magisa bibili." Sabi ko sakanya.

"Huwaw! Sanay ng magisa ganornnn? Hahaha. Oki basta dalian molang ah." Sabi nya sakin pagkatapos ay itinuro nya sakin kung saan yung canteen. Agad agad naman akong kumaripas ng takbo dahil nagugutom na talaga ako. Tiningnan ko yung relo ko, meron pang 20mins. bago magsimula yung klase.

Agad akong bumili ng hamburger tapos ng tubig. Pagkabili ko agad nakong pumunta sa room at nakita kong nandon na yung teacher namin. Hala! May 10mins pa ah? Bat ang aga naman niya?

Nakita ako nung teacher namin kaya naman sinenyasan nya ko na pumasok na. Tinago ko muna sa bulsa ko yung hamburger.

"Bago kalang ba dito?" Tanong sakin ng teacher namin. Pagkatapos ay tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa.

Tumango naman ako sakanya.

Bigla naman sumigaw yung mga kaklase kong "MAGPAKILALA KANA!"

Kaya naman sinenyasan ako ng teacher namin na magpakilala nako sa harap. Pero bago pa man ako makapagsalita may limang lalaki na pumasok sa klase. Kaya naman naghiyawan yung mga kaklase kong babae.

Nakita kong napanganga naman si Julianne habang nakatingin sa limang yun. Teka? Sila ba yung tinutukoy nya kanina na campus crush ng school?

"Boys, bakit kayo late?" Tanong ni Ma'am.....ewan! Diko pa sya kilala eh.

Di nila pinansin si ma'am at nagdire direcho lang sila umuwi sa likod. Grabe! Ang bastos naman nila.

Di na nagsalita ulit si ma'am at napabuntong hininga nalang.

"Okay. Magpakilala kana." Sabi sakin ni ma'am.

Huminga ako ng malalim.

"Hi, I'm Blain Cervantes from Forex University. Nice to meet you all." Sabi ko pagkatapos ay nagpalakpakan naman ang aking mga classmates.

Tumingin naman ako kay ma'am, at sinenyasan nya ko na bumalik na ko sa upuan ko.

Shocks. Nandun pala yung limang lalaki, sa likod namin ni Julianne!

Nakita kong nakatahimik lang si Julianne at di sya nagsasalita.

Shems! Oo nga pala. Nandito nga pala yung crush nya. Sino kaya yun dito? Lumingon naman ako sa mga lalaking nasa likod namin ngayon, at lahat sila nakaseryosong nakatingin sa harap. Napatingin naman sakin yung isang lalaki, napansin nya sguro na nakalingon ako sakanila. Seryosong seryoso lang yung muka nya. S-shemssss! Waittt yung puso ko? Bat ganito? Ang bilis ng tibok?

----------------------------------------

Hi mga kyah at mga teh! This is my first update. Enjoy!

MY FAKE BOYFRIENDWhere stories live. Discover now