Part 10

27 0 1
                                    

Part 10: Quenx 5

Blain's POV

Pagkagising na pagkagising ko nakaramdam agad ako ng gutom. Ewan ko ba, kumain naman ako kagabi.

Pagkatapos kong kumain, tiningnan ko agad yung oras. Anong oras na! Malalate nako sa school! Napasarap yung kain ko dito ah.

Agad agad akong pumunta sa banyo para maligo na, magkatapos ay nagtoothbrush saka nagbihis.

2minutes nalang late nako!

tumakbo agad ako sa may garahe namin at nagpahatid ako kay mommy dahil malalate na talaga ako!

pagkapunta namin sa school, nagbabye nako sa mommy saka tumakbo ako papuntang gate.

hayyy, 15minutes late nako.

nakita kong nagtuturo na si ma'am velasco. kaya naman napatago ako, naalala ko yung sabi nya sakin nung unang beses ako ma-late. first and last warning ko nadaw yun. kaya naman nagtago nalang muna ako dito sa may hagdanan. antayin ko nalang matapos yung subject nya. feeling ko tuloy ang sama ko, cutting class tong ginagawa ko eh. hmmm, pakita na kaya ako kay ma'am? kaso kinakabahan ako.

sige nanga papakita nako kay mam bahala sya kung pagalitan nya ko or what. basta, hindi ako nagcut class.

pumunta ako sa harap ng pintuan kaya nakita agad ako ni mam, at sinenyasan na pumasok nadaw ako.

huwaw ah. hindi nya ko pinagsabihan? okay lang sakanya? ohhh. sabagay ok na to kesa naman pagalitan nya pa ako sa harap ng mga kaklase ko.

umupo nako sa tabi ni julianne,

"Oh? Anyare? Bat late ka ngayon?"

"Napasarap sa kain eh."

"Hahahahaha. Pakisabi dun sa maid nyo, pagluto nya ulit kami ng fried chicken ha. Ang sarap eh."

"Oo sige, pasalamat kayo madaming stock ng chicken sa bahay namin."

"Okay yehey! Mamaya ah. Punta ulit kami dun, para makakain ulit kami. Hehe."

Pagkatapos ng paguusap namin ay nakinig na kami kay mam velasco.

3rd subj na namin ngayon at pagkatapos nito ay recess na. inaantok nako, pinipigilan ko lang yung matang kong hindi pumikit.

-Recess!-

Hindi ko nakita si Blake na pumasok ngayon. San nanaman kaya pumunta yung lalaking yon?

'Nandun ang quenx 5 sa court! Tara punta tayo dun!'

'Oo nga tara na! Ang panget daw ng laro ni Blake ngayon ah. Bakit kaya?'

'Kasi wala pako! Tingnan nyo pag nandun nako, sisigla na maglaro si fafa blake!'

Pagkatapos kong marinig ang usapan nila, napatingin sila sakin.

'Tara na gals!'

' Oo nga!'

Ang lakas maka fafa blake ah.

So, nasa court pala silang lahat? Kaya wala si blake kanina sa room?

"Oh narinig mo yun? Nandun daw yung quenx 5 sa court! Wala kapa kasi dun kaya walang gana si Blake. Kaya tara na agad! Iche-cheer ko si Gabriel!" Sabi ni julianne saka tumawa.

Napabuntong hininga ako bago ako umiling. Ayoko, ayokong pumunta don.
For sure, hindi ako yung inaantay ni Blake kundi si Thea para gumanda yung laro nya.

MY FAKE BOYFRIENDWhere stories live. Discover now