Part 11

19 1 0
                                    

Part 11: Finally

Blain's POV

Pagkatapos kong iluto  yung mga pagkain para sa celebration dito sa bahay ni Blake.

Agad-agad namang nilantakan nila Zeik at Julianne 'yung mga pagkain.

Hay jusko! Basta usapang pagkain hindi sila papahuli.

Habang sila Blake naman ay papapunta palang dito sa dining area.

"A-ang surup mu pulung magluto Blain!" Sabi ni Zeik habang punong puno pa yung bibig nya ng pagkain.

Napangiti naman ako. Tinuruan lang ako ni Adel magluto. Paniguradong magkakasundo talaga sila si Adel ang tagaluto at si Zeik ang taga kain.

"Oo nga blain! Ang sarap! Kasing sarap mo magluto si Siah ay---" Hindi na natuloy ni Carlo yung sasabihin nya dahil napatingin sakanya si Gino.

Sino si Siah?

"Sino yun Carlo?" Curious na tanong ni Julianne.

"A-ah ano walalang yun." Sabi niya saka kumain ulit.

Carlo's POV

Hindi ko napigilan yung bibig ko tangina! Napatingin tuloy sakin si Gino paniguradong magagalit nanaman to sakin!

Ang gago kasi nitong gunggong na kaibigan naming to eh!

Ang torpe umamin kay Siah, yan tuloy naunahan syang umalis.

Pakagago. Buti pa ko walang problema sa mga babae kasi habulin naman ako.

Habang kumakain nilibot ko yung paningin ko.

Nakita kong nakatitig si Gabriel kay Julianne habang kumakain. Aba! Aba! Mukhang may isa pang loveteam dito ah!

"Huy matunaw yan!" Sabi ko kay Gabriel kaya naman napatingin sya sakin.

"A-ano yun?" Tanong niya.

"Baka kako matunaw yang si Jul---" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla syang tumayo at pumunta sa pwesto ko para takpan yung bibig ko.

Kaya naman napatingin sakaniya sila Julianne.

"A-ah a-ano nabubulunan kasi si Carlo." Pagsisinungaling sya saka ako tinapik ng malakas sa likod. Aray! Langyang lalaking to oh!

Pagkatapos nun ay bumalik na agad sya sa pwesto niya.

*kringggg kringggg*

Narinig kong tumutunog yung cellphone ko kaya agad ko yung kinuha.

Unknown number? Sino to?

Agad-agad ko namang sinagot.

Unknown: 'Wag kayong pasisiguradong panalo na kayo! Marami akong nakahandang plano para mapabagsak kayo! Tandaan nyo yan!

Walang duda alam ko kung kaninong boses to. Kay Paul.

Ako: Oh tapos kana? Pwede konang patayin?

Unknown: Napaka kalmado mo naman ata Peralta! Sige lang, pagpakakalmado kalang ngayon pero eto ang tandaan mo, hindi pako tapos sainyo!

Ako: Okay na? Bye.

Talagang hindi titigil tong demonyong lalaki na to hanggat hindi nya kami natatalo.

"Sino yung tumawag?" Tanong ni Blake sakin.

"Ah si Paul lang yun." Sabi ko naman sakanya.

Tumango lang siya sakin pagkatapos ay kumain na ulit.

MY FAKE BOYFRIENDWhere stories live. Discover now